From: Parko
-I'm sorry for what happened last time. Can we meet? I'm really sorry Tam.Hindi ko pinansin ang text ni Parko. Ayaw ko ulit magkaroon ng gulo at ayaw kong makitang mag away muli sila ni Aron.
"Charan! Carbonara para sa maganda kong pasyente!" Tuwang tuwang pinakita ni Leila ang carbonarang niluto niya. I smiled at umupo na.
"Sabayan mo na ako Leila." Sabi ko. Tumango si Leila at humarap din sakin. She really did great sa carbonara huh! Ang sarap!
"Ang sarap! Kakaiba 'tong carbonara mo. Gusto ko matutunan." Sambit ko habang nginunguya ang carbonara.
"Sure! Kailan mo gusto?" Napaisip ako kung kailan darating si Aron. Hindi kasi araw-araw bumibisita si Aron. We're texting pero siyempre busy siya sa pag aaral niya.
"Maybe next week? Aron's probably busy for school." Sagot ko. Ngumisi siya at tumango.
"Naku ma'am, ang cute niyong dalawa 'no? Ang gwapo niya at ang ganda mo pa. Alam mo ba na nabanggit pala 'yan ng kasama ko sa bahay?" Napaawang ako sa kaniyang sinabi.
"Si Aron?" Tumango siya bilang sagot sa aking tanong.
"Opo! Grabe nga po 'yong pagkakakwento niya. Nakita niya daw si Aron sa mall at nilapitan niya 'to. Ang sungit daw talaga." Aniya. Pinag patuloy ko lang ang pagkain. Sanay naman na ako sa mga ganon.
"Pero pinag sasabihan ko naman siya na may girlfriend na si Aron." I smiled habang nag kukuwento lang si Leila.
"Naiinis nga ako dun eh! Wala daw siyang pake at hihintayin daw kayong mag hiwalay. Tss as if." Umirap pa siya na tila inis na inis sa kaibigan niya.
"Hayaan mo lang sila Leila. May tiwala ako sa relasyon namin ni Aron 'no." Natatawa kong sabi. Umiling siya at humalukipkip.
"Kahit na 'no! Kasi pursigido talaga siya. Noong sinabi niya nga na nakita ka niya, alam niya raw na di kayo mag tatagal. Nakakainis! Akala mo naman papatulan siya ni Aron. Porke maganda siya? Naku!" Tila mas inis na inis pa si Leila kaysa sakin kaya natatawa na lamang ako. But she saw us? She saw me? Hmm.
"Sino ba 'yon?" I asked. She frowned.
"Iyong pinsan kong spoiled brat! Si Samantha. Ayoko 'yon. Sikreto lang natin ha?" Natawa ako sa kaniyang sinabi. But wait. Samantha? Parang pamilyar.
"Sinabi mo ba na nag tatrabaho ka samin?" Sumubo ako ng carbonara at ganoon din ang ginawa ni Leila bago ako sagutin.
"Hindi, kasi di naman ako nag o-opem sakaniya. Nag kukuwento lang siya pag nakikita niya si Aron dahil di niya raw alam kung kanino ibubuntong ang kilig." Hinawakan niya ang kaniyang sintido at muling umirap.
"Nag-aaral ba siya sa university na pinapasukan nila Aron?" Tanong ko. Umiling lamang siya bilang sagot.
"Then we don't have to worry Lei." I smiled pero nakanguso parin siya.
"Kakaiba 'yong babaeng 'yon! Haliparot. Kaya pag nakita mo siya sa mga games ni Aron, lumayo ka sa babaeng 'yon ha? Baka kung anong gawin pa sa'yo nun!" Napa iling na lang ako at napatawa. Mas nag woworry talaga si Leila.
After namin kumain ni Leila, nag tulungan na kami sa pag linis ng unit. Sinamahan rin niya ako maglibot sa garden ng condominium. Nag grocery na rin kami para sa unit ko.
I am really thankful na meron si Leila dahil may nakakausap ako habang wala ang mga kaibigan ko.
Tinignan ko ang aking wrist watch. Kailangan na palang umalis ni Leila. Nakakahiya naman kung mag over time pa siya.
BINABASA MO ANG
Carrying The Bad Boy's Baby
RomancePano kung ang isang bad boy na katulad ni Aron Rutherford ay mabuntis ang isa sa mga nag kakarandapa sakaniya na si Tamara Yen. Mahuhulog din kaya si Aron para kay Tamara?