Chapter 14

14.3K 280 3
                                    

Nandito ako sa kwarto ng kambal dahil hinila nila ako papunta dito. Pinakita nila yung mga paborito nilang laruan tapos nag laro-laro na sila hanggang mapagod. Ang himbing nga ng tulog nila eh. Ano nga ba ang ginawa ko habang pinapanood ang kambal na nag lalaro? Ayun iniisip ang mga pinag sasabi ni Aron kanina. Oo aaminin kong kinilig ako. Bakit ba?

Dahil mahimbing naman na ang tulog ng kambal, bumaba na rin ako. Pero napatigil ako sa pag baba ng marinig ko ang mga tawanan.

"HAHAHAHAHA! So you're a f*cking daddy now!" Halakhak ng isang lalake.

"Tch. And so?" Rinig kong sabi ni Aron.

"Dude, may plano ka bang pakasalan si mommy Tamara?" Familiar 'yong voice. Parang naka usap ko na 'yong taong nag salita na 'yon. Pero Hindi parin ako nag papakita at nakinig pa sa mga kwentuhan.

"No. Nag usap na kami at ng parents namin. We've decided na hanggang pagiging tatay lang ang gagampanan ko at hindi asawa." Ani Aron. Kahit narinig ko na ang desisyon na 'yon ay parang masakit padin. Whatever. Nag desisyon rin naman na ako.

Bumaba na ako na sala at natigilan sila sa pag uusap.

"Mommy Tamara is here!" Sigaw ni Christopher. Lumapit sakin si Bret and looking me straight in the eyes.

"Hey. Uhm. Sorry nga pala sa nasabi ko hehe." Aniya. Ang cute niya pa nga kasi namumula siya atsaka napakamot pa siya sa batok niya habang sinasabi 'yon.

"Ok lang yun! Promise." Ngumiti ako sakaniya. Tinignan ko silang lahat. Si France, yung isang lalakeng di ko kilala at si Aron naka tingin sakin. Inirapan pa nga ako ni Aron eh. Tapos si Christopher naman atsaka si Nicko nag haharutan. Si Kent naman busy sa cellphone niya.

"Talaga?" Tumango naman ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa sofa kung saan sila nag iinuman. Oo nag iinuman sila! Tsk. Umupo ako sa tabi ni Bret atsaka ni France.

Ganito ang pwesto namin:
Bret. Ako. France. Aron.
Sa kabilang sofa naman na katapat namin:
Christopher. Nicko. Lalakeng di ko kilala. Kent.

"Grabe Bret! Chicks 'yan ni Aron!" Sita ni Nicko kay Bret. He's glaring at Bret. Ngayon lang ako na-cute-an sa mga lalakeng 'to. Hay ewan.

Siymepre sa sinabi ni Nicko, napatingin kaming lahat kay Aron. Ano bang sasabihin ko? Si Aron nag tataka kung bakit kami nakatingin sakaniya. Hawak hawak niya pa yung bote ng alak.

"What? I don't care and I don't mind at all." Aniya na nakangisi at umiling.

"Naman pala eh! Pwede ba akong mag pakilala kay Mommy Tamara? Di niyo naman kasi ako ipinakilala." Sabi nung lalake. Ha basta! Di ko kilala pero pogi siya at cute din.

"Nako! Wag na 'Mommy Tamara'. Baliw talaga kayo. Tamara na lang or Tam. Ok na ako dun." Ngumiti ako sakanila. Lumapit si lalakeng di ko kilala at inilahad ang kamay niya. Inabot ko naman.

"I'm Parko Vasquez." Pag papakilala niya. Nag wink pa siya at hinalikan ang kamay ko. Agad niya namang binitawan ang kamay ko.

"Uh hehe hi Parko." Ngumiti siya atsaka bumalik na sa pwesto niya.

"Mommy Tam! Ano feeling?" Tanong ni Christopher habang iniinom ang alak niya. Humalakhak naman si Nicko atsaka si Bret. Feeling ng alin?

"Ng buntis? Uhm ok lang naman kaso--" naputol ang sasabihin ko ng sumingit si Nicko.

"Hindi. hindi yan! Ano feeling maka one night stand si Daddy Aron?" Aniya na ikinahalakhak nilang lahat maliban kay Aron at ako.

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon