Chapter 31

8.7K 211 59
                                    

Hehe sorry late akong nakapag update :( But here it is! Have fun people! Love you alllll!

Ps. Sorry for the typo errors.

****

"Saan mo gustong simulan?" Anang tanong ni Ivan ng makapasok sa kotse niya. Si Ivan lang kasi ang kasama ko. Si Leila kasi, nasa apartment nila at may inaasikasong bisita. Kaya 'yon! Kaming dalawa lang. Nung una nag aalangan pa akong sumama for some unknown reason.

"Saan mo gustong simulan?" Pag uulit niya pa.

Hmmmmm. Saan nga ba? Kung sa mall, halos kabisado ko na ang parte n'on. Kung sa parke naman, boring para sakin. Hindi ako nawiwili sa ganoong lugar. Kung sa maganda, mataas at maganda ang simoy ng hangin, hindi dapat si Ivan ang kasama ko. I honestly want someone special to me, para makasama sa ganong lugar.

"Sa university." Sagot ko. Napangisi siya at napatawa.

"Medyo matagal-tagal ang pag-iisip mo, pero sa university lang pala." Aniya at inistart na ang kotse.

Pft. Bakit nga ba sa university? Sa sobrang wala akong maisip na pasyalan, ay doon na lang. Kabisado ko rin naman ang university tulad ng mall. Kaya lang yun lang talaga ang naibuga ng bunganga ko.

"Baka may nag bago." Pag dadahilan ko. Pinaandar niya ang kotse.

"Meron nga. Bago ang canteen doon. Mas madaming pagkain." Natatawang sabi niya kaya napatawa ako.

"Gusto kong makita ang mga naging kaibigan ko d'on." Napasulyap siya sakin at huminto ng nag pula na ang stop light.

"Aren't you worried? You're pregnant. Baka kung anong sabihin nila." Aniya ng nakatingin na sakin. Huminga ako ng malalim. He's right pero anong magagawa ko? Malalaman at malalaman naman nila.

"I don't care anymore. Hindi habang buhay, maitatago sakanila ang katotohanan." I smiled.

"But you can't just please people." Aniya at huminga ng malalim.

"I know. And I'm not going to please them."

"Ano ang gagawin mo?" I stared at him. He's really scared. Kaya ko naman 'to. Noong siya nga, naharap ko sa katotohanan ay naging okay naman. Pero akala ko talaga mawawalan ako ng kaibigan. He judged me, na akala ko hindi. Iyon ata ang iniisip niya.

"I can handle it Ivan." Ngumiti ako to assure him that it's really okay.

"Yeah right. And if they say something against you? Nandito lang naman ako. Kami." I smiled more. Atlis, Ivan stayed.

"Kaya nga hindi ako takot diba? If other people can't accept me? May family and friends naman akong tanggap ako." He tapped my head at pinaharurot na ang sasakyan ng mag green light na.

"Siguro dudumugin ka ng mga kaibigan mo." Aniya. Nakatingin lamang ako sa daan. Naisip ko rin naman 'yon pero handa naman akong sagutin lahat ng tanong nila.

"Siguro." Nagkibit balikat ako. Chineck ko ang watch ko. 8:26 am. Matagal-tagal pa bago pumasok si Ivan. Dapat ko ng sagarin ang pamamasyal namin.

"Gusto mo bang libutin lahat sa university?" Napatingin na ako sakaniya. Palipat lipat ang tingin niya saakin at sa kalsada.

"Eyes on the road Ivan." Giit na sabi ko. Ngumisi siya at tinutok na ang daan. "Kung pwe-pwede." Sabi ko bilang sagot sa tanong niya.

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon