Chapter 16

15.7K 298 17
                                    

Nag lakad ako ng mabilis ng makakita ako ng nag bebenta ng shake. Hehe. Dalawa kaya bilihin ko o tatlo? Para may isa si Aron! Pero baka ayaw niya. Wag na kaya? Lumingon ako sa direksyon ni Aron na nakasunod lang sakin at naka kunot ang noo niya. Tumigil ako at hinintay siyang makalapit sakin.

"Why did you stop?" Tanong niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sasabihin ko ba? Pero nakakahiya kaya kung tanggihan ako!

"G-gusto mo?" Tinuro ko ang stand ng shake. Tumaas ang isa niya kilay ng tinignan ang shake stand. Hindi niya ako sinagot. Kita niyo na! Isnobbero 'to eh!

Pero nag lakad siya papunta don pero ako 'tong hindi maka lapit sakaniya kaya napalingon siya saakin.

"What? You're not going to buy?" Tanong niya sakin. Umiling ako at lumapit sakaniya. "I thought you like it. Bakit ka umiling?" Bihira lang mag salita 'tong si Aron. Siguro bored na bored kaya nag salita na. Milagro na rin siguro 'to o di kaya hindi lang talaga kami close kaya hindi siya nag sasalita dati. Pero wow ha! Dati lang patay na patay ako sakaniya tapos parang kaylangan ko pang lumuhod para maka usap niya ako. Tapos ngayon kinakausap niya na ako! Hehe. Muka nga akong desperada. Tsk.

"Ah wala. Gusto mo ba?" Tumingin siya sa menu ng stand at hindi man lang ako sinagot. Nako. Ganito ba siya makipag date sa mga babae? Di nag sasalita?

'Bakit date ba 'to? Feeling Tamara ha!' Grabe din 'tong epal ng conscience ko. May sinabi ba akong date 'to?! Hindi naman diba!

"One cookies and cream and-- what do you like pregnant woman?" Nagulat ako ng tanungin niya ako. Anong tawag niya sakin? Pregnant woman? Eh kung tawagin ko kaya siyang tatay! Hay nako!

Inirapan ko siya. "2 mango shake please." Hindi ako narinig ni ateng nag bebenta at tutok lang kay Aron na nakatingin sa cellphone niya na parang may tinetext. "Ate narinig mo ba ako?" Lumapit pa ako kay ate para naman matauhan. Kaya napatingin na sa gawi ko si Aron at si ateng nag bebenta.

"I-I'm sorry po. Ano po ulit 'yon?" Napakamot pa siya ng ulo habang pasulyap sulyap kay Aron. Huminga ako ng malalim bago muli siyang sinagot. "2 mango shake ate. Uulitin ko. 2 mango shake." Humalukipkip ako at kumuha ng pera sa purse na dala ko.

"Why 2? I already have my cookies and cream." Ani Aron. Feelingero rin pala si Aron? Alam ko namang may cookies and cream na siya. Ano ako tanga? Hay. Nakaka stress mga tao ngayon!

"Sinabi ko bang sayo yung isa?" Sabi ko. Inirapan niya ako at tumutok ulit sa cellphone niya.

"Magkano yung dalawa?" Tanong ko kay ateng nag bebenta. Para pa siyang nataranta ng tanungin ko yon kasi nahuli ko siyang naka tingin kay Aron. Si Aron ipang bayad ko dito eh.

"135 pesos po ma'am." Sagot niya. Ang mahal naman nung dalawang shake na yun! Napakamot ako ng batok.

"Magkano ba yung dalawang mango shake at napaka mahal naman?" Tanong ko kay ate.

"Ah ma'am 90 pesos na po yung dalawa pero sinama ko na po yung cookies and cream ni s-sir kaya 130 pesos na po. Mag kasama naman po kayo diba?" Aniya. So ako ang mag babayad kay Aron? Wow ha. Ang sabi ko, magkano yung dalawa hindi tatlo. Tulala talaga 'to kay Aron.

"Tatay! Bayaran mo yang cookies and cream mo!" Tinapik ko pa ang balikat ni Aron kaya kumunot ang noo niya sakin.

"What did you just call me?" Inirapan ko siya. Yung isang kasama naman ni ateng nag bebenta na hinahanda ang order namin ay medyo napatawa.

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon