Chapter 36

6.4K 168 38
                                    

Warning: Medyo SPG ang ating mga words HAHAHA! Medyo lang.

Enjoy people!

****

"GO ARON MY BABY!!!!" Sigaw ng katabi ko. Ay. Hindi lang pala ang katabi ko. Karamihan dito sa court ay ganoon ang sinisigaw.

Parang ang sarap isigaw ang 'Go Aron sabi ng baby mo sa tiyan ko!' But that sounds very territorial. Kaya mas pinipili kong manihimik at pumalakpak tuwing nakakashoot si Aron. Pero kung hindi ako buntis ngayon, I would definitely shout out loud.

It's their basketball competition. Nag imbita ang University namin sa mga kabilang schools para makipag laro. Ito ang pangalawang araw ng competition at pangatlong laro nina Aron. Dalawa ang naging laro nila kahapon. Kaya ngayon, gabi ang naging laro nila. Pero kahit gabi, marami parin ang nag tiyatiyaga para makanood.

"WAAAAAH! AYAN NA HAWAK NI ARON 'YONG BOLA KYAAAAA!" Sigaw naman ng nasa likod ko. Napalingon si Aron sa direksyon namin habang pawisang dini-dribble ang bola kaya mas lalong napasigaw ang mga nasa paligid ko.

"TINIGNAN NIYA AKO BES!!!"

"AKO! HAHA! BUNTIS NA AKO SA TINGIN MO ARON!"

"HAYOP KA! PANINDIGAN MO ANG PAGSULYAP MO!"

"AHHHH! PWEDE NA AKO MAMATAY!!"

Hindi ko mapigilang matawa sa mga sinasabi nila. Parang ako lang iyon noong high school ako. So dead. Napaka fangirl.

Pumito ang referee hudyat na may nag substitute. Umupo si Aron at ginulo ang buhok. Marami ang nadisamaya sa pag upo ni Aron sa bench. Malamang ay gusto pa nila ito makitang mag laro.

"Wala na ang baby ko!" Pagmamaktol ng katabi ko.

"Si Bret oh!" Dinig kong sabi ng babae. Si Bret ang naging kapalit ni Aron.

"Ay! Napaka gwapo ni Kent! Wala pang girlfriend! Naku! Akin na 'yan!" Anila at nag tawanan. Napangisi ako at muling nanonood.

Tuloy ang hiyawan ng mga katabi ko tuwing nakakashoot ang mga players ng school namin. Marami rin naman ang humihiyaw para sa kabilang school dahil andito rin ang ibang mga estudyante galing doon. Pero napapahiyaw rin sila tuwing mga poging players samin ang nakakashoot. Yep! And they really love Aron when he's playing.

"Uy! Nakatingin sayo si Aron!" Kinikilig na sabi ng katabi ko. But I didn't mind dahil hindi ko naman sila kilala at hindi rin naman nila ako kinakausap.

"Kyaaa! Nainlove kaya siya sa kagandahan ko?" Napataas ang aking balahibo at agad napatingin sa babaeng nag sabi non. The hell she's really pretty! Tinignan ko si Aron na matamang tinititigan ako. Ako nga ba talaga Mr. Rutherford?

Tinaas ko ang aking kilay at umirap sakaniya. Tumaas rin ang kaniyang kilay at ngumisi. Umiwas ako ng tingin at ibinaling ito sa mga nag lalaro.

"Waaah! Ngumiti siya sakin!" Sigaw pa ng babaeng maganda. Tila nag aalab ang aking galit sa narinig. Oh she have the guts! Taga ibang school siguro ito.

"I think he likes you!" Ani ng kaibigan niya. Lumingon ulit ako sa gawi nila. Nakalabas ang strap ng ID niya sa kaniyang bag. Hindi nga siya taga rito.

Masama kong tinignan si Aron na ngayon ay nakatingin parin sa gawi namin.

Namilog ang kaniyang mata ng makita ang masamang tingin ko sakaniya. Agad siyang nag iwas ng tingin at kinalkal ang gym bag sa ilalim ng bench. Namataan kon kinuha niya ang kaniyang cellphone. Oh! Baka kukunin na niya ang number ng babaeng 'to!

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon