Chapter 13

14.4K 321 22
                                    

Nakakainis naman eh! Bakit ngayon na aalis sila ate? Sana hindi na sila umalis. Hindi ko tuloy mapigilan na umiyak. Tch. Lagi naman akong umiiyak.

"Mag iingat ka dito lagi Keith ha?" Tumango ako sa sinabi ni ate. "Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo lalo na si baby." She pouted. Tumakbo papalapit sakin si Renzo. Umiiyak siya while hugging me. Aww. I'll miss this kid so much. I pat his head at hinalikan ang ulo niya.

"Tita come with uws pwease." Aniya.ang cute cute niya kasi naka pout pa siya.

"Sorry Renzo ko. Tita can't come but soon." I smiled and he smiled back.

"We'll call you when we get there." Sabi ni kuya. I nodded and hugged him.

"I'll miss you kuya." Kumalas ako sa pagkakayakap at niyakap rin si ate Mica.

"Wag kang mahiya sa cravings mo ha? Sabihin mo lang kila mommy." Sabi ni Ate Mica referring to my mom. I nodded at tinignan silang lahat na readyng ready na umalis. I hope I can come soon pero ayoko talagang mag byahe.

"Bye bye. I'll miss you guys." Sabi ko.

"We'll miss you more." Anila. Nag simula na rin silang mag paalam kila mommy at daddy. Hug here, hug there, cry here, cry there. Kahit konting oras lang ang pag stay nila dito, pero naging masaya naman kahit sa kabila ng madami kong kadramahan sa buhay.

Kinalabit ako ng mommy at tinignan ko siya. She's smiling and that's weird kasi kakaiba ang smile niya. Weird weird weird. Ilang araw na ganyan sa bahay.

"Yes mom?" She smiled widely. See? Nababaliw na si mom.

"Someone's waiting outside." Aniya. Kumunot ang noo ko. Sila ate naman natigilan sa pag ba-bye kay dad.

"Who?" I simply asked. Yung ngiti niya parang abot langit.

"Aron." Sagot niya na nagpatili kay Ate Kassy at Ate Mica. Hindi ko ba nasabi? They're really attracted to Aron pero botong boto sila kay Aron for me.

"Oh my gosh! Parang imo-move ko yung flight ko ah!" Ate giggles while saying that.

"Bakit siya nandito?" Ate Mika also giggled na pinitik naman ni kuya Tristan sa noo. "Ouch naman eh." She pouted.

"May asawa ka na po." Kuya Tristan pouted na ikinatawa namin.

"Joke lang po! I love you." Sabi ni Ate Mica kay Kuya Tristan. They're really sweet. Sana soon magkaroon din ako ng pamilya na parang kay Kuya Tristan.

"Stop laughing there Keith! Face him." Ani ate Kassy.

"Bakit hindi niyo po papasukin dito sa loob mommy?" Sabi ko.

"Ayaw niya daw eh. Wala naman daw siyang gagawin pero I'll ask him again." She said at lumabas. Agad kong sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko at pinagpag ang damit ko.

"Uuuuy! Nag aayos." Panunukso ni Ate Kassy at Ate Mica sabay pa silang humalakhak. Sinabi ko bang sana hindi sila umalis? Gosh.

Mom came back with Aron. Todo smile si mommy sakin habang si Aron naka poker face lang. Parang wala siya pake sa mundo. Pero I won't deny na ang gwapo niya kahit ganon.

"Hindi na talaga ako aalis." Bulong sakin ni Ate Kassy. I glared at her. "Joke" bulong niya ulit.

"What brings you here Mr. Aron Rutherford?" Tanong ni daddy. Napaka pormal. Akala mo nasa business meeting. Tch.

"I'll bring Tamara to our house as mom said." Aniya. What? Pupunta ako sa bahay niya? So meet the family? Ay. Meet the family agad? Pwedeng may kukunin lang dun tapos aalis.

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon