"I-Ivan? Anong ginagawa mo dito sa bahay?" I asked. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"So that's your reason. Bakit di mo sinabi sakin?" Lumapit siya sakin.
"Tell you what?" Napakunot ang noo ko at humalukipkip naman siya.
"You didn't tell me that you're pregnant. That's your reason right?" Yumuko ako at napakagat sa ibabang labi. Narinig ko naman ang mga yapak niya palapit sakin. Tumingin ako ulit sakaniya, and by his looks. He's serious. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyon gamit ang hinlalaki niya.
"Why didn't you tell me? Handa naman akong tanggapin ka. Mahal kita eh." Aniya. Umatras ako at bahagyang natanggal ang pagkahawak niya sa pisngi ko.
"Ivan, you know kahit wala ito o meron, you're just a friend to me." Sabi ko without breaking the eye contact. Umiling iling siya at tinignan ako ng matalim.
"Why can't you understand? Hindi ko na lang kaya na iwan at balewalain ang pag mamahal ko sayo. Ang tanga tanga ko na nga eh. If I can only stop this feeling Tamara. If I only can." Parehas kaming napayuko at muli akong napakagat sa ibabang labi ko. Ayokong saktan si Ivan dahil naging mabuti siyang kaibigan sakin, pero kung ito lang ang makakapag pigil sa nararamdaman niya sakin ay gagawin ko.
"Naintindihan kita Ivan. Please Ivan. You'll find a better person than me. Madami pa diyan." Sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko 'yong iniwasan. "Ivan please? This will be the last time that we're going to talk about this. Please lang. I'm tired."
"Si Aron ang ama?" Muli ko siyang tinignan. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. And his eyes are begging me to say the truth. Dahan dahan akong tumango. "Tang*na!kaya ka ba nag pabuntis?!" Sigaw niya. Umatras ako at nabitawan niya ang braso ko.
"Are you that desperate to get him? Mag papabuntis ka pa para lang makuha siya?" Naramdaman ko na lang ang dugong umakyat saakin. Ano tingin niya sakin? Disgrasyada? Na mag papabuntis na lang ako para makuha ang gusto ko?! No way! Malakas na sampal ang natanggap niya mula saakin.
"Don't you ever say that! Akala ko ba tanggap mo ako? Akala ko mabait kang kaibigan Ivan! Hindi ako deseperada para makuha siya! Hindi ko ginusto ito! Siguro ginusto ko ang magpakalasing at uminom ng napakaraming alak nung gabing 'yon pero hindi ko ginusto ang nangyari samin! Pero anong magagawa ko? Andito na 'to! Kung hindi mo 'ko tanggap, just go." Hindi ko na napigilan ang pag luha. I didn't expect it from him. Akala ko di niya masasabi 'yon sakin. But he did.
"Well it looks like! Parang dati lang ay patay na patay ka sakaniya tapos malalaman ko na lang na buntis ka at siya ang ama! Its like you planned the whole thing!" Sinampal ko ulit siya. F*ck! Muka ba akong desperada talaga?
"Of all people Ivan! I didn't expect you to say those words! I thought you're a good friend pero isa ka lang pala sa mga taong nagpapaka plastic. Siguro nga parang plinano ko ang lahat, pero to tell you, I did not! Oh by the way, bakit ba ako nag papaliwanag sayo? To clear your mind? Hindi kita boyfriend. So please, leave the house." Nanginginig ang boses ko pero pinilit ko paring sabihin iyon sakaniya.
Lumapit siya sakin at bahgyang hahawakan ulit ang braso ko pero umiwas ako. "I-I'm sorry Tamara. I didn't mean to say that." Aniya. Pinunasan ko ang luha ko at tinignan siya ng masama.
"Just go away and don't come near me please!" Sigaw ko sakaniya. Napayuko siya at hindi na tumingin sakin.
"I'm sorry Tamara. I'm sorry." Aniya at tuluyan ng umalis. I just f*cking lost a friend!
Tumakbo palapit si mommy sakin at agad akong niyakap. "Are you ok baby?" Tanong niya. Tumango naman ako. It didn't cause too much pain. But I lost him. Kahit gaano ko man kagusto na manatili kaming magkaibigan ay hindi siguro mangyayari. He's a good friend pero siya mismo ang sumira non.
![](https://img.wattpad.com/cover/65867890-288-k435860.jpg)
BINABASA MO ANG
Carrying The Bad Boy's Baby
RomancePano kung ang isang bad boy na katulad ni Aron Rutherford ay mabuntis ang isa sa mga nag kakarandapa sakaniya na si Tamara Yen. Mahuhulog din kaya si Aron para kay Tamara?