Heto na poooo! Hehe sorry kung late. Ang hirap lang talaga mag isip ng scene. Haaay. Di ko na inedit yung mga typo kaya pag pasensyahan. Mahirap mag edit kung excited ng mag update wahaha. Enjoy na lang!
****
*Parko's POV*
Lahat kaming mag kakaibigan ay nagkwe-kwentuhan at nag iinuman kasama na rin si Bianca at si Avy maliban kay Aron. Wala siya rito. Kung saan siya? Ay hindi ko alam.
"Parko, medyo tahimik ka ata ah." Ani Chris. Lahat na sila nakatingin sakin na parang nagtataka sa kalagayan ko. Tch. Ok lang naman ako.
Hindi ako sumagot at ininom ang shot na natitira. Bakas sa muka nila ang pagtataka sa inaasta ko. Ayaw ko silang sagutin. Yun yon. Wala akong ganang magsalita. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay makinig sa mga kwento nila at uminom.
"Hoy!" Bulyaw ni Nicko pero tinignan ko lang siya at nginisian.
"Sira ulo din 'to. Ano bang nangyayari sayo? Para kang tanga." Si Bret. Naglagay ako ulit ng alak sa shot ko atsaka muling uminom. "Easy ka nga sa pag inom! Tsk." Napakamot pa sa batok si Bret ngunit tawa lang ang sinagot ko sakaniya.
"A-ah b-baby, inaantok na ako eh. Is it ok?" Dinig kong bulong ni Bianca kay Nicko.
"Ok lang. Hatid na kita?"
"Hindi na. Mag kwentuhan na lang kayo."
"A-ah ako rin. Inaantok nadin kasi ako and di pa kasi ako nakakapag pahinga simula naka rating ako. Aaaand I think you guys need a man to man talk." Ani Avy. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. She's so different. But I don't want to bring back those days.
"Yeah. Wag mo na kaming ihatid Nicko. We're fine. I promise." Ngiting dagdag ni Bianca. Tumango na lamang si Nicko at pilit na ngumiti kay Bianca.
"Oh before I forgot, gusto niyo bang ipareserve ang buong bar na 'to? Parang mas maganda kung solo natin." Suhestiyon ni Avy.
"That's a good idea!" Ani Kent.
"Hmmm I agree." Dagdag ni France.
"Pero diba mas maganda kung may makasalamuha tayong new chix? Hehe." Lahat kami napatingin kay Chris at nagsitawanan. Tsk. Kahit kaylan talaga. Chix ang habol amp.
"Tch. Fine. Open for all na. Alam ko gusto niyo yun." Ngusong sabi ni Avy. "U-uhm we're going guys. Have fun. And please if dumating na si Aron, please tell him to text me. Ok?"
"Sure!" Sabaysabay nilang sabi.
"Thanks! Goodbye!" Ngiting paalam ni Bianca at Avy. Sumulyap pa si Avy saakin atsaka tuluyan ng umalis.
Napabuntong hininga ako at napailing. Napaisip ako sa mga nangyayari. Tsk. Sayang.
"Oh ang lakas naman ata ng buntong hininga mo brad!" Tinapik pa ni Bret ang balikat ko.
"Eh nakaalis na kasi si ATE Avy HAHAHAHAHA!" Sigaw ni Chris at nagsitawanan sila.
"Bakit Parko? Awkward ba?" Pang aasar pa ni Nicko.
"Hindi." Sagot ko.
"Eh bakit ngayon ka lang nagsalita?!" Bulyaw ni Nicko saakin.
"Eh sa trip ko. Baka mainlove kasi si Bianca sakin kapag nagsalita ako sa harap--Aray! Joke lang eh!" Napahimas ako sa ulo kong hinampas ni Nicko. Ang sakit! Bwiset! Di na ako mag bibiro ng ganon. Tch.
"So si Bianca pala tipo mo?!" Iritang sabi ni Nicko. Nagsitawanan kami at di pinansin si Nicko.
"Ano ba feeling Parko?" Napahinto kami sa tawanan at tinignan si France na tinutusok ng tinidor ang papel. Weirdo amp.
![](https://img.wattpad.com/cover/65867890-288-k435860.jpg)
BINABASA MO ANG
Carrying The Bad Boy's Baby
RomansaPano kung ang isang bad boy na katulad ni Aron Rutherford ay mabuntis ang isa sa mga nag kakarandapa sakaniya na si Tamara Yen. Mahuhulog din kaya si Aron para kay Tamara?