Hi Ex

655 11 2
                                    


Kapag ba ang mag-ex nanatiling maging magkaibigan may nararamdaman pa sila sa isa't-isa? Paano kung ganoon nga, may pag-asa pa bang maging sila ulit? Pero kung bitter kayo sa isa't-isa ibig bang sabihin nun may feelings pang natitira?

Meet Joanna Marielle B. Ter, isang mabait na dalaga (weeeh?) sa sobrang bait niya gusto na siyang itapon ng mama niya sa basurahan. Batugan si Joanna, snob sa mga tao famous daw kasi siya kahit na wala namang likes ang bawat post niya sa facebook, producer ng mura ang bibig niya, hindi din matinong estudyante panay ang absent buti medyo matalino kaya papaano'y pumapasa. Siya ang bida nitong istorya, tandaan mo siya si Joanna Marielle B. Ter.

Meet Justin G. Go, half chinese half gago. Hindi ko alam kung gago siya, iyon kasi ang panay tawag sa kaniya ni Joanna Marielle B. Ter. Si Justin Ga Go, oo Ga ang apelyido ng mama niya (me angal ka?), isang mabait na binata (walang sarcasm) masunuring anak, mabait na kaibigan, mabuting estudyante, gwapo, matalino, mayaman, famous (true ituu) at talented basta nasa kaniya na ang lahat. Siya naman ang bida nating lalaki na ex ni Joanna Marielle B. Ter, aba'y ka swerteng babae nitong si Ms. Ter nagkaex ng perpekto.

Bakit ko ba isinusulat ang kwento nilang dalawa, e tapos naman na ang love story kuno nila. Basta para lang me magawa.

Wag mag-expect ng kilig scenes, di ako marunong, tatry kong magpatawa. Mehehehe


Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon