Prologue

451 7 0
                                    

Prologue

Isang taon din naging kami, sa isang taon na iyon hindi ko masasabing minahal ko ang gagong iyon. Palagi kaming nag-aaway kahit sobrang maliit na bagay pinag-aawayan namin, kung saan kami kakain o magdi-date, kung sino ang mas maganda si Liza Soberano ba o Kathryn Bernardo at kung sino ang mas gwapo si James Reid ba o siya, siyempre si James Reid noh? Hello! James Reid na iyan si Justin G. Go lang siya see the big difference. Mismo nga kulay ng damit na susuotin ko gusto niya pareho kami kaya ayun pinag-aawayan din namin, ang corny lang kasi.

Ewan ko ba kung paano naging kami, basta ang alam ko nagkacrush ako sa kaniya NOON nakakahiya mang aminin pero nagkacrush nga ako sa kaniya, e kasi heartthrob ang gago. Nakikiuso lang ako kaya kunyare crush ko din siya. Kahit na gago siya, gwapo din naman pero mas gwapo parin si James Reid tapos talented, matalino consistent dean's lister ang letche edi ako ng bobo nahiya ang tres ko sa uno niya at ang hindi ko pinakasinasang-ayunan sa lahat mabait daw siya. Jusko, don't me nakakabanas ang kabaitan niya to the point na hindi na ako nababaitan sa puta, mabait kasi siya sa lahat. Kaya maraming nafa-fall sa kaniya kasi kunyare mabait, pero pinapaasa ka lang talaga niya. Mr. Nice Guy ang bansag sa kaniya dito sa university, anong Mr. Nice Guy? Kung mabait siya di ako masasaktan ng ganito. Punyeta lang bakit ako humuhugot? Basta it's been a year na din, moved on na ako. Wala na akong feelings sa kaniya at hindi ako bitter. Gago talaga iyong lalakeng iyon, promise. 

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon