Chapter 1
Isang magandang umaga sa ating lahat except sa akin. Hindi maganda ang gising ko, buwisit ako kay Mother dahil ginising niya ako ng maaga e Sabado ngayon. Naku naman, beauty rest ng famous ngayon, dahil sa hindi ko feel lumabas ng kwarto nagselfie muna ako at pinost sa facebook with caption JUST WOKE UP #Dyosugh #Single. Naghintay muna ako ng likes pero 30 minutes na ang nagdaan wala parin, nyeta marami namang online ah hindi ba nila alam kung paano mag appreciate ng mga Dyosa, kakastress itong mga facebook friends ko.
Biglang nagpop-up ang isang notification, Justin Go likes your picture.
Whuuuut? Consistent liker ko talaga tong gago. Hindi parin siguro nakakamoved-on sa akin. Anong hindi, siya nga tong nakipagbreak sa'kin siya pa tong hindi nakamoved-on. Ke aga-aga anong mga pinag-iisip ko, nyeta lang ah. Hindi ko nalang pinansin ang paglike ni Justin ng picture ko, sana man lang pinusuan niya para kiligin ako ng konti. Whuut? Moved-on na pala ako, hindi na ako kikiligin sa gago.
Napaigtad ako sa kama kasi bigla nalang pumasok si Mama kung panira ng morning.
"Buti naman gising ka na Joanna, maligo ka na nga at kakain na tayo. Bilisan mong bumaba."
"Good Morning naman sa'yo Ma ah." Inirapan lang ako ng magaling kong ina. Jusko, pag ako nastress sa kaniya.
"Walang good sa morning, natalo ang clan namin sa war kanina." May pahawak-noo effect pa, para ipakitang na-iistress talaga siya.
Pumasok naman si Papa na nakatopless, hindi naman siya kaderder tignan kasi hanggang ngayon maintain ang katawan niya. Palagi iyang nakatambay sa gym, kung wala siyang trabaho at si Mama naman wala siyang ka war sa COC naggy-gym silang dalawa. Bonding tym daw nila, edi sila ng sweet, hashtag forever na ba? Ghaaaad. Hinalikan naman ni Papa ang noo ko tapos umupo sa gilid ko, bigla namang kumandong si Mama sa kaniya, ang sweet ng parents ko promise gusto kong masuka.
"Pwede ba parents kung maglalampungan lang kayo, wag dito sa kwarto ko letse lang." nakita ko pang hinalikan ni Papa si Mama, humahagikgik pa ang matanda. Dahil hindi ko sila natantya lumabas nalang ako ng kwarto.
"Paki like muna ng bago kong post, bago kayo mag ers diyan. K tnx." Tinawanan lang ako ng magagaling kong magulang.
"Bitter tong si Joanna Papa, haha." Sabi pa ni Mama, ngali-ngali ko siyang binato ng tsinelas pero nasirado na niya ang pinto.
Kinatok ko ng kinatok ang pinto, pero panay lang ang tawa nila.
"Hoy lumabas kayo sa kwarto ko. Nahiya naman ako sa inyo gagawin niyo pang love nest ang kwarto ko."
"Oo lalabas na kami." Hinanda ko ang tsinelas ko para ibato sa kanila, pag bukas ng pinto agad ko silang binato pero nakailag ang mga matatanda. Tumakbo agad sila pababa sa sala at hinabol ko naman sila. Dahil hindi ko sila mahabol-habol ako nalang mismo ang sumuko. Maraming nagsasabi na cool ang parents ko pero isang malaking hindi ang maisasagot ko. Jusko lang, try niyo kaya kung hindi kayo mastress.
Umakyat nalang ako sa kwarto para maligo.
"Bilisan mong maligo Joanna at kakain na tayo." Sigaw ni mama sa'kin. Nasa kusina na pala sila.
"Kung hindi sana kayo nakipaghabulan sa akin edi kanina pa ako nakaligo at kanina pa tayo nakakain."
"Kung hindi ka sana bitter edi sana maaga kang nagigising at may energy ka sa lahat ng bagay, kagaya noong kayo pa ni Justin." Anong bitter?
"Ewan ko sa'yo Ma." Patuloy nalang akong umakyat, nag-aadik lang si Mama kaya kung ano-anong pinagsasabi. Sobrang stressed ko kaya noong panahon kami pa ni Justin, kailanman hindi ako naging blooming, battered girlfriend ang peg ko. Tsk.
Pagkatapos kung maligo bumaba na ako at nag-almusal na kami, nagpaalam ang mga teenager kong parents na magdi-date daw sila gusto nga nila akong isama pero in the end hindi din nila ako sinama dahil baka masuya lang daw ako kasi nga bitter ako. Buti nakapagpigil ako kaya hindi ko siya nabato ng laptop.
Dahil sobrang bored ko sa bahay, pumunta muna ako sa basketball court dito sa loob ng subdivision. Mahilig kasi akong manood ng basketball, nakahiligan ko ito dahil basketball player si Justin ay puta paano siya nasali sa usapan. Umupo ako sa mga benches sa gilid ng court. Maraming mga babaeng nanonood, iyong mga babaeng malandi dahil sa sobrang iksi ng mga suot na short at skirt at kulang nalang lumuwa ang mga dibdib nila sa sobrang cleavage na pinapapakita ng mga gaga. Naiistress ako sa mga hitad nato. Kahit na maraming naghi-hi sa'kin wala akong pinansin sa kanila dahil famous ako. Hindi ako namamansin ng mga hindi famous.
"Go Justin, Go Justin, ang hot hot ni Justin." Inarapan ko ang mga fangirls na mga malalandi ng gago. Bwisit andito pala siya. Nakatalikod siya sa akin at ang malaking number 18 at apelyido niya ang nakikita ko at pati na rin ag sexy back niyang masarap I back-hug. Letse. Pinagsasabi ko. Bakit hindi pa siya nagpapalit ng jersey number, break na kaya kami. Mothsarry kasi namin ang 18, siguro hindi pa talaga nakakamoved-on ang gago, pagkatapos niya akong ibreak dun niya pa lang narealize na isang dyosa pala ang pinakawalan niya. You only know you love her when you let her go according nga sa kanta. Nakakabanas lang dahil panay pa ang ngiti niya sa mga fangirls niyang hitad. Hindi ako bitter ha! Famewhore lang talaga ang gago. Nawalan tuloy ako ng ganang manood, umalis na ako sabay flip ng hair ko tsaka tumalikod, dahil hindi ko napansing may nakausli palang bato kaya natalisod ako at may mabangong lalaking sumalo sa akin kaya hindi ako tuluyang nadapa.
"Miss okay ka lang?" inayos ko ang sarili ko at tinaasan siya ng kilay, kahit na mabango at sobrang gwapo niya plus matipuno pa ang katawan hindi ako basta-basta nakikipag-usap sa mga stranger dahil famous lang naman ako at nobody siya, see the difference eh?
"Mag-ingat ka sa susunod para hindi ka matalisod." Sinasabi ba niyang tanga ako.
"Hindi ako tanga sadyang dyosa lang ako na kahit ang bato at lupa gustong makahalik sa paa ko." lumabas naman ang makalaglag ng uterus niyang ngiti. Chineck ko kung may nalaglag ba sa'kin buti naman intact parin. Phew.
"I'm not saying that you're stupid but I just want you to be careful." Tsinek ko ang ilong ko kung dumudugo ba pero buti naman wala. Dahil wala naman akong maisagot sa linya niya sinagot ko lang siya ng simpleng okay, pero nagulat ako sa bigla niyang ginawa hindi ko nakeri mga besh as in, hinalikan niya ang pisngi ko, simpleng hokage pala si kuya.
"Bakit mo ginawa iyon?"
"Ang diyosa mo kasi, hindi ko napigilan ang sarili kong halikan ka." Nararamdaman ko ang pamumula ng akin pisngi. Iba na talaga pag diyosa, hindi mo na lang iniexpect na may manghalik sa'yo. Letse lang nitong ganda problems ko.
"In all fairness, ang true mo sa part na iyan." Nagulat naman ako dahil bigla nalang siyang natumba, tinamaan kasi siya ng bola. Ang weak niya grabe, binato lang naman ng bola pero natumba na. Pero sino bang anak ng demonyo ang gumawa nun?

BINABASA MO ANG
Hi EX.
Teen FictionMahal mo pa ba ang EX mo? Ang EX mong nang-iwan sa'yo sa ere. Ang EX mong sinaktan ka. Ang EX mong dahilan kung bakit bitter ka. Walang forever nga di'ba? Pero you're still hoping na babalikan ka niya. Pwes, kilalanin mo si Joanna Marielle B. Te...