Epilogue

167 6 5
                                    


Epilogue


If we're together, we can be a little happier


Once again, we're connected without an end

Can't live without you

-Without You (NCT U)

Ilang buwan pa bago ko matanggap ang kalagayan ni Justin. Hindi ako agad-agad sumuko. Sumubok ako sa pakikipagkalakalan sa Black Market pero linamon ako ng konsensiya. Hindi ko kaya. Mali ang iniisip ko. Ilang buwan kong iniiyakan ang pag-iisip na ano mang oras pwede ng mawala si Justin. Sobrang hirap. Sobrang sakit. Pero natanggap ko pa rin.

Nag-celebrate kami ng 3rd anniversary namin kasama ang mga kaibigan at mga magulang namin sa hospital. Isang taon naging kami at mahigit isang taong naghiwalay ngunit nagkabalikan at tatlong taon na pala kami sa isang akala mo'y ka-bullshitan na relationship kilig to the nerves pala o ako lang ang kinikilig. Shit. Haha.

Bumuhos ang luha namin noong graduation day. Sobrang saya ko sa araw na iyon. Luckily, grumaduate talaga ako ng bongga kasabay ko pa ang love of my life. Napagpasyahan ko din na pumasok sa Medical School pero tinatawanan lang ako ni Mama pero suportado ako ni Papa at Justin, kontrabida as ever talaga ang Mama ko.

"Hoy gago, huwag ka munang magbye sa amin, hintayin mo muna akong maging doctor ako ang magpapagaling sa'yo kahit wala ng operasyon. Mag-iimbento ako ng gamot na makakapagpagaling sa'yo." Malakas na tumawa si Mama, habang si Papa naman ay abala sa paghahanda ng snacks namin na napapailing din, ngumiti lang si Justin at pinisil ang lumalaki ko ng pisngi.

"Hahaha. Baka nga hindi ka makapasa sa screening sa medical school anak. Mas possible pa ang paggaling ni Justin anak kaysa sa pinagsasabi mo." Inismiran ko siya. Pambasag.

"She'll be a doctor in the future tita. I'm sure of that."

"Ay ang sweet. Pinagtatanggol ka talaga anak oh. Ay ang sweet talaga." Panay ang ngiti ni Mama sa aming dalawa ni Justin. Tumayo siya at pumunta kay Papa.

Naging bahay na naming dalawa ni Justin ang ospital.

"Kailan ba ang screening for admission mo Joanna?" Pero, seryoso kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi ako matanggap alam kong okay lang ang grades ko hindi best. Okay. Pero gusto ko talagang maging doctor, sana naman makapasok ako.

"Sa susunod na araw. Keri ko na iyon. Ako pa." Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.

"I wish I can see you, wearing that white coat. You sure would look more beautiful with that."

"Siyempre naman no! Diyosa ako. Makikita mo pa talaga akong maging doctor Justin, kaya kapit ka lang." pinaharap niya ako sa kaniya at binigyan ng mabilis na magkasunod-sunod na halik.

"When I'm gone, promise me that you'd be happy." Sinapak ko siya sa balikat kaya napadaing siya.

"So----rry. Ikaw naman kasi eh, huwag ka ngang magsalita ng ganiyan."

"Just promise me Joanna. Don't dwell with our memories, live a happy life. Always seek for your happiness." Pinipigilan kong huwag maiyak sa mga sinasabi niya. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa aking kamay.

"Kakayanin ko Justin." Hinatak niya ako mariin na niyakap. Ito na ba ang time Justin? Iiwan mo na ba kami? Aalis ka na ba?

------

Nakapasok kaming dalawa ni Xes sa Kongwei Medical School. Masayang-masaya ako dahil sobrang pagdadasal ang ginawa ko na sinagot naman ng Diyos. Thank you Lord.

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon