Chapter 15

129 3 0
                                    

Chapter 15

Don't say goodbye, say goodnight

So it's not over, and if you try

and answer why, is just over

Its goodbye

-Don't Say Goodbye, Say Goodnight (Binocular)

Isa-isang pinaliwanag sa akin ni Nurse Xes sa akin gang lahat. Dalawang taon niya na din daw kilala si Justin. Matagal na palang pasyente ng Professor niya si Justin. Naging pasyente niya si Justin noong mga panahon na intern pa siya at hanggang ngayong graduating na siya sideline niya daw ang maging private nurse ni Justin. Muntik ko na nga siyang sabunutan dahil mukhang close na close silang dalawa. Hindi ko mapigilang magselos.

"Sa dalawang taon na naging pasyente ko siya, napalapit na din ang loob ko sa kaniya." Nagtitimpi lang talaga ako ngayon dahil medyo emo ako. Pero hindi ko nagugustuhan ang pinagsasabi nitong nurse na ito.

"Masakit sa ulo si Justin, nakaka-frustrate ang katigasan ng ulo niya. Pero naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Mahirap malagay sa posisyon na hindi mo na alam kung anong gagawin mo." Maraming mga doctor ang nasa loob ng kuwarto ni Justin. Hindi ko pa kayang tingnan siya hanggat hindi ko pa naiintindihan ang lahat. Hindi niya kayang ipaliwanag sa akin kaya si Nurse Xes ang kinausap ko.

"Salamat sa pag-aalaga sa gagong iyon." Minsan lang ako nagpapasalamat, kaya maswerte tong Nurse na to. Ngumisi si Nurse Xes, at tinapik ako sa balikat.

"No problem, trabaho ko iyon at parang kaibigan ko na din iyang si Justin." Pagkatapos 'nun, namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Tumutulo ang luha ko, walang humpay, patuloy lang ito sa pag-agos pero hinndi ko ito pinapahiran.

Sobrang sakit isipin na wala kang magawa sa lahat ng paghihirap ng taong minamahal mo. Hindi ako naging mabait na girlfriend sa kaniya, palaging siya ang umiintindi sa aming dalawa pero tinitiis niya ako kasi alam ko sobra niya akong mahal. Pero tama bang ilihim sa akin ang bagay na ito.

Coronary artery disease is still curable. Kailangan lang ng heart donor pero hindi parin sigurado ang kalalabasan ng transplant iyon ang sabi ni Nurse Xes. Kung ganon nga lang siguro kadaling maghanap ng puso para ipampalit sa puso ni Justin, hindi lang naman iyon mapupulot sa kalsada o mabibili sa mall.

Kumuha ng tissue si Nurse Xes at binigay sa akin.

"Just cry. Alam kong hindi maubos-ubos ang luha pero titigil din iyan. Sasakit tang ulo mo at babara ang ilong mo. Hindi mo namalayan tumigil na pala. Kaya sa ngayon, iiyak mo lang, marami naman kaming stock ng tissue." Tiningnan ko si Nurse Xes. Alam ko masakit din sa kaniya, nurse siya ni Justin at sinabi niya ring napalapit na ang kaniyang loob sa lalaking iyon.

"Wa—wa--la ba talagang donor para kay Justin? Wala namang problema sa pera, pero bakit wala?" umayos siya sa pagkakaupo at pinagkrus ang kaniyang mga kamay.

"Five years ng naghahanap ang parents ni Justin, sa tingin mo impossibleng sa kanila ang makahanap? They're rich, powerful and influential. It's so easy to find a donor for Justin." Iniisip ko din iyan, at lalo pa't bunso siya. Alagang-alaga siya ni Tita, na para bang ayaw pagpawisan si Justin.

"Masyadong mabait iyang boyfriend mo." Pinutol ko siya.

"Excuse me hindi ko siya boyfriend, ex ko na siya." Tumawa naman siya.

"Hindi pa pala kayo nagbabalikan, ang sabi kasi ni Justin fiancée ka na daw niya." Binato ko si Nurse Xes ng tissue na puno ng uhog ko.

"Huwag ka ngang magkalat dito sa hospital."

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon