Chapter 2

277 7 0
                                    

Chapter 2

"Sino bang tanga ang bumato nung bola ha?" tinignan ko lahat ng player sa court. Silent mode naman sila at wala paring sumasagot sa tanong ko. Aba't walang mga galang tong mga peste, tinatanong sila ng diyosa obligasyon nila akong sagutin.

Nakaplanking parin sa lupa si kuyang hokage na crush ako, sinipa ko naman siya sa tagiliran.

"Hoy, wala ka bang planong tumayo diyan? Na enjoy mo ba ang paghiga sa lupa?" sinimangutan niya naman ako tapos tumayo na siya.

"Bakit hindi mo ako tinulungang tumayo?" inikot ko ang mga mata kong magaganda.

"Natumba ka lang hindi ka nahimatay, kaya mong tumayo mag-isa pwera lang kung nainjury ka na. Tanga ba you?"

"HARD. Hahahahaha." Narinig ko ang boses ni Justin at panay naman ang tawa ng mga kalaro niya. Kinuha ko ang bola at binato siya , letse bakit ba ang bilis ng reflex niya. Sana man lang natamaan ko siya nang makaganti ako sa sakit na iniwan niya sa akin. Bwisit, san ko hinugot iyon?

"Huwag ka ngang tumatawang gago ka, akala mo ang gwapo mo pag tumatawa, sa tingin mo ba nakakahumaling iyang eye smile mong letse ka?" sinenyasan naman niya ang mga kalaro niyang tumahimik na. Good, mga tanga lang kasi, tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Hinatak ko ang kwelyo ng damit ni kuyang hokage at nagsimulang maglakad sa gitna ng court.

"Sino ba sa inyo ang bumato nung bola?" walang sinuman ang sumagot sa'kin.

"Tsar, Best in Silent kayong lahat ha."

"Most Behave iyon Joanna." Singit naman ni King isa ring gago na kaibigan ni Justin na pinakagago sa lahat.

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo ha, king ina mo." Tawanan ulit sila.

"HARD." Sabay-sabay pa sila niyan, pati na rin si Kuyang Hokage nakisali.

"For the last time, tatanungin ko kayo sino ba ang gagong bumato ng bola dito sa lalakeng ito." Tahimik parin sila at tikom ang bibig, nagsipag angalan naman na ang mga fans nila dahil ang epal ko raw. Dapat ituloy na daw ang laro, aba't may paglalagyan iyang mga babaeng hitad sa akin mamaya.

"Diyosa ako, kaya sagutin niyo ang tanong ko. Sino bang letseng gago ang bumato ng bola?"

"Diba sabi mo last na iyong kanina bakit nagtanong ka ulit?" ngali-ngali kong binatukan si Justin. Sinaktan niya na ako't lahat may gana pa siyang i-hard ako. Gago much talaga.

"Diyosa ako kaya wala kang pakialam, ay total wala ka namang pakialam sa akin noon pa man diba." Balik ulit siya sa silent mode. Tinignan niya ako na para bang sasaktan din siya para sa akin. Ayoko ng magpaloko sa mga matang iyan, move on na kaya ako. Sorry na lang siya kung may feelings pa siya sa'kin.

"Sagutin niyo na ang Diyosa." Sabi pa niya gamit ang malungkot na boses, paawa effect ang gago, taray. In all fairness best actor siya sa part na iyan.

Lahat-lahat naman ng kalaro niya tinuro siya. Aba, tama nga ako siya lang naman talaga ang salarin e. Taray what a word "salarin". Pinagningkitan ko siya ng mata.

"Bakit mo ginawa iyon?" Pinagningkitan din niya ako ng mata. Gaya-gaya talaga kahit kailan. Noon, kahit favourite kung flavour sa ice cream ginagaya niya. Oh shit reminisce pa murr.

"Hinalikan ka niya eh, ako nga nung nag two-months pa tayo bago kita nahalikan sa pisngi." Binatukan ko ulit siya.

"Is he your ex?" tanong ni kuyang hokage. Inirapan ko lang ang pagkatanga niya.

"Sa tingin mo? Wag ka ngang tangers, di ko iyan siya ex ka-fling lang." nararamdaman ko ang masamang tingin ni Justin sa akin, kapal ah.

"May ka-fling palang umabot ng one year. Tsk." Inarapan ko ang gago.

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon