Chapter 13
There I was again tonight
Forcing laughter, faking smiles
Same old, tired lonely place
Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face
-Enchanted (Taylor Swift)
Bandang alas-sais na kaming dumating sa restaurant. Akala ko sa simpleng turo-turo lang kami kakain, hindi naman ako na-inform na sa isang mamahaling restaurant pala. Kumusta naman ang suot ko diba?
"Huwag na tayo dito nakakahiya ang suot ko." Pero hindi naman siya nakinig sa'kin, patuloy lang siyang naglalakad habang hawak ang ang aking kamay papasok ng restaurant. Wala na akong nagawa kundi sumunod. Ang panget naman kong makikipag-away pa ako sa kaniya.
Dumiretso kami sa VIP area. Madalang kaming kumakain sa mga restaurant na ganito dahil ayaw ko. Hindi kasi ako makakain ng maayos. Alam niyo naman ako kung kumain, lamon kung lamon talaga. Sa pagkaalala ko, pagmamay-ari ito ng Tito niya, close nga kami 'nung tito niyang iyon. Palagi kasi akong busog pag pumupunta ako dito, diretso talaga akong kusina. Mas nakakain kasi ako dun ng komportable.
"Nandito ba ang Tito Santi mo ngayon? Gusto ko kasi siyang kumustahin. Matagal ko na kasi siyang 'di nakikita, nami-miss ko ang mga luto niya."
"Yes, I think he's in his office." Ni-serve na ang gaming mga pagkain at sobrang nagdiwang ang mga bituka ko sa tiyan. Forget diet, forget everything.
"Papuntahin mo dito nang makausap natin." He eyed me seriously.
"I want your whole attention only to me Joanna. Don't look for unnecessary creatures." Namumula na siya ibig sabihin niyan nagseselos na naman siya sa Tito niya. Hindi ko ba nasabing single pa ang Tito niya at limang taon lang ang tanda niya sa'min. Noon pa man pinagseselosan na niya si Tito para namang may panahon pa akong tumingin sa ibang lalaki, siya lang naman ang nakikita nitong magaganda kong mga mata. Ansabeeeeee.
"Ang harsh mo sa uncle mo, asan na ang kabaitan ni Justin G. Go?" Itinapat niya sa'kin ang tinidor na may nakatusok na beef steak, more than willing kong binuka ang aking bibig.
"I'm still nice but don't make me jealous I can also do bad things."
"Hindi ka nga marunong magmura e. Bad things ka diyan." Sinubuan niya ulit ako. Ako lang naman ang pinapakain niya ng marami e. Puro kasi siya salad. Health conscious po kasi itong si Justin, nahiya naman ako. Ako pa itong gustong mag doctor pero unhealthy naman ang lifestyle.
"I really want to punch my own uncle right now Joanna because you keeps on talking about him. I'm so jealous." Sinipa ko ang paa niya. Ang sama.
"Bad ka."
"Then don't ever mention his name, just focus on me."
"Ang cute mo pag nagseselos." Sumilay ang ngiti sa mukha niya pero pinipilit niyang itago.
"Then you should kiss me because I'm being cute." Binato ko siya ng tissue. Anubeyen, namumula ako.
"Kumain na nga tayo." Kinindatan ko muna siya bago nagpatuloy kumain.
-------------------
Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa paborito naming tambayan noon. Nami-miss ko ang lugar na ito. This place is the witness of our love story. Kapag hindi na kami nagkkikita, nagkakadate at nararamdaman na namin ang coldness sa isa't-isa, dito kami pumupunta. Isang simpleng park lang ito sa harap ng isang building. Mayroon akong paboritong spot dito, dahil sa magandang lightings. Mas lalo kasing akong gumaganda dahil sa effects ng lights.
BINABASA MO ANG
Hi EX.
Teen FictionMahal mo pa ba ang EX mo? Ang EX mong nang-iwan sa'yo sa ere. Ang EX mong sinaktan ka. Ang EX mong dahilan kung bakit bitter ka. Walang forever nga di'ba? Pero you're still hoping na babalikan ka niya. Pwes, kilalanin mo si Joanna Marielle B. Te...