Chapter 6

154 7 0
                                    


Chapter 6

Hindi ko siya pinapansin, pinapabayaan ko lang kung anong ginagawa niya, kay Inday ko siya pinapaasikaso. Ito namang si Inday parang bulateng binudburanan ng asin kinikilig ang mutsatsa.

"Nagkabalikan na ba ka'yo ni Justin, Joanna?" tanong sa akin ni Nanay Fely habang naghahanda ng hapunan.

"Hindi no, inimbita iyan ni Papa dito. Mukhang close silang dalawa e." lumapit si Nanay sa'kin at yinakap ako.

"May nararamdaman ka pa ba sa kaniya?" niyakap ko din pabalik si Nanay.

"Kahit naman kong sabihin kung wala na Nay, alam mo naman kung anong totoo di ba?" hinalikan ni Nana yang tuktok ng ulo ko.

"Magiging masaya ka din Joanna, hindi man ngayon pero baling araw." Humiwalay ako sa yakapan naming at sinimangutan siya.

"Kailan ba ang balang araw na iyan Nay, naiinip na ako."

"Balang araw anak, tawagin mo na si Justin at maghahapunan na tayo." Nagdabog ako.

"Ayoko Nay, si Inday na patawagin mo sa kaniya. Ang swerte naman niya, ako pa talagang Diyosa ang tatawag sa kaniya." Kinurot naman ako ni Nanay sa singit kaya mas lalo akong nagmatigas. Nauna na sa dinig room, dun na lang ako maghihintay sa kanila. Buti naman at sumunod din kaagad sila, hindi na ako naghintay ng matagal hindi pa naman ako sanay maghintay, maiwan lang.

"Nay sumabay kanang kumain sa'min." palihim kong pinandidilatan ng kamay si nanay, pero di man lang niya ma gets ang ggusto kong iparating. Ang awkward lang dahil kaming dalawa lang dito sa hapag, nakakastress ang katahimikan.

Kukuha na sana ako ng kanin pero tinapik naman niya ang kamay ko.

"Let's pray first." Edi siya na ang religious, sorry naman sa kabanalan niya. Siya ang nag-lead ng prayer, since siya naman nakaisip.

"Pwede na ba akong kumain?" hindi niya ako pinansin, linagyan niya lang ng kanin at ulam ang plato ko tapos binigyan niya din ako ng tubig. Taray. Buhay diyosa lang ako.

"Thank you, ha. Ginawa mo naman akong disable niyan." Ayun nakatanggap ulit ako ng pitik sa noo galing sa kaniya.

"Eat." Iningusan ko ang gago, kung makautos parang hindi niya ako sinaktan.

"Kumain ka din kaya, ako na lang palagi mong pinapakain." Kumibot-kibot ang labi niya, parang may sinasabi pero wala naman akong marinig pero kumain na siya. Nagsandok siya ng kanin pero maliit lang ang kinuha niya at hindi din siya kumuha ng adobo ang gulay lang ang inulam ng gago. Hindi na ba niya paborito ang adobo? Malakas din kaya siyang mag-rice noon? Nagda-diet ba 'to?

"Hoy gago, iyan lang ba ang kakainin mo? Diet ba you?" bumuntong-hininga siya, ang lalim naman nun?

"Can you just shut up and just eat?" hindi ko inasahan ang pagtaas niya ng boses sa akin. Nabitawan ko ang hawak kong kutsara, lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"I'm sorry; I shouldn't raise my voice at you. I'm sorry Joanna." Pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Hindi okay lang, baka naman talaga nastress ka lang talaga dahil sa pagiging madaldal ko." tinawag ko si Inday para sabayan si Justin.

Umakyat kaagad ako sa kwarto dahil nahiya ako bigla kay Justin. Ayaw ko muna siyang harapin, baka naman kasi nasobrahan na din ako sa pambi-bitch sa kaniya. Ghad. Kinuha ko ang laptop ko, manonood na lang ako ng series.

Nakailang episode na ako, nang may kumatok sa pinto. Baka si Nanay Fely. Ni-pause ko ang pinapanood ko tapos binuksan ang pinto.

"Nagising ba kita?" nahiya ako sa suot ko, naka pajama with hello kitty design. Naka gray v-neck shirt at pajama din siya pero bakit ang hot niyang tignan. Letse, tukso layuan mo ako.

"Hindi, nanonood pa ako ng series." Binigay niya sa akin ang gatas na dala niya.

"I just want to say sorry." Pinitik ko ang noo niya.

"Okay lang iyon, anube. Hindi lang ako sanay na nakasigaw ka, sorry din bigla kitang iniwan sa hapag." Hinawakan niya ang pisngi ko and I like the feeling of his touch. Letseng sparks iyan.

"I'm just stressed these past few days." Ngayon ko lang napansin na medyo pumayat siya, masyado kasing nagpapapressure sa academics.

"Can I sleep here? I miss the feeling of sleeping next to you." Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binitawan niya. Ano namang drama nitong si Justin, pero ako naman tong tanga na pumayag naman.

Naupo siya sa kama ko, parang noong kami lang. Minsan doon ako natutulog sa condo niya at minsan siya naman dito sa bahay. Nag-uusap kami bago matulog, kahit na gago iyan sweet din ang letse. Marami siyang ikinikwento sa akin, kung ano ba ang mga nangyari sa araw niya, mga achievements niyang nagawa at kung gaano niya ako kamahal. Okay naman na kina Mama at Papa huwag lang daw kami lumagpas sa limit. Saludo ako sa respeto ng gago sa akin, marami na kaming heated moments pero mataas ang self-control niya.

Ni-play ko na ang movie, nahiga naman na si Justin sa gilid. Sanay na kasi siya dito, alam na niya kung saan ang puwesto niya. Tinignan ko si Justin kung nakatulog na ba siya, pero nakatingin din pala siya sa akin. Letse , eye to eye kami besh. Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakatinginan kami, kinakabahan pa rin ako sa bigat ng mga tingin niya sa akin. Pinagmamasdan niya ako na para bang isa akong kayaman na kailangang alagaan. His looks is piercing into my soul, he's looking at me like he can read me.

"Drink your milk Joanna before it'll get cold." Bumangon muna siya at kinuha ang gatas sa bedside table at binigay sa akin. Pabebe naman akong sumagot sa kaniya ng "salamat".

Pagkatapos kong inumin ang gatas ilinapag ko ito sa table, itinuon ko ang atensyon ko sa laptop pero wrong move pala iyon. Letse, kissing scene kasi ang sunod na eksena. Bigla kong ini-off ang laptop at itinabi. Naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Nahiga kaagad ako at nagtago sa kumot, namumula ata ako ngayon. Ghad. Matapo ang ilang minuto kinuha ko ang kumot at bumaling sa puwesto ni Justin na nakaharap pala sa puwesto ko.

"Akala ko tulog ka na." wala siyang sinabi pero hinapit niya ako papalapit sa kaniya. Nakayakap na siya sa akin, gusto ko siyang itulak pero nagugustuhan ko naman ang pakiramdam na malapit kami sa isa't-isa. Letseng feelings ang sarap patayin.

"I wanna fcking kiss you right now, Joanna." Mas inilapit niya ang katawan niya sa akin. I can feel the heat from his body and I miss this kind of heat.

"Kiss me then." He rolled in top of me and suddenly claimed my lips. He sucks my bottom lip like he's life only depended on it. He's kissing me roughly and I return the same fervor.

Futa! BS na ba ang kasunod? Ghad! Hindi pwede, move on na ako.


Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon