Chapter 12

149 5 0
                                    

Chapter 12

'Cause nobody knows you, baby,

The way I do

And nobody loves you, baby,

The way I do

It's been so long, it's been so long

You must be fireproof

-Fireproof (One Direction)

Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Justin dahil sa thesis naming dalawa. Dahil graduating kaming dalawa kailangan naming pagbutihan na maipasa lahat ng subject namin ngayon dahil sobrang strikto nitong school namin, kahit na graduating ka pa kung bumagsak ka talaga sa isang subject kailangan mo talaga itong i-retake. Gustong-gusto ko na din talagang lumayas sa school na 'to at matapos na lahat nang paghihirap dahil sobrang nakakahaggard ng beauty. Kahit na nami-miss ko na ang pagmumukha ng gago, tiis-tiis muna dahil para din naman ito sa ekonomiya at busy din 'daw siya sa thesis niya.

Kahit sa school, hindi ko siya makita ang sabi naman niya sa'kin na sa bahay siya ng kagrupo niya nags-stay. Hindi na rin siya pumapasok sa subject na classmate kaming dalawa dahil exempted naman na daw siya sa finals, edi siya ng matalino. Samantalang ako heto, nag-iisip kung anong pwede kong i-present sa variety show namin. Hindi naman ito major subject dahil wala namang relasyon ang kurso ko sa arts, pero kailangan kong itake dahil nasa curriculum. Ako na lang kasi ang hindi nakakapag-isip ng presentation sa grupo namin. Ayaw ko namang sumama sa pagsasayaw dahil hindi naman ako marunong. Kahit diyosa ako, mukha kasi akong tanga pag sumasayaw naalala ko pa kung anong sinabi ni Justin sakin habang ginagaya ko ang sayaw ng isang sikat na Kpop girl group. I love you Joanna, but you really look stupid when dancing. Just sit please. Ilang araw din akong nagtampo sa kaniya 'nun. Naniniwala kasi talaga akong magaling akong sumayaw, tuwing may family gathering kasi kami pinapasayaw ako ng lola ko noong bata pa ako. Ewan ko nga ba 'nung lumaki na ako, pinapaupo na lang nila ako. Duh! Kiber ko ba kung hindi ako magaling sumayaw, diyosa naman ako.

Nag-isip pa ako ng pwede kong gawin, hindi 'din naman ako pwedeng kumanta baka kasi mawalan si Sarah Geronimo ng titulo bilang Popstar Princess. Diyosa kasi ako kaya hindi bagay sa akin ang Princess churva na iyan. Aba kung hinakot ko na lahat ng talent, marami na akong magiging fans niyan. Mabuti nang si Justin lang ang nakakarinig sa aking kumanta, reserve na kasi sa kaniya ang boses ko.

"Oh Joanna, ano nang ipi-present mo?" tanong sa akin ni Melannie landi. Naalala niyo iyong nagnakaw ng halik kay Justin? Yeah, kagrupo ko siya at nakatikim na din siya ng mag-asawang sampal sa'kin. Hanggang ngayon ay nakabakat parin sa pisngi niya ang kamay ko, ganun katindi ang sampal ko. Pinagalitan naman ako ni Justin at pinag-sorry ako kay Melannie. Siyempre hindi ko ginawa, pinili ko na lang mangumpisal kay father. Patawarin sana ako ni Lord, pero hindi ko kasi pinagsisihan ang ginawa ko.

"Role playing na lang siguro, iyong role ko ay isang malanding babaeng nanghahalik ng boyfriend ng iba." Susugurin niya sana ako pero napigilan naman siya ni Gwen.

"Jesus! Tumigil na nga kayo." Tinuro ako ni Gwen at pinaningkitan ng mata sinalubong ko naman ang mga tingin niya.

"Magdecide ka na kung anong gagawin mo! Dahil next day kailangan na nating i-finalize ang pagkasunod-sunod ng presentations." Nanliit naman ako sa mga tingin nila, iyong mga tinging nagsasabing "Pabigat ka sa'min."

"Secret ko na lang ang presentation ko. Huwag kayong mag-alala mag pi-present ako."

"Pano namin malalaman kung saan namin ii-insert ang sa'yo kung hindi namin alam kung anong gagawin mo?"

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon