Chapter 14

114 4 1
                                    


Chapter 14

All that I'm after

Is a life full of laughter

As long as I'm laughing with you

One thing that all that still matters

Is love ever after

After a life we've been through

'cause I know that there's no life after you

-Life After You (Daughtry)

Dalawang linggo ko nang nakasanayang gumising ng umaga. Masayang-masaya nga si Mama dahil totoo nga raw ang himala. Kailangan ko kasing pumasok ng maaga at dinadaanan ko pa ang mga tanim namin ni Justin sa park. Inaalagaan ko ito ng maayos dahil isa ito sa mga mahahalagang bagay ng relasyon namin. Sabi nga niya, mga anak namin ito. Kahit wala pa naman akong nababasang pwede palang magka-anak ang isang tao ng halaman, tinanggap ko na lang. Biology student ako pero nagpapaniwala ako sa mga wirdong bagay na naiisip ni Justin. Wala e, inlove ka. Nakakatanga pero masarap sa feeling. Parang adik na nakashabu. Jokes. Baka hulihin ako ni President Duterte pag nabasa niya ito.

Pakanta-pakanta akong naglalagay ng pataba sa mga halaman. Friendship na nga kami ni Manong hardinero dahil tinutulungan ko daw siya sa pag-aalaga ng mga tanim. Muntikan nga niyang bunutin ang mga anak namin Justin dahil wala daw sa proportion ang pagkatanim, pero nadala naman siya ng mala-diyosa kung ganada kaya hinayaan niya lang. Ako kasi ang "diyosa ng mga bulaklak".

"Naku iha, seryoso ka talaga sa pagtulong sa'kin. Araw-araw ka talagang pumupunta dito."

"Pasalamat kayo andito ang mga anak namin ng asawa ko, kaya araw-araw ako dito." Tumawa siya sa sinabi ko, naikwento ko na kasi sa kaniya ang tungkol sa mga halamang naitanim namin dito ni Justin.

"Bakit hindi kayo magsabay ng asawa mong pumunta dito?" Dalawang linggo na rin, simula 'nung magkausap kami ni Justin. Panay lang kaming text, kahit sa cellphone hindi kami nagkakausap. Nag-aalala, nababagabag, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Palagi ko siyang inaabangan sa college nila pero hindi ko siya makita. Panay niya lang sabi sa text na nagkakasalisi lang kami. Pilit ko siyang iniintindi. Naiisip ko kung gagawin niya ba ulit ang ginawa siya sa akin noon. Gago nga si Justin, sobra. Pero mahal ko parin, katulad niya, hindi ko kayang magalit sa kaniya.

"Naku po, busy po kasi siya. Wala iyong panahon para magpunta dito." Natigilan si Manong at mukhang nag-isip.

"Mayroon kasing binatang araw-araw ding pumupunta dito." Hindi lang naman kami ni Justin ang may-alam ng lugar na ito. Kaya imposibleng siya ngayon, hindi nga kami nagkikita dahil busy siya.

"Paano niyo naman po nasabi nga siya iyong asawa ko?" Misteryoso ang ipinakita niyang ngiti sa'kin, biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Pareho kasi kayo ng dahilan kung bakit kayo araw-araw na pumaparito. Andito din raw ang mga anak niya." Nabitawan ko ang dala kong waterer. Sigurado akong si Justin iyon. Hinubad ko ang gloves ko at kinuha ang aking cellphone ko at pinakita kay Manong ang picture naming dalawa ni Justin na siyang wallpaper ng cellphone ko.

"Siya po ba ang lalaking tinutukoy niyo?" inayos niya ang kaniyang salamin, at tinitigan ng maigi ang litrato. Mahina siyang tumango sa akin.

"Pasensiya na po pero kailangan ko ng umalis." Tinanguan niya naman ako. Kinuha ko kaagad ang bag ko at mabilis na naghanap ng taxi. Ano bang problema Justin? Bakit ayaw mong makipagkita sa'kin? May panahon ka naman palang dumalaw dito, pero kahit tawagan man lang ako hindi mo magawa. Sobrang naguguluhan ang utak ko. Iiwan na naman ba niya ako sa ere? Anong drama niya at iniiwasan niya ako? May nagawa ba siyang kasalanan? Nakakabobong isipin ang mga posibleng sagot sa tanong ko.

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon