Chapter 4
"Ma, samahan mo na akong manood ng sine. Wala ka namang ginagawa dito sa bahay." Kanina ko pa pinapakiusapan si Mama na samahan akong manood ng sine, pero iniisnob niya lang ako. May pupuntahan daw sila ni Papa, na isang trial sa probinsya mamaya.
"May business kami ni Papa mo aalis kami mamaya." Nagdabog ako sa kaniya.
"Mabilis lang naman Ma e, pagkatapos ng movie uwi din tayo agad." Pinaupo niya ako sa sofa katabi niya.
"Manood ka na lang doon sa entertainment room anak, baka kasi kapag nakauwi na si Papa at wala pa ako dito, magalit iyon." Hindi ko mapigilang sumimangot, ito mahirap sa pagiging only child buti pa noong kami pa ni Justin may kasama akong manood nang movie. Puta, nasali na naman pangalan nung gago.
"Mag-aya ka kaya ng kaibigan mo." Tinignan ko siya na para bang tinubuan siya ng tatlong ulo.
"Wala kaya akong friends, ayaw ko sa plastikan."
"Hindi naman pakikipagplastikan ang pakikipagkaibigan anak, tingnan mo kami ng mga tita mo. Hanggang ngayon friendship parin kami. No man is an island anak."
"Klaro ma, no man is an island talaga dahil mamamatay lang siya sa boredom doon. Sino ba namang tao ang gustong mamuhay sa island, tanga ba you?" kinutusan naman niya ako.
"Ang literal mong mag-isip, hindi ka pwedeng mag abogado." Inirapan ko siya.
"Wow ha, ikaw nga naging abogado e ang isip bata mo." Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko. Ganiyan siya pag niha-hard ko.
"Tawagan mo kaya si Justin, magpasama ka sa kaniya."
"Tanga ka talaga Ma, wala kang maisip na matino." Humalik muna ako sa pisngi niya at umalis na, manonood akong mag-isa tutal single naman ako.
"Take care ka anak, love you."
"Kayo din ni Papa, love you too.'
Hindi na ako nagpahatid sa driver namin, nagtaxi lang ako papuntang mall. Buti naman hindi na gaanong mahaba ang pila. Agad akong nakapasok sa loob, pinili ko ang lower deck dahil panay mag syota naman ang upper deck. Baka makapatay pa ako ng mag syotang naglalampungan. Hindi ako bitter no? Masama lang talaga ang ganun sa paningin.
Wala akong biniling pagkain, dahil tamad ako. Kung kasama ko lang si Justin, siya ang bumibili ng pagkain para sa amin. Ay puta, Justin ulit? Nag-focus lang akong manood, kahit na nakakaselos si Nadine dahil ang swerte niya kay James, medyo bagay namantalaga silang dalawa. Pero mas bagay talaga kami ni Justin, ay shit ni James pala.
Sa kalagitnaan ng movie may tumabi sa'kin, mukhang gwapo. Mga ilang minuto marami na siyang pinagsasabi para siyang tanga.
"Napanood na kaya niya ito?" nagsasalita lang siya mag-isa, dahil wala namang kumakausap sa kaniya. Baliw ata to e.
"Ano bang nakita niya diyan kay James Reid, mas gwapo naman ako diyan." Nakikinig lang ako sa kaniya, naalala ko kasi si gago sa kaniya.
"Psh, I am way better than that James Reid." Hindi na ako makapag-focus sa panonood dahil kay kuya.
"But I am jerk for hurting her, sana sabay kaming manonood ngayon." Kinuha ko ang cap niya at nakumpirma ko nga.
"Ginagawa mo dito ha gago?" gulat na gulat naman siyang makita ako.
"Ikaw pala iyan Joanna?"
"Hindi, multo ako. Awooooooh." Tawang-tawa naman siya sa akin, para bang clown ako, kaya binatukan ko.
"Ang dami mong hugot kay James Reid ah." Umupo siya ng maayos at inalok pa niya ako ng popcorn, tinanggap ko naman masama kayang tumanggi sa grasya.
"Narinig mo pala."
"Hindi e, wala naman akong narinig." Tumawa ulit siya. Letse. Namimiss ko ang tawa ng gago, itong mga ganitong ginagawa namin, manood ng sine tapos kakain sa labas. Simpleng bagay pero nakakadulot ng saya. Shit, why the hell I feel like crying.
"Akala ko hindi na tayo makakapanood ng mga movie ng JaDine na magkasama." Nanatili nalang akong tahimik, wala naman kasi akong ibang masabi. Alangan namang sabihin kong "Akala ko nga rin e, pwede bang tayo na ulit?" Peste lang.
Natapos namin ang movie na walang imikan, tinulungan niya naman akong makalabas dahil siksikan, hindi kasi marunong pumila ang mga tao ng Pilipinas. Aangal sana ako pero mapilit ang gago, sanay na kaya akong mag-isa, isang taon na ding wala kami, isang taon ko na ding sinanay ang sarili kong wala siya.
"Gusto mo bang kumain sa labas?" ayoko na, sa tuwing nakakasama ko siya torture sa'kin. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, kahit na pinipilit ko sa sariling nakapagmove-on na ako andun parin ang sakit. Ang lapit niya sa akin pero hindi ko naman siya maabot dahil hindi naman pwedeng maging kami kasi gago siya at diyosa ako, siguradong magrerepel iyon.
"Oo, pero hindi ka kasama. Pwede ba layuan mo na ako, nababanas ako sa gago mong mukha." Ayan na naman ang mata niyang malungkot, do I need to feel something from his eyes?
"Pwede bang kahit ngayon lang Joanna, just this once. Please have a dinner with me." He looks so sad while saying those words. Siyempre dahil diyosa na may pagka stupid ang puso ko, lumalambot na naman.
"Fine, pero wag mong isipin na may feelings pa ako sa'yo dahil naka move-on na ako."
"Yes your highness." Sobrang ngisi ang gago. Sayang-saya siya sa part na iyan, in all fairness mas gumwapo ang gago.
Hinawakan niya ang kamay ko at mas lalong siyang ngumiti.
"Hindi parin nagbabago ang kamay mo, magaspang parin." Siya na nga tong gagong nanakit sa akin, siya pa itong nang-iinsulto. Hahatakin ko sana ang kamay ko pero mas hinigpitan pa niya ang paghawak nito, he even locked our fingers and I can say my hands fit with his.
"Nahiya naman ako sa kamay mong soft na soft ah. Edi ikaw na, you already. Gaguuu." He left out a manly chuckle.
"I can hold your hand forever though." My heart leap, all those emotions came back as if everything just happened yesterday. Napapa-english na ako letse.
"Bakit mo ko binitawan kung kaya mo akong hawakan forever? Why did you broke and let me go then? Dahil ba gago ka o sadyang gago ka lang talaga." He looked at me with pained expression but I keep my face still.
"I'm sorry."
"Your sorry was long overdue, jerk. Change topic na nga, move on na ako kaya wala akong pakialam. Ilibre mo ako ha, bubutasin ko iyang bulsa mo." Nauna akong maglakad sa kaniya, mabuti naman at binitawan na niya ang kamay ko, baka kasi pag tumagal pa ang paghawak niya nito makalimutan ko kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin at magmakaawa akong bumalik siya sa akin. After breaking up with me, wala na siyang paramdam saakin. Iniwasan na niya ako na para bang walang nangyari, he didn't give me the closure kaya siguro hindi pa ako nakakapagmove-on dahil nangangapa ako ng sagot. He just left me hanging and I was stuck in the mid-air waiting for him to lift me up. Tapos ngayon lalapit-lapit siya sa akin, gago ba siya? Gago nga pala talaga siya. Letse, patayin ko na nga lang kaya tong si Justin G. Go.
�
BINABASA MO ANG
Hi EX.
Teen FictionMahal mo pa ba ang EX mo? Ang EX mong nang-iwan sa'yo sa ere. Ang EX mong sinaktan ka. Ang EX mong dahilan kung bakit bitter ka. Walang forever nga di'ba? Pero you're still hoping na babalikan ka niya. Pwes, kilalanin mo si Joanna Marielle B. Te...