Chapter 7
Nagising ako na wala ng saplot sa katawan at medyo masakit ang ano ko down there. JOKE! Sa tindi ng mga eksena noong kami e,wala ngang nangyari kagabi pa kaya, tunog disappointed ba ako?
Tinapik ko ang kamay ni Justin na nakayakap sa akin, kagabi pa iyan parang tuko kong makakapit sa'kin. Ganiyan niya ako namiss, hahahaha, sorry na lang siya moved-on na ako. Ako lang ang taong move on na pero feel na feel magpahalik.
"Hoy gago, feel na feel mo ang pagyakap sa'kin ah. Gumising ka na nga." Mas lalo tuloy na humigpit ang yakap niya sa akin, ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Mas sumiksik pa siya sa akin. Dikit pa more ang peg niya.
"I'm still sleepy Joanna, can we just stay like this for a while." Nanghina ako sa sinabi niya, kaya hinayaan ko na lang siyang yakapin ako at matulog. Ang gwapo talaga nitong gagong to, I wish we could stay like this forever. Pero dahil sa wala ngang forever may panirang pumasok sa kwarto. Sino ba iyan at ng mahatulan ng kamatayan, letse siya.
"What the fuck! Sorry po Mam, sorry po." Sosyal si Inday mamahalin ang mura. (mamahalin tapos mura anubeyen).
"Bakit ba bigla kang pumapasok ha?" inikot niya ang kaniyang mga mata.
"Seriously Mam, bukas kasi ang pinto. It's like telling na pwede ang sinuman na pumasok. Mag-lock ka din ng pinto kung may ka-sex ka." Aba ang talas ng bibig nitong muchacha namin, kinuha ko ang baso sa bedside table at binato kaagad sa kaniya na nasalo niya naman.
"Nice catch Inday."
"I know right. But Mam, kailangan mo ng bumaba kasi Sir Stephen is waiting for you downstairs. Tama na ang sexy time niyo ni Sir Justin nakailan na ata ka'yo kagabi." Dahil sa hindi na ako makapagtimpi sa bunganga ni Inday, bumangon ako bigla para masapak siya nakalimutan kong may tuko palang nakakapit sa akin, kaya nahulog sa sahig ang gago. Hindi naman siya mababalian since carpeted naman ang kwarto ko.
"Awww." Napadaing si Justin, hindi iyan marunong mag-mura kahit isang taon ko siyang ni-training.
"Mamaya ka sa'kin Inday ka. Ipapagang-rape kita sa tropa kong mga tambay sa kanto." Tinulungan kong tumayo si Justin, pinaupo ko muna siya sa kama mukha kasing naalimpungatan ang gago.
"Gusto mo pa bang matulog?" imbes na sagutin ang tanong ko, niyakap niya ulit ako. Wow, parang stuff toy lang ako ah. Inamoy-amoy niya ang leeg ko na ikinakiliti ko naman, medyo napahagikhik naman ako letse ang landi ko sa part na to.
"Hoy sumusobra ka na ah, may bayad na to." Hinampas ko ang kamay niya para bitiwan na niya ako hindi naman sa nag-aalala ako kung mabaho ba ako dahil ang mga diyosa palaging mabango pero nakakainis din itong pagyakap-yakap niya sa'kin. Akala niya ata kinikilig ako. Hindi no, medyo lang.
"I'm willing to spent millions just to hug you forever Joanna." Tinulak ko siya dahil ayaw ko ng ganito. Aakto siya na parang walang nangyari, papakiligin niya ako na para bang hindi niya ako sinaktan at iniwan sa ere. Diyosa lang ako at naguguluhan din minsan. Tama na ang nangyari kagabi, pinabayaan ko ang emosyon ko ang maghari sa'kin. Hinayaan ko ang puso kong sumaya. Pero hindi na ngayon, stop muna sa pagiging tanga. Ilang buwan kong pinilit mag move-on tapos ngayon hahayaan ko lang siyang yayakap-yakapin, hahalik-halikan at pakikiligin ako? No way.
"Panay ang pagsasabi mo ng forever pero ikaw tong nakipagbreak ng walang dahilan. Gago ka talaga. Please lang Justin, linawin mo nga sa'kin ang lahat simula sa kung bakit mo ako hiniwalayan, sa pagtatago at pangdi-deadma mo sa akin hanggang sa biglaang mong paglapit sa'kin na parang wala kang kagaguhang nagawa." Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"I wish I could tell you everything Joanna, but I can't. Siguro nga gago ako."
"Anong siguro lang? Gago talaga you, 100 percent." Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"Maliligo na ako, dapat pagkatapos ko wala ka na dito sa loob ng kwarto ko." nginitian niya parin ako sa kabila ng mga sinabi ko. Ganiyan na ganiyan talaga siya since then. Kahit na pinagmumura o kung ano pang masasakit na nasasabi ko sa kaniya ngingiti lang iyan tapos hahalikan ang tuktok ng noo ko tapos bubulong ng "I love you please stop cussing." Minsan nga napapaisip ako kung totoo ba siya kasi pakiramdam ko ang perpekto niya. Pero wala naman talagang perpektong tao, dahil sa huli ginago niya pa rin ako.
"Okay, maliligo na din ako at sabay tayong magbreakfast Joanna." Pumasok na ako sa banyo, nawala sa isipan ko na nasa baba pala si Stephen sungit. Bakit naman iyon napadpad dito?
--------
Bumaba na ako sa sala at nakita kong nakaupo si Justin at Stephen sa sala pareho silang nanonood ng tv. Linapitan ko si Stephen.
"Paano ka nakapasok dito ha?" inirapan lang ako ng gwapo.
"Pinapasok ako ni Inday tapos dumaan kami sa pinto."
"Huwag ka ngang pilosopo, bakit ka napadpad sa pamamaahay ko." tumaas ang kilay niya bago nagsalita.
"Your mom called me to check on you, sasabihin ko sa kaniya na mukhang okay ka naman. Nagdala ka nga ng lalaki." Si Mommy? Close na sila ni Stephen, si mama talaga gusto niya ng mga kaibigan na mas bata sa kaniya.
"Hindi ko lalake iyang si gago no? Nakitulog lang iyan dito." Umupo ako sa tabi ni Stephen pero may gago namang sumingit sa gitna namin.
"Tito Jin told me to take care of her dude, wag ka ng mag-alala." Hindi naman kumbinsido si Stephen.
"Kaya pala magkatabi kayong natulog at mukhang may iba pa kayong ginawa, is that how you take care girls dude." Mapanuyang turan ni Stephen pero nginitian lang siya ni Justin.
"Don't worry dude, safe naman ang ginawa namin." Mas lalong kumunot ang noo ni Stephen at klarong-klaro ang pag-igting ng bagang niya, si Justin naman cool lang kaya binatukan ko. Gago talaga, mga pinagsasabi kasi niya e. Tumayo na si Stephen at biglang umalis. Nabadtrip kaya kay Justin.
"Ang sungit naman nun. Is he your new friend?"
"Paano ko maging kaibigan iyon e ang sungit nga."
"He seems interested with you." Pinanlakihan ko siya ng ilong, katangahan na naman ang pinagsasabi, anong interested e napipilitan lang iyon pumunta sa bahay dahil close sila ni Mama.
"Kumain na nga lang tayo."
"The way he looks at you is something Joanna, huwag kang magpapadala sa kaniya ha baka magselos ako." Lumakas naman ang tibok ng puso ko. Shet.
BINABASA MO ANG
Hi EX.
Teen FictionMahal mo pa ba ang EX mo? Ang EX mong nang-iwan sa'yo sa ere. Ang EX mong sinaktan ka. Ang EX mong dahilan kung bakit bitter ka. Walang forever nga di'ba? Pero you're still hoping na babalikan ka niya. Pwes, kilalanin mo si Joanna Marielle B. Te...