Chapter 10

187 4 3
                                    


Chapter 10

Why is it so dark like this
this place without you
it's dangerous, my ruined appearance
Save me, I can't even catch myself

(Save Me- BTS)

Isang lingo ng consistent na may nangungulit sa aking isang gagong nagngangalang Justin. Maaga siyang pumupunta sa bahay para ihatid ako sa kung saan ko man gustong pumunta pinangatawanan nga niya ang pagiging driver ko. Palagi niyang sinisiguradong kumakain ako sa tamang oras, daig niya pa si Mama Jesiah. Bantay sarado naman ako sa mga lalaking lumalapit sa'kin, aba ganiyan naman talaga pag diyosa masyadong lapitin ng mga boys. Daig niya pa si Papa kung makabakod sa'kin. Parang nung mga panahong kami pa, he never fails to make me feel like a true Goddess. Pero past na iyon, iyong pinapakita niya sa'kin wala lang, nawala lang sa wala dahil sa biglaang pang-iiwan niya. Ramdam ng letse kong puso ang pagmamahal niya pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil bobo naman itong puso ko hindi katulad nitong utak kong mataas ang IQ.

Sa lahat ng mga ginagawa niya ngayon, hindi ko na binibigyan ng meaning kahit na sobrang nakakakilig talaga. Iyong bigla ka nalang hahatakin at yayakapin, sisiguraduhing maayos ka, ipaparamdam sa'yong worth it kang mahalin. Inaamin ko kinikilig ako, inaamin kong naapektuhan ako, inaamin kong tumitibok naman itong tangna kong puso pero pinipilit kong maging matigas. Ayoko ng bumalik sa panahon na iiyak ka na lang kapag may makitang bagay na nagpapaalala sa'yo sa kaniya.

Wala din namang siyang paliwananag kung bakit bumabalik siya sa'kin. Wala siyang sinabi kung bakit umaakto siyang parang boyfriend ko pa siya na sa katunayan naman ex ko na ang gago. Okay na siguro ang ganito, sabay sa uso "EX WITH BENEFITS", NO malayo kami sa ganun. Papangalanan ko na lang siguro ang relasyon namin ng "nothing" nagla-last forever daw iyon e. Iyon lang naman ang gusto ko ang forever kami, kahit wala daw talagang forever.

"What's with the serious face? You look even more horrible." Sino ba iyang umiistorbo sa page-emo ko. Letse lang ha. Ghad.

"Gawa mo dito?" Umupo siya sa bakanteng silya, ang katahimikang ini-enjoy ko kanina wala na. Lapastangan talaga tong taong to sa garden ko.

"I'm bored. I decided to bother you." Inirapan ko siya, wala ako sa mood makipag-usap kitang nag-iisip ako.

"What are you thinking?" hindi ko siya pinapansin, nanatili lang akong poker faced. Kahit na gwapo tong si Stephen, feel ko talagang mang-snob.

"Is there something bothering you?" himala ata tong sungit na to at nagiging tsismoso. So pag di mo pala tsinitsika ang mga tahimik na klase ng mga tao, nagiging madaldal sila. Aw.

"C'mon tell me, I'm willing to listen."

"Pinagsasabi mo? Wala akong iniisip no, kunyare lang. Samahan mo na lang kaya ako sa mall, since wala naman ang driver namin ngayon nang mapakinabangan iyang muscles mo sa katawan." This time siya naman ang umirap sa'kin, balik na po siya sa pagiging masungit. Ghad.

"Where's your personal driver. Himala ata na wala siya ngayon."

"Hindi ko iyon personal driver, umiextra lang iyon. Samahan mo na ako." Ginamitan ko siya ng super duper cute na pout ko na walang sinuman ang nakakatanggi.

"Ah, not your personal driver, but your ex-boyfriend?"

"How did you know?"

"I just overheard."

"So tsismoso ka na pala ngayon? Interested ka ata sa buhay ko e." itinaas-taas ko ang pareho kong kilay. Me hd pala tong si sungit sa'kin.

Ginulo niya ang buhok niya at tinignan ako ng masama. Tatayo na sana ako para iwan siya kasi naba-badtrip ako sa pagmumukha niya pero hinawakan niya ang braso ko.

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon