Chapter 9

144 7 0
                                    


Chapter 9

There'll be no sunlight if I lose you baby

There'll clear skies If I lose you baby

Just like the clouds my eyes will do the same

If you walk away, everyday it will rain

(It will Rain- Bruno Mars)

-------

Madilim na nang matapos ako sa pagco-conduct. Hindi ko akalain na mahirap at nakakapagod pala ito. Sobrang na-stress ang beauty ng diyosa buti naman at may gago akong alalay na dala. Matapos ko kasing nag-obserba sa natural habitat ng specie ay kinausap ko din ang ilan sa mga mangingisda sa Lake tungkol sa kung ano ang napapansin nila sa specie. Wala naman sana akong plano pang makipag-usap pero si gago ang nakapag-isip nun, makakatulong daw kasi.

Pagkasakay naming dalawa sa kotse agad niyang ini-start ito dahil daw madilim na mahirap daw magdrive, mas maigi daw kung magmadali na kaming umuwi.

"Ginugutom na ako pwede bang kumain muna." Tiningnan niya ako saglit tapos itinuon ulit ang atensyon sa kalsada.

"Are you really hungry? Can you wait till we're home?" napasimangot ako, sobra na kasi akong nagugutom.

"Tanga ka ba? Two hours ang byahe papauwi, papaghintayin mo ako ng ganun katagal? Baka pag dating ng bahay ubos na ang bituka ko." Hinaplos ng kanang kamay niya ang tiyan ko.

"Okay baby tummy, let's eat first." Naghanap kami ng karenderya, wala kasing restaurant dito kasi maliit lamang na lungsod itong Panaw. Itinigil niya ang kotse sa tapat ng isang maliit na karenderya. Marami ang taong kumakain may dalang mga malalaking bag, siguro stop over ito ng mga bus. Maraming babaeng napapatingin kay Justin, mga naglalaway at humahanga. Ang sarap dukutin ng mga mata nila tapos ipakain sa aso, sorry na lang sila akin si Justin. Wait—hindi pala ex na pala ako ng gago. Futa!

Ilinagay niya ang kamay niya sa beywang ko, nagsipagtaasan naman ang mga kilay ng hitad. Ano kayo ngayon? Atleast ako ex kayo hindi kayo mapapansin. Sorry nalang talaga mga bess.

"What do you want Joanna?" panay lang ang ngiti ko. Lakas maka goodvibes ng mga tingin ng tao. Nakakadagdag ng popularity level. Famous e.

"Kahit ano."

"Okay then." Pagkatapos niyang mag-order naupo na kami sa bakanteng mesa.

"Mag mask ka na lang kaya nakakainis ang mga tingin sa'yo ng mga hitad e." tumawa siya at hinalikan ako sa noo. Nag-effort pa siyang tumayo ng konti para maabot ako kasi nasa harap siya umupo.

"I don't care about them Joanna." Napa roll-eyes ako sa sinabi niya.

"I don't care daw pero panay ang ngiti."

"I'm smiling because I have you with me. I'm proud that I'm with a beautiful lady."

"E bakit mo kinakausap ang mga babaeng lumalapit sa'yo sa school kapag magkasama tayo." Naiinis talaga ako sa mga babeng lumalapit sa kaniya sa school kunyare magtatanong about sa ganito ganiyan pero pasimple lang nilang sinisira ang moment namin. Pero nginitian lang ako ng gago.

"I'm just being nice."

"Nice? Masyado kang nice masama iyan sa kalusugan." Namutla siya sandali pero lungkot naman ang pumalit na emosyon sa mukha niya.

"You don't want me to be nice? I'll try to ignore them." Tinuktukan ko naman siya.

"Hindi ganun ang sinasabi ko. Gusto ko ang pagiging mabait mo isa iyon sa mga nagustuhan ko sa'yo. Huwag lang sana masyado, inaabuso ka na e." pinilit niyang ngumiti pero kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya.

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon