Chapter 3

229 6 0
                                    


Chapter 3

Dumiretso ako sa canteen gusto kong mag stress eating dahil sa kagaguhan ni Justin. Kunyare nagulat pero if I know, binulungan niya iyong malanding iyon na "Rak kita later". Nag-order ako ng apat na burger at large coke, ito talaga ang comfort foods ko. Wala akong pakialam kung tumaba man ako, wala parin namang magbabago isa parin akong diyosa at gago parin ang ex kong peste.

Panay lang ang kain ko, kahit na pinagtitinginan na ako dahil nga famous ako deadma lang ang peg.

"Joanna bakit ka lumabas, dumating na si Prof. Te Rur." Bakit sumunod itong gago? Dahil famous ako hindi ko siya pinansin, kagat lang ako ng kagat ng burger hanggang sa nabulunan ako, binigay naman niya sa akin ang coke. Phew.

"Bakit ka nandito ha? Diba dumating na si Prof. , nag-abala ka pang sundan ako. Don't act like you care for me." Tapos inirapan ko siya ng bongga, may pasunod-sunod effect pa siya, akala niya naman ikina-cute niya iyon.

"Hindi naman kita sinundan e, pinabili ako ni Prof ng bottled water, nakita kita dito kaya ininform lang kita." Binato ko siya ng straw, nagmukha pa akong assuming sa sinabi niya.

"Yes naman no, bakit mo nga ako susundan? Enjoy na enjoy ka sa sweet moments niyo ni Melanie "landi" na pakarat at puta." Hindi ako nagseselos no, nakakaumay lang talaga ang kabwisitan nilang dalawa, eww lang sa PDA kastress ng bangs. *flips hair*

"Nagseselos ka ba?" kinuha ko ang bag ko at ibabato ko sana sa kaniya, kaso naalala kung Louis Vuitton pala to, sayang naman at ipambabato ko lang sa mukha ng isang gago.

"Anong nagseselos, my god! Ako na si Joanna Marielle ang diyosa ng mga diyosa, magseselos sa isang gwapo at malandi na naglalampungan, Duh! Mas nakakaselos pa si James Reid at Nadine Lustre kaysa sa inyong dalawa." Pinukulan niya ako ng masamang tingin pero tinaasan ko siya ng kilay. Ganiyan na ganiyan talaga siya pag nababanggit ko si James Reid, ang gwapo lang naman kasi ng lalaking iyon bagay na bagay kami hindi kagaya nitong gagong to sarap ipa-salvage kasama ng babaeng malandi.

"Ang gwapo ko lang kaya kay James Reid, pag ako nag artista mawawalan siya ng trabaho."

"In all fairness, ang humble mo sa part na iyan." Nagpunas muna ako ng kamay bago umalis, kastress talaga ang lahi ni Justin.

"Hoy , hintayin mo nga ako. Sabay na tayong bumalik sa room." Magkapantay na kami ng loko, tinatry niya ring paliitin ang hakbang niya para magkapantay kami.

"I miss walking next to you." Kahit ako din naman, namimiss ko ang panahon na sabay kaming naglalakad with matching holding hands tapos nakangiti siya ng abot sa mata, ako naman naiirita dahil hindi ako sanay mag PDA, tapos bigla-bigla na lang siyang hahalik sa pisngi ko sabay bulong ng "I Love You Joanna ko." Peste ba't ako naiiyak.

Hindi ko na lang siya pinansin, kahit na gustong-gusto ko siyang yakapin at kurutin sa tagiliran dahil pinaselos niya ako. Puta, nagseselos nga ako. Dapat hindi ganito e, dapat move on na ako.

Bago kami pumasok sa room, hinatak niya ako at biglang yinakap. He caressed my hair like what he used to do.

"I don't like the kiss Joanna, it doesn't mean to me. Siya ang humalik sa akin, nakita mo naman diba naitulak ko siya dahil ayokong magselos ka. Huwag ka ng magselos please." Gusto ko din siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko, sinaktan na niya ako tapos gaganito ang drama niya. Wala na kami, pero bakit nararamdaman kong kami pa rin. Ay peste, kagaguhan talaga ni Justin. Tinulak ko siya, makayakap parang lalapirutin ako.

"Hoy gago, for your information hindi ako nagseselos no? Makipagkissing marathon ka pa diyan, wala akong pake." Nginitian lang ako ng gago, the same smile he used to gave me.

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon