Chapter 8

168 8 0
                                    


Chapter 8

Pagkadating na pagkadating ko ng bahay dumiretso ako sa sofa at nahiga, nagpre-defense kasi kami sa thesis. Buti naman at approved na ang study ko, binigyan pa nga ako ni Justin ng chocolate kasi food for the brain daw ang chocolate. Tinanggap ko na lang, sanay naman kasi akong makatanggap ng mga gifts from fans, famous e. Hinintay niya ako hanggang sa matapos ang pre-defense, nalipasan na nga ata ng gutom. E , kung hindi ba naman siya tanga ba't di siya kumain habang hinihintay niya ako. Hindi sa gusto kong tumambay siya sa labas ng AVR ha dahil sa gusto naman niya iyon, sana man lang nag snacks siya or something. Katangahan at kagaguhan niya lang sa buhay.

"Kumusta ang pre-defense mo anak, hindi ka ba nagkalat? Naku, kilala pa naman ako ng dean ng college niyo baka pinahiya mo pa ako sa kaniya." Nakauwi na pala sila Mama kaya maingay na ulit ang bahay.

"Wala ka bang bilib sa'kin Ma? Sa diyosa mong anak na ka IQ si Albert Einstein, pre-defense lang iyon." Binitawan niya ang cellphone niya at hinarap ako.

"If I rememebered it correctly, nung pina IQ test kita walang result akong nakuha dahil daw wala ka namang IQ."

"In all fairness, ang hard mo sa'kin sa part na iyan. Support ka na lang kaya Ma."

"I just want to be true to you anak." Binigyan niya pa ako ng malungkot na ngiti, adik talaga tong si Mama Jesiah.

"By the way anak, magkwento ka naman kung anong nangyari sa inyo lately ni Justin?" umakto akong nasusuka, kaderder lang. Wala namang nangyaring significant sa'min ni Justin gago.

"Wala no, gago parin siya."

"Aw sad ka pala e, wala ka pang IQ malas ka pa sa lovelife. Try mo kaya si Stephen, mukhang bagay kayo." Dumiretso ako sa kusina, hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi ni Mama baka mapektusan ko pa siya sa ovaries. Nakita ko naman si Papa na nagluluto ng ulam, ang unfair lang sa part niya kasi nandoon lang si Mama sa sala sitting pretty ang peg.

"Pa, dapat si Mama ang ipinagluto mo. Wala naman iyong ginagawa." Hinalikan ni Papa ang pisngi ko at ginulo naman ang nanahimik kong buhok.

"Gusto kong kumain ng disenteng pagkain anak, alam mo namang walang kwenta sa kusina ang Mama mo." Hindi ko mapigilang tumawa, totoo naman kasi. Paghuhugas lang ng plato ang alam ni Mama na gawaing bahay. Mabuti pa nga ako, marunong akong mang-utos. HAHAHA. Wala din pala akong alam.

"Ipatapon mo na iyang si Mama, Pa. Wala naman iyang kwenta." Tinawanan niya lang ako. Akala niya ata nagjo-joke ako.

"Ay nga pala Pa, gagamitin mo ba ang kotse bukas?"

"Bakit, gagamitin mo? Dalawa naman ang kotse diyan, pwede mong gamitin ang isa. Wala nga lang tayong driver, umuwi si Manong driver." Napakamot ako ng ulo kasi makati. Ngayon pa siya umuwi ng probinsya kung kailan, kailangan ko na siya. Kastress iyang si Manong Driver a.

"May pupuntahan kasi ako Pa, para sa thesis ko. Kailangan kong pumunta ng Lake Panaw dahil nandoon ang specie na subject ko sa study." Kailangan ko na kasing i-present sa adviser ko na nagsisimula na nga ako sa thesis ko. Kahit naman medyo maypagka tamad akong estudyante affected din ako ng pagkangarag dahil sa thesis.

"Naku anak, may hearing ako bukas. Hindi kita maipagda-drive." Napakalot ulit ako sa ulo ko, kumati na naman kasi.

"Wala ka bang kilalang papalit muna kay Manong Driver?" Nag-isip pa muna siya sandali.

"Ay tama, may kakilala ako. Anong oras ka ba aalis?"

"Mga 7 siguro Pa, para hindi mainit pag dumating ako dun."

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon