Chapter 11

148 4 0
                                    


Chapter 11

I'm sorry I can't always

Find the words to say

Everything I've ever known gets slip away

Inside of your love

- Here by Me (Dishwalla)

Pakiramdam ko sobrang sleep deprived ko na ngayon dahil sa thesis ko. Late na akong nakakatulog at kailangan ko namang gumising ng maaga para pumunta sa laboratory.

Pababa ng ako ng kusina para kumain ng almusal at naabutan ko si Papa sa kusina na umiinom ng tubig. Mukhang kakadating niya lang dahil suot niya parin ang damit niya kahapon pero guwapo pa rin naman si Papa.

"Good Morning Papa dear! Palagi ka na lang inuumaga ah, huwag ka namang masyadong workaholic." Nginitian niya ako at pinalapit sa kaniya.

"Good Morning." Hinagkan niya ako sa pisngi at ginulo ang buhok kong kay tagal kong inayos. Lakas bangasan nitong si Papa, alam niya namang off limits itong buhok ko. Lakas makasira ng umaga.

"Papa naman e, huwag iyong buhok ko." matunog siyang tumawa at lalo niya pang ginulo ang buhok ko kaya napapadyak na ako ng paa. Simula pa ng bata pa ako pinipigilang kung magpapadyak ng paa sabi niya kasi noon "Joanna you can be mean and brat all you want but don't ever stomp your feet when your whining if you don't want me mad." Simula 'nun nagbi-bitch na lang ako pero hindi ako nagpapadyak pero kasi ang lakas ni Papa na mang-inis.

"Did you just stomp your feet at me?"

"Sorrrrrrrry ! Nakakainis kasi ikaw e. Alam mo naman diba, bawal guluhin ang buhok ng diyosa tsaka ang laki-laki ko na kaya." Piningot niya naman ang ilong ko at kiniliti.

"PAPAAAAAAAAAAAA!"

"You'll always be my baby princess, Joanna." Pinipigilan kong ngumiti kaya sumimangot ako kunwari.

"Tss. Hindi nga ako prinsesa at mas lalong hindi baby DIYOSA po ako DIYOSA! Goddess in English." Hinaplos ni Papa ang pisngi ko.

"Fine." Kumuha ako ng sandwich at nagtimpla ng kape. Kahit na gustong-gusto kong kumain ng maraming kanin at maraming ulam, pinigilan ko ang sarili ko, medyo tumataba na kasi ako.

"Oh. Justin is outside by the way." Huh? Hindi naman siya nag text na susunduin niya ako ngayon. Akala ko ba busy din siya sa thesis niya. Kumuha pa ako ng extra sandwich, iiwan ko na lang siguro ang kape. Humalik muna ako sa pisngi niya at nagpaalam bago lumabas ng bahay.

Hindi ko masasabing okay na kami ni Justin. Malabo kami, sobra. As in BLUR. Hindi pa niya sinasabi ang dahilan kung bakit niya ako iniwan noon at kung bakit naman siya lumalapit ngayon. Para bang balik kami sa dati, noong nanliligaw pa siya na para bang walang sakitan at pang-iiwang naganap. Pinipigilan kong mag-isip, kung anong nasa harapan ko ngayon masaya ako at ayaw ko na itong sirain pa. Kung magwo-work-out pa kami edi okay, kung hindi na talaga maaayos edi sorry. Si Justin na kasi ang lalaking naiisip kong makasama habambuhay.

Ang nakangiti niyang mukha ang sumalubong sa'kin paglabas ko ng bahay. Why so gwapo? Shit! Iyong fallopian tube ko tumalbog.

"Good Morning Joanna ko." He spread his arms wide at malugod ko naman siyang yinakap.

"Good Morning! Bakit hindi ka nag-text na susunduin mo 'ko." bumuntong hininga siya at hinarap ako.

"Honestly, I can't really drive you to school right now."

"Bakit nandito ka?" ngumuso siya at hinaplos ang mukha ko.

"I'm so drained with my thesis and I need to recover my lost energy." Ang cute niya talagang maglambing ang unfair lang.

Hi EX.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon