- Rooftop Garden -
"Okay class, that's it for today. By the way, prepare for a long quiz tomorrow. You may take your lunch."
Nagsitayuan agad ang mga kaklase ko nang marinig nila ang bell na naghuhudyat na lunch na. Pero eto ako, nakaupo pa rin at nakatulala sa kawalan.
"Oy Lauren, ayos ka lang? Parang kahapon lang ayos ang grades mo bat bagsak ka na naman ngayon?"
Ano bang trip nun si Clarenz at ginawa niya sakin yun? Di ko maiwasang hindi mapaisip. Kaya naman puyat na puyat din ako ngayon kasi hindi ako talaga ako nakatulog ng mapayapa kagabi. Pagkatapos ng ginawa niya sa'kin ay iniwan niya na lang ako bigla. Hindi ko na rin siya sinundan dahil hindi ako makagalaw doon sa pwesto ko. Huhu. Ano bang trip ng isang 'yon?
Nakatulog kaya ang hayop na 'yun? Walanjo anong konsensya meron yun? Nakakainis. Nakakaasar talaga! Aish! Pumalpak tuloy ako sa mga seatwork at recitation ngayon.
"Hala siya. Huy! Mukha kang tanga dyan pramis."
Isa, dalawa, tatlo, apat. Apat na kiss sa loob ng isang araw.
"Lauren Flores!"
"Ay kiss mong bastos!"
Napatigil ako sa pagiisip-isip ko nang bigla akong sigawan sa tenga ng topak kong bestfriend na si Iya. Grabe! Ganon ba talaga ako katulala kanina pa? Kasalanan talaga to ni Clarenz. Pag nabaliw ako siya ang sisingilin ko sa pagpapa-gamot ko. Humanda talaga siya sakin!
"Anong kiss? Ay malala ka na talaga. Kahapon mo pa sinasabi sakin na hinalikan ka ni Cla---"
Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay tinakpan ko na agad ang bibig ng napakadaldal na si Iya. Sira din talaga ulo neto eh, ipapahiya pa ako. Pano na lang kung may makarinig? Edi kahihiyan na naman ang dulot sakin nun.
Aish, suki talaga ako ng kamalasan at kahihiyan kapag napapadikit ako dun sa Baklang Einstein na yun eh.
"Shh ka nga lang!" Kumawala naman siya sa pagkakatakip ko ng bibig niya.
"Oo na! Oo na! Ayaw naman kitang mapahiya ng dahil sa pag-iilusyon mo."
"Sinabi ko na sayo, hindi ako nag-iilusyon."
Hindi ko naman masisisi sì Iya kung hindi siya maniniwala sakin. Ang hirap nga namang paniwalaan, kasi kahit ako mismo hindi makapaniwala. Ang isang Lauren Flores na galing sa Class F ay hinalikan ni Clarenz Lucido na nagmula sa Class A. Dibaaa?
Baka pag kumalat pa yun ay pagtawanan lang nila ako. Tsaka wala rin naman akong balak ipaalam kahit kanino. Well, bukod sa bestfriend kong maputak.
"Alam mo Laurengreng, di kita magets. Akala ko ba ang heart mo ay kay insan Blake, anyare? Bat biglang naging si Cla---"
"Iyaaa! Wag ka sinabing magbanggit ng pangalan. Pati ano ka ba, syempre kay Fafa Blake pa rin ako no! Hurt na hurt lang talaga ako ngayon dahil sa Joyce na yun psh."
"Okay, payn payn! Tatahimik na nga ako. Pero pwede ba? Tara na kasi gutom na gutom na ako." Narinig ko na kumulo ang tiyan ko, hindi na nga pala ako nakakain kanina kasi muntikan na akong ma-late. Aish! Perwisyong puyat. Nakakainis.
"Hi girls!" Bungad samin ni Neko pagkalabas namin ng room ni Iya. "Lunch? Let's gooo!" Pumagitna siya samin ni Iya at saka kumapit sa braso namin.
Napalapit na rin samin ni Iya si Neko. Lagi namin siyang nakakasabay ng break time at lunch kaya naman ayun nag-click kaming tatlo. Nakakatuwa nga eh, kahit na galing siya sa Class A hindi siya nahihiyang sumabay saming mga estudyante ng Class F.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Teen Fiction[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...