Lesson #1

11.6K 208 33
                                    

- First Day -



Hindi ko mapigilan ang kilig ko nang dalhin niya ako sa isang garden. Ang ganda ganda! Kasing-ganda ko ang lugar na ito. Ang daming bulaklak tapos green na green yung grass. Basta! Ang magical lang tingnan.

Hinila niya ako sa kamay, papasok doon sa parang cage ng ibon. Ay ewan, hindi ko alam kung anong tawag doon. Gazee--- ano? Ga--- ay letse, ayoko na. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at saka huminga ng malalim.

Ito na ba yun? Aamin na ba siyang crush niya rin ako? Ay keleg tudahayeslebel ito. Tiningnan niya ako ng mata sa mata. Emeged. Lauren, haba ng hair mo. Haba ng hair! Haba ng hair!


"Lauren."

"Ano yun Blake?"



Aysus, kunwari di ko alam! Para naman hindi siya mahiya at mailang. Kunwari inosente. Hihi nakakakilig talaga. Ang tagal ko ring pinangarap 'to no. Mygad! Sisirain ko pa ba ang moment?

"Matagal ko na 'tong gustong sabihin sayo kaso palagi akong natotorpe."


Sige Blake, tell me. Say it to my biyutipul peys.


"Lauren, I like you. I really like you." Ay pu--- naman oh! Yun yon eh. Shocks, ang sarap pakinggan nun. Napaka gandang tinig sa tenga.

"Pwedeng paki-ulit?" Sabi ko. Hehe last na. Gustong-gusto ko lang talagang marinig ulit.

"I like you Lauren."



Niyakap ko siya, halata sa kanya ang pagkagulat sa ginawa ko. Siguro ito na rin yung time para malaman niya ang feelings ko para sa kanya. Tutal umamin na naman siya, kaya aamin na rin ako. Go go go Lauren!

"I like you too Blake. I really did." Humiwalay naman siya sa yakap. Hala? Ano ba yan ang sarap na eh. Nabitin ako! May nasabi ba ako? Shet naman!

"Did? Dati mo lang ako nagustuhan, hindi na ngayon?" Tanong niya ng nakakunot ang noo.



Ay pocha, wrong grammar ba? Ay pocha oo nga. Ang bobo mo talaga Lauren. Dapat pala, "I really do". Ang gegu ko lang. Kahit kailan talaga Lauren, puro ka kapalpakan. Aaaah!



"Ay sorry! Do pala. I really do." Napahiya ako 'don ah. Mygad! Napatungo naman ako, kaya nag-chuckle siya. Pinagtawanan niya lang ako! Nakakainis. Bakit ba kasi ang bubu-bubu ko? Huhu. Nakakahiya talaga!

"Lauren, look at me." Ikinagulat ko nung hinawakan niya ang mukha ko at itiningala para magkatinginan kami. "It's okay. Ang cute mo talaga!"



Kinurot niya ang ilong ko. Napangiti naman ako sa kanya kaya ngumiti rin siya. Ito yung matagal ko ng hinihintay. Sobrang saya ko dahil sa wakas, nagka-aminan na kami ni Blake. Ang taong matagal ng nilalaman ng baby heart ko.

Naramdaman ko na lang na unti-unti ng naglalapit ang mga mukha namin. Ay grabe Lord! Ito na ba yun? Kukunin niya na ba ang first kiss ko? Rak na itu! Sige lang Blake! Payag na payag ako. Go lang, push lang! Sa sobrang lapit ng mukha niya ay ramdam ko at amoy ko na ang very mabango niyang hininga.



Ba ba ba ba ba na na. Banana ah ah. Potato na ah ah.

Napabangon ako ako nang tumunog yung peste kong alarm. Hayp naman oh! Ayun na eh. Yung kiss. Paano na yung kiss? Walanghiyang alarm 'to. Walang pakisama! Hindi lang man napagbigyan na matuloy yung kiss. Nakakabadtrip. Bwisit!




"Lauren, bumangon ka na dyan! Baka ma-late ka, first day pa naman!"




Sigaw ni papa mula sa baba. Pinatay ko na yung epal kong alarm saka tumakbo sa banyo para maligo.

My Tutor Is A Kissing MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon