- Happy Birthday, Lauren! -
"Happy Birthday dear Lauren, Happy Birthday to you!"
Matapos nila akong kantahan ay lumapit sa'kin si Tita Clara habang dala-dala ang cake ko. Waaah! Hindi man ako nabigyan ng engradeng birthday party, sobrang saya ko naman dahil kasama ko ngayon ang mga taong malalapit sa'kin. Okay na ako dito!
"Dalaga na talaga ang anak ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ni papa. Waaah! Ano ba yan, baka maiyak rin ako nyan ih. Tinapik-tapik naman siya ni Tito Benjie sa balikat para i-comfort.
"Bago ka mag-blow, ano munang birthday wish mo?" Tuwang-tuwang tanong sa'kin ni Tita Clara. Hmm, ano nga bang magandang birthday wish?
"Sana magkalaman na ang utak niya!" Pag-epal ni Bea.
Kahit kailan talaga! Sumimangot ako sa kanya kaya naman sinita siya nila tita at tito. Belat! Hmp. Ipinikit ko na ang mga mata ko at saka nag-wish. Simple lang naman ang wish ko. Sana makapag-tapos ako ng pag-aaral, maging proud sa'kin si papa at makabawi ako sa lahat ng sakripisyo niya para sa'kin. May bonus pa nga sana, kaso malabo na 'yun. Dati kasi kasama sa wish ko si Blake. Yung magkakaron kami ng happy ending. Haaay. Okay lang, makikilala ko rin soon kung sino si Mr. Right.
Nang matapos akong mag-wish ay binlow ko na yung candles ko. Narinig ko na nag-cheer sila kaya hindi ko naiwasang hindi ngumiti. Napatingin naman ako sa lumapit sa'kin.
"Happy Birthday, Lauren."
Naka-ngiti niyang bati sa'kin. Lub dub lub dub. Hinawakan niya naman ang pisngi ko. Waaah! Ito ba ang birthday gift niya sa'kin? Oh my gulay! Naramdaman kong unti-unti lumalapit ang mukha niya sa mukha ko kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko. Ang rupok mo Lauren! Bakit ka ganyan? Waaah! Nararamdaman ko na rin ang hininga niya. Ito na siguro ang pinaka magandang birthday gift kapag nagkataon. Waaah! Bumibigay na ba talaga ang baby heart ko? Huhu. Ewan! Wala na akong paki, let's do this!
Konti na lang.
"Aray!"
Bumalik ako sa wisyo nang maramdaman kong may pumitik sa noo ko. Umayos agad ako ng tayo nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko dahilan para manlaglag yung mga hawak kong gamit.
Aish! Bakit ba lagi na lang siya ang nakakahuli sa'kin kapag nagde-daydream ako?! Tiningnan niya lang ako ng blanko at saka umalis sa harapan ko. So namamansin na siya ngayon? Che! Bahala ka sa buhay mo Clarenz!
Bakit nga ba kasi ako nagde-daydream ng ganon?! Ang malala, siya pa yung nandoon. Oh my gad, hindi 'to pwede. Hindi talaga maaari. Pwe pwe! Hindi pwede! Umayos ka nga Lauren! Nag-lalagay kasi ako ng mga gamit sa likod ng sasakyan tapos napaisip ako bigla kung anong mga mangyayari mamaya. Na-excite lang talaga ako. Ngayon na lang ulit kami maga-outing, idagdag mo pa na birthday ko. Sino bang hindi mae-excite diba?
Erase erase na lang yung last part ng daydream ko. Eew.
"Sabi ko naman sa'yo wag kang masyadong obvious." Sabi ni Bea habang inilalagay yung bag niya sa likod ng sasakyan.
"Alam mo Bea, ang kulit mo---"
"May pag-nguso ka pa dyan. Hindi nga obvious." Mapang-asar niyang sabi at saka umalis.
Aish! Napasapo ako sa noo ko dahil sa sinabi niya. Nakakahiya ka talaga Lauren! Bakit ba kasi kung ano-anong naiisip mo? Aish! Umiling-iling na lang ako at saka tinapos ang pagpulot nung mga gamit ko para mailagay sa likod ng sasakyan.
Haaay, sayang naman. Hindi ko mace-celebrate ang birthday ko ng kasama sila Iya. Pero, okay lang. Tinawagan naman nila ako kanina ni Blake at binati. Sinendan din ako ng message ni Neko kanina na siyang iki-nagulat ko. Hindi ko lang din siguro in-expect. Akala ko kasi magtatampo siya sa'kin kasi bigla na lang akong nawala sa party niya, pero ganon pa rin naman ang pakiki-tungo niya sa'kin. Ako lang siguro yung nagpapaka-praning. Huhu.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Teen Fiction[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...