Lesson #16

2.1K 67 15
                                    

- What's Your Dream? -


Walang-walang gana akong naglakad papasok ng kitchen nila Clarenz para kumuha ng tubig. Sobrang sakit na ng ulo ko. Huhu. Last day na ngayon ng sem break, back to reality na bukas. Kaya naman ina-advance study na ako ng magaling at masungit kong tutor. Pero sa totoo lang, wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya kanina.

Ang dalas kong mapatulala at mapatitig sa kanya. Nadidistract ako ng sobra. Kaya naman sunod-sunod din ang paninita niya sa'kin. Napaka terror talaga! Pero, bakit ang cute niya pag nagagalit siya? Huhu.


"Masyado atang hard sa'yo ang anak ko ah." Napalingon ako doon sa nagsalita. Si Tita Clara lang pala.

"Tita, bakit gising pa po kayo?" Ngumiti naman siya sa'kin.

"Medyo masama kasi ang pakiramdam ng Tito Benjie mo kanina, kaya heto. Hindi pa rin ako makatulog."

"Kumusta naman po siya?"

"Bumuti-buti na naman ang lagay niya. Napaka pasaway naman kasi talaga ng matandang yun." Pabirong sabi niya habang binubuksan ang ref nila. "Kukuha ako ng gatas, anong gusto mo?"

"Tubig lang po."


Haaay. Nakaka-stress maging ako. Ang hirap kayang mag-aral lalo na kung hindi ka naman magaling don. Bukod sa ang boring, nakakatamad at nakakabubu pa. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin sa future. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talagang gusto kong maging career eh!

Kung pwede lang i-extend ang sem break. Huhu. Sa loob ng dalawang linggo naming sem break, nagpahila-hilata lang ako sa bahay, nagmumuni-muni tungkol sa mga bagay-bagay. Tumutulong naman ako kapag hapon kay papa sa cafe namin. Mas okay na 'yun, kesa mag-aral. Aaaah! Kaso kailangan kong magbawi. Kailangan kong pumasa para maka-graduate. Tiis-tiis na lang talaga.


"Kumusta naman ang studies mo?" Tanong sa'kin ni tita habang ini-aabot sa'kin ang tubig ko.

"Mababaliw na po ata ako. Wala na po akong maintindihan!"

"Ano ka ba Lauren, kayang-kaya mo yan." Pagmo-motivate niya sa'kin. "Andyan si Clarenz para tulungan ka, hindi ka nun papabayaan!" Dagdag niya pa na may tonong nakakaloko.

"Haaay tita, kung alam niyo lang." Natata-tawa kong saad. "Kanina nga po, feel ko tutuktukan na ako ng anak niyo."

"Pagpasensyahan mo na yun ha. Alam mo naman, bata pa lang ganon na talaga siya."

"Kaya nga po kami hindi nagkaka-sundo."


Pabiro kong sabi saka uminom sa tubig ko. Nakita ko rin namang napailing si Tita Clara at napatawa ng mahina. Totoo, nakakasawa man yung sabihin pero totoo talaga. Hindi nga talaga kami nagkakasundo ng lalaking 'yun. Pero simula nang madalas na kaming magkasama nitong nakaraang mga buwan, alam ko sa sarili ko na unti-unti na naming natatagalan ang isa't-isa. Ayoko man yung aminin, pero yun ang totoo.

Huminga ako ng malalim at saka ulit nagsalita.


"Pero ngayon tita, okay na siguro kami."

"At masaya ako na nagiging malapit na kayo sa isa't-isa." Magsasalita na sana ulit ako para pigilin si tita na mag fantasize tungkol sa'ming dalawa ni Clarenz pero nagsalita ulit siya.

My Tutor Is A Kissing MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon