Lesson #8

3.9K 150 25
                                    

- Dinner Disaster -


"Pero bhe totoo nga yung sinasabi ko!"

"Ay nako Laurengreng, kinain ka na talaga ng sistema."Narinig kong tumawa siya ng tumawa sa kabilang linya. "What a joke! You laugh me! Wooo! Grabe ka talaga!"


Nakakainis tong si Iya, hindi naman kasi ako nag-iilusyon eh. Pa-english english pa ang gaga, mali-mali naman. Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari kanina sa library. Yung kiss sa lips. Hindi lang isa, tatlo pa. Ayan na naman tuloy! Naalala ko na naman! Napahiga na lang ako sa kama sa sobrang pagka-ewan ko.


"Uy bhe andyan ka pa ba? Nababa---" In-end ko na lang yung call kasi di rin naman ako papaniwalaan ni Iya kahit anong paliwanag pa ang gawin ko.

"Nakakadiri talaga!"


Hindi naman sa pagiging choosy. Oo, gwapo naman si Clarenz pero kasi ang nai-imagine ko pa naman na ang first kiss ko ay si Blake at sa isang garden or kung saan mang romantic na lugar yun magaganap. Nakakaasar! Nasira na lahat. Sirang-sira na. Yuck! Never kong naimagine na magaganap yung first kiss ko sa isang library tapos yung Baklang Einstein pa ang kukuha nun.


"Pwe pwe pwe!" Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko. "Kailangan ma-erase yun. Erase! Erase! Erase!


Tumayo na ako at tumakbo papunta ng cr ko saka nagtoothbrush. Talaga bonggang-bongga yung pagkaka-toothbrush ko para talagang wala ng bakas. Nang matapos ako ay napatingin ako sa salamin.


"Ayan, wala na!"


Ngumiti ako. Pero bigla akong napahawak sa labi ko. Shet! Ano ba yan Lauren?! Para kang tanga. Para kasing ramdam ko pa rin yung.. yung... kadiri! Tama na. Wag mo ng masyadong isipin Lauren. Relax ka lang. Chill! Pero bakit ang pula ko?! Bakit parang biglang uminit?


"Jusko ano ba tong nangyayari sakin?" Bulong ko sa sarili ko habang hawak hawak ang pisngi ko. Iniling-iling ko ang ulo ko. "Tubig, kailangan ko ng tubig. Tama! Wooo ang init!"


Bumaba na ako at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Andito rin sa kusina si papa at nagbe-bake kaya naman binati ko siya. Para kanino naman kaya yung bine-bake niya? Pati bakit ang aga niya naman ata? 6:30 pa lang ah.


"Pa bakit parang aga niyo naman po?" Tanong ko kay papa habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Ahh hindi ko pala nasabi sayo."


Rinig ko ang excitement sa boses ni Papa. Nakinig lang ako sa kanya habang umiinom habang siya naman ay patuloy sa paghihiwa nung strawberries. Ang sarap naman nun pero mas okay ako sa tubig ngayon. Medyo okay na yung pakiramdam ko di kagaya kanina.


"Iniimbita tayo nila Tita Clara mo na dun mag dinner sa kanila. Matagal na rin daw kasi nating hindi nagagawa 'yun."


Nasamid naman ako dahil sa narinig ko. Ayokong sirain yung excitement ng ama ko pero--- ano daw?! Dinner? Kela Clarenz?!

Lord naman! Alam kong masaya akong pagtripan pero grabe naman! Sa mga ganitong oras, ang sarap na lang magpalamon sa lupa. Ayoko na! Baka hindi ako makakain mamaya kapag nakita ko ang pagmumukha nung manyak na yun.


"Oh Lauren, ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni papa. Nag-ok sign naman ako sa kanya.


Hindi ako okay papa. Yung moment na haharap ka lang naman sa taong nagnakaw ng first kiss mo? Hindi lang first kundi second at third din. Hindi talaga yun okay! Huhu. Bukod sa nakakailang, eh nakakasulasok ang pagmumukha ni Clarenz. Manyak na yun! Patay talaga yun sakin.


My Tutor Is A Kissing MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon