- Cinderella's Shoe -
Kanina ko pa tinititigan at pinaglalaruan yung cup ng hot chocolate na nasa harapan ko na para bang mabibigyan ako nito ng mga sagot sa mga tanong sa isip ko. Maya't maya rin ang pagbubuntong hininga ko.
"Sorry, hindi ko na naisipang pulutin yung isa mong sapatos."
Naputol ang pag-iisip ko nang basagin ni Blake ang katahimikan namin. Halos mawala sa isip ko na kasama ko nga pala ngayon si Blake. Andito kami sa convenience store, nagpapalipas ng oras. Napatingin naman ako sa yapak kong paa at sa nag-iisang sapatos ko sa katabi kong upuan. Lakas nating maka-Cinderella ah.
"Okay lang." Pag-ngiti ko sa kanya. "Thank you ha. Kung hindi ka dumating, baka kung ano ng nangyari sa'kin."
"Bakit ka ba kasi umalis sa party? Wala ka man lang kasabay. It's dangerous for you."
"Ah kasi.. medyo nakaka-op dun sa party eh. Ayoko namang ayain pauwi si Iya kasi nag-eenjoy siya."
Pagsisinungaling ko, pero ang totoo nyan ay umiral lang talaga yung kagagahan ko kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nagustuhan ang nakita at narinig ko kanina.
Ano na kayang sitwasyon nila Neko at Clarenz ngayon? Natupad na kaya ni Neko yung pangarap niya na makuha si Clarenz? Gusto rin kaya siya 'non? Haaays. Ano bang pakialam ko? Bakit ba masyado ko silang iniisip? Ayokong maging affected, pero hindi ko maiwasan. Naiinis na ako sa sarili ko.
"Dapat nagpasama ka kay Clarenz." Nang banggitin ni Blake ang pangalan ni Einstein ay hindi ko maiwasang makaramdam ng konting kirot sa dibdib ko.
"Busy siya eh. Tsaka, kailangan siya ni Neko dun." Sagot ko sa kanya at saka uminom sa hot chocolate ko. Tumango-tango naman siya sa'kin.
"Ikaw, bakit wala ka rin doon sa party? Baka hinahanap ka na ni Joyce."
Nakakapagtaka lang kasi. Ang alam ko magkasama sila ni Joyce doon pero bakit biglang andun siya kanina? Nag-away kaya sila? I mean, hindi sila okay kaninang dalawa pero ang nasa isip ko simpleng tampuhan lang 'yun.
Mula sa akin ay nalipat ang tingin niya sa cup ng hot chocolate niya saka niya ito pinaglaruan. Hehe. Hindi ko maiwasang mapailing at mapangiti ng konti. Napansin kong parehas kami ng mannerism kapag nag-iisip ng malalim. Kung ano-anong napagdidiskitahan.
"It's over." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumingin naman siya sa'kin at ngumiti ng pilit. "Okay lang."
"Bakit? Anong nangyari?"
"Hmm. Let's just say, may mga bagay na masaya lang sa una tapos mare-realize niyo parehas na hindi pala yun makakabuti para sa inyo."
Sa mga oras na 'to, dapat natutuwa ako. Kasi sa wakas, wala ng Joyce. Wala na akong ka-kompitensya kay Blake. Pero imbis na maging masaya ako, nakaramdam ako ng lungkot at awa kay Blake. Bilang kaibigan. Oo, bilang kaibigan.
Unti-unti ko ng sinisimulang tanggapin sa sarili ko na yun na lang talaga siguro. Siguro masyado ko lang talagang sinanay at pinaniwala yung sarili ko na si Blake lang ang lalaking magugustuhan ko. Bukod pa doon, alam ko naman at kitang-kita ko sa kanya kung gaano niya ka-gusto si Joyce. Haaays. Gaya nga ng sabi niya, may mga bagay na akala mo 'yun na pero hindi pala. Meron at meron pala talagang magbabago.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Fiksi Remaja[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...