- Baklang Einstein -
Alam mo yung feeling na, okay na sana yung araw mo. Masaya na sana. Pero biglang may mangyayari na hindi maganda na sure win sa pagsira ng araw mo? Ganon. Ganon ang nararamdaman ko ngayon.
Waaaaaaaah! Bakit ba kasi si Joyce pa? Sa dinami-rami ng babae sa campus, bakit si Joyce pa? Andito naman ako. Gaga Lauren! As if naman no. Pero.. malay mo naman diba? Maganda naman ako. Sexy, mabait, maalaga at matiyaga. Kulang lang sa katalinuhan pero ayos na rin. Hindi naman dun nasusukat ang pagkatao noh!
"Ayoko na!"
Inis na inis kong sigaw. Wala na namang tao dito masyado kasi uwian na rin. Gusto ko na rin sanang umuwi, pero heto ako. Papuntang library para sa tutor session ko kay Clarenz. Isa pa yun! Nako, baka lalo lang ako ma-badtrip kapag nakita ko pagmumukha non.
"Tsk tsk."
Napatingin ako dun sa umepal sa pagsesenti ko. Speaking of the bwisit. Si Clarenz lang naman na nakasandal sa may pinto ng library. Nakatitig lang siya sakin ng titig niya na blanko. As usual da peymus poker face.
"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?" Mataray kong tanong sa kanya. "Nagp-practice lang akong umarte kasi interesado ako sa drama club."
"You're 5 minutes late. Tss."
"At least sumipot diba? Tara na nga!"
Bago pa man din niya ako ma-sermunan ay nilagpasan ko na siya papasok ng library. Hmp!Baka magdilim lang paningin ko at sa kanya pa mabaling ang pagka-badtrip ko. Kung masungit siya, kaya ko rin mag-sungit. Sa kanya lang!
-
Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Blah blah blah. Kung pwede lang salampakan yung kabila kong tenga para hindi lumabas sa kabila yung mga sinasabi nitong living encyclopedia.
Life is like a rock, it's hard. O, english yun. Imbyerna lang ha! Ang sarap batuhin ng bato 'tong nasa harapan ko. Lahat ng sinasabi niya, pasok dito.. labas doon.
"Anak ng tokwa naman eh, hindi ko ma-gets."
"Tss."
Eh paano ba naman kasi, ang bilis-bilis niyang mag-explain. Hindi ko tuloy mahabol, tanga ba siya? Ay! Gegu ko rin no, kaya nga sa kanya ako humingi ng tulong kasi siya ang nasa pinaka dulo. Pinaka dulo sa taas. At ako? Aba nasa dulo rin ako. Dulo sa baba.
"Ulitin mo! Ang bilis bilis mo naman kasing magsalita."
"Hindi ko na problema kung sobrang baba ng IQ mo."
Pumikit ako at huminga ng malalim. Pigilan niyo ako, sasapakin ko na 'to sa ngala-ngala.
Araw-araw na lang simula nung naging tutor ko 'to, puro insulto at panglalait na lang ang lumalabas sa bunganga nito. Laging may banat. Hindi bale sana kung yung nakakakilig na banat, ang kaso puro insulto. Kulang na lang ay i-sampal niya na sa pagmumukha ko na bobo ako. Eh kung banatan ko siya ng isa? Hindi naman ako ganun ka-bobo. Matalino naman ako. Mga... 10 percent? Hehe.
"Ano? Anong sabi mo?"
Tumayo ako at saka pumorma na parang siga. Itinaas ko yung sleeves ng uniform ko para ready to fight na. Wag niya akong malait-lait ngayon ha. Bagi ganitong may pinagdadaanan ako. Makikita niya, yari sa'kin yang gwapo niyang pagmumukha.
"Childish idiot."
Bago pa man din tumama yung kamay ko sa kanya ay nahawakan niya agad ang wrist ko. Tinitigan niya ako ng mata sa mata. Omaygad! Ang cold talaga ng tingin niya kaya nanlamig rin ako sa kinatatayuan ako.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Roman pour Adolescents[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...