- WANTED: TUTOR -
"Clarenz?!"
Ay nag-practice ba 'tong mga ito? Sabay-sabay talaga eh. Ano namang kailangan ng ugok na to sakin? Teka lang ha. Sa pagkaka-alam ko eh strangers ang peg namin dito sa school, walang pansinan kumbaga. Lakas naman ng loob niyang umapak sa tapat ng room ng Class F ha. Wow!
"Anong kailangan mo?!" Mataray kong tanong sa kanya. Hindi talaga ako mabait sa kanya eh, pag may kailangan lang at kung kailangan lang.
"Sumama ka sa'kin, dalhin mo bag mo."
Dire-diretso niyang sabi with matching poker face and malamig na titig. Ay wait! A-ano daw? Ako? Sumama ako sa kanya?
"Hala, swerte naman ni Lauren!"
"Nakakainggit! Niyaya ba siyang magdate ni Clarenz?"
"Kailan kaya ako? Waaah!"
Tiningnan naman ako nila Iya pero nagkibit-balikat lang ako sa kanila. At dahil nakakairita na ang mga bulungan and everything, kinuha ko na lang yung bag ko at sumunod kay Einstein palabas. Mukhang wala rin naman ata yung susunod naming teacher.
Tsk, kahit kailan napaka papansin talaga. Buti na lang mga nasa classroom ang ibang students. Kung hindi, patay ako sa mga pugitang fans nito.
"Oh ano bang issue mo? Busy ako." Naiinip kong tanong ng hindi siya tinitingnan.
"Tss. Busy sa pagiging bobo."
"Ano kamo?"
May narinig ako eh kaso pabulong niya lang sinabi yun. Ay nababaliw na si koya oh, lakas tama. May saltik. Pahid. Kinakausap yung sarili, kaawa-awa.
"Wala."
Tingnan niyo itong isang 'to. Ang sarap talagang gulpihin nito pag minsan eh, pasalamat siya at gwapo siya. Nakakapang hinayang naman kung magagasgasan ang pagmumukha. Tss.
"Bag mo."
"Anmeron sa bag ko?"
Nagulat ako nang higitin niya yung bag ko saka binuksan. Aba matinde! Iba na talaga ang nagagawa ng kakapalan ng mukha. Best example nyan, Clarenz Lucido.
"Hoy anong gagawin mo ha?!"
Aagawin ko na sana yung bag ko sa kanya nang may kuhanin siya sa loob. Isang notebook, teka hindi akin yun ah! May kinuha naman siya sa bag niya. Notebook ko yun ah! Okay gets, nagkapalit kami.
"Mali yung nakuha kong notebook."
"Sinong shunga?"
Hay sayang! Dapat pala hindi ko na hinayaan na makuha niya yun kasi diba, sa sobrang talino niya, perfectna siya sa mga bagay-bagay. Siguro yung mga notes niya dun bongga! Notes ng matalino, kung nasa'kin yun paniguradong makaka-perfect ako.
Noong tinuturuan niya nga ako, wala siyang kahit anong binabasa. Kusang nalabas lahat sa bibig niya. Kaya dapat, hindi na siya nagamit ng mga notes kasi matalino na siya.
Hehehe.
"Alis na ako."
Matalino siya.
Matalino siya.
Matalino siya.
"Wait lang!"
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Ficção Adolescente[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...