- WANTED: TUTOR -
Haaaay! Ang sarap namang matulog. Ang lakas ng aircon, ang lambot ng kama tapos--- Hala!
Yung kaninang singkit kong mata, ay nanlaki. Asan ako? Inilibot ko yung tingin sa kwarto. Bakit ako nandito?! Bakit ako nasa kwarto ni Clarenz?! Nakadamit pa naman ako kaya hindi niya ako ginalaw. Okay naman ako. Waaa! Tanda ko na. Oo nga! Habang nag-aaral kami kagabi, nakatulog ako! Eh bakit hindi niya ako ginising para makauwi ako?!
Waaah! Ibig sabihin ba nun, nagtabi kami dito sa kama niya?! Aaah! Yuck! Yuck talaga! Bumangon na ako at kinuha yung mga gamit ko tsaka bumaba.
Sumilip naman ako sa dining kaya nakita ako ni Tito Benjie at Bea.
"Oh Lauren, kumain ka muna." sabi sa'kin ni Tito Benjie.
"Hindi na po Tito. Uuwi na po ako, maliligo pa po ako eh. Baka po ma-late pa ako."
"Mabuti pa nga umuwi ka na, nakakahiya naman kung dito ka pa kakain."
Pag-sabat ni Bea. Lagi kong itinatatak sa isip ko na bata lang yan pero nakakapikon ha. Nakakapikon! Pasalamat siya mabait ako.
Bigla namang dumating si Tita Clara mula sa kitchen na may dala-dalang brownies. Hala, gusto ko nun! Gusto ko tuloy umupo at makikain kaso nakakahiya. Nakitulog na nga ako, makikikain pa rin ako. Ay wait, nasaan nga pala si Clarenz?
"Lauren!" Tumakbo si Tita palapit sakin. "Kumain ka muna, hindi ako natanggap ng 'no' kaya halika na."
Napatawa na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa! Naramdaman ko na lang na nakaupo na ako at pinaglalagay na ni Tita ng pagkain. Pero kasi gusto ko ng umuwi. Maaga pa naman pero baka kasi hinahanap na ako ni Papa. Hay bahala na! Kumain na lang din ako. Maya-maya lang din ay umuna na si Tito Benjie para pumasok sa trabaho niya.
Nasabi ko bang saksakan ng yaman ng pamilyang kasama ko ngayon? Si Tito Benjie ay nagmamay-ari ng isang real estate company. Basta yun! Ayoko ng sabihin kung gaano sila kayaman basta mayaman.
"Hoy Laurengreng! Alam mo bang sa sofa natulog si kuya gawa mo?"
"Ha?"
"Bea naman!" Paninita ni Tita Clara kay Bea. Belat! Buti nga.
Eh teka, ano daw? Sa sofa natulog si Clarenz? Ibig sabihin hindi kami nagtabi? Woohoo! Yehey! Kaso parang nakaka-guilty rin kasi ang hirap kayang matulog sa sofa, tapos gawa ko pa kung bakit dun siya natulog. Eh kasi naman eh! Dapat ginising niya ako. Baliw din talaga yung Einstein na yun eh.
Speaking of Einstein, asan nga pala talaga yun?
Tita, asan po si ano.. si Clarenz?"
"Ay nako! Maagang umalis. Hindi ko nga rin alam kung bakit eh." Oo nga ang aga pa naman kasi talaga. Siguro nakikipag-bonding na naman yun sa mga libro sa library.
"Bakit mo siya hinahanap?" Nginitian ako ni Tita ng nakakaloko. Alam ko na talaga ang nasa isip niya.
"May gusto ka ba sa kuya ko?" Pag-singit naman ni Bea.
"Wala!"
Nakakaloka! Parang nung Friday pa paulit-ulit yang tanong na yan ha. Sawang-sawa na akong sumagot. Sinabi ng hindi si Clarenz ang gusto ko! Si Blake Mariano nga! Siya lang! Palibhasa hindi nila alam yun. Hmp. Dumampot na lang ako ng isang brownie at nagpaalam na para umuwi.
Pagdating ko naman sa bahay, nakita ko kaagad si Papa. Hehe. Grounded na ba ako?
"Pa! Kumain ka na?"
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Novela Juvenil[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...