- Ice Cream -
"Insan, balita ko uulan daw bukas." Pagsisinungaling ni Iya kay Blake. Tiningnan naman siya ni Blake na parang naguguluhan sa inaarte ng pinsan niya.
"Umm.. oo nga daw. Sabi sa TV wag daw muna lumabas bukas." Panggagatong ko kay Iya. Gumana ka please. Maniwala ka Fafa Blake. Please, please.
Sabado na bukas. Isa lang ang ibig sabihin noon. Bukas na yung date ni Joyce at Blake. Huhuhu. Kaya naman sinusubukan namin pigilan si Blake na tumuloy bukas, kaso sa itsura niya ngayon mukhang di siya naniniwala sa amin ni Iya. Aaaah! Bakit kasi sa dinami-dami ng babae, si Joyce pa? Huhuhu.
Parang matatanggap ko pa kapag sa iba, o kaya sa'kin na lang, siya makikipag-date. Pero hindi. kay Joyce pa. Kay Joyce na maldita at epal sa buhay ko.
"Seryoso? Parang wala naman yan sa news kagabi."
"Baka hindi mo lang narinig insan!" Depensa ni Iya.
"Mabuti na yung sure Blake! Re-sched mo na lang kaya?" Dagdag ko pa.
"Guys! Chill." Natatawa-tawang sagot ni Blake. "Bakit parang kayo yung kinakabahan? Chill lang. Kaya ko 'to. Babalitaan ko naman kaagad kayo." Paga-assure sa'min ni Blake. Hindi naman kasi 'yun yung issue Blake. Huhu. Gusto ka lang namin iligtas sa bruhang Joyce na 'yun.
Nagkatinginan na lang kami ni Iya. Mukhang kahit anong sabihin namin kay Blake, itutuloy pa rin niya yung date nila bukas ni Joyce. Parang ayoko na lang rin magsalita pa, baka mahalata lang ako lalo. Wala na akong choice kung hindi isuko muna pansamantala kay Joyce si Blake.
Nagpaalam na rin sa'min si Blake na may gagawin pa siya, kaya naman naiwan na kaming dalawa ni Iya.
"Paano 'yan bhe? Ayaw talaga papigil ni insan eh."
"Wala bhe. Wala na tayong magagawa." Matamlay kong sagot sa kanya habang tinututsok-tusok yung baked mac sa pinggan ko. "Mukhang ipapaubaya ko muna pansamantala kay Joyce si Blake."
"Teka bhe, hindi si Joyce yang baked mac. Don't murder it!" Pananaway ni Iya sa'kin. "Alam mo, madami pa namang iba dyan. Hindi ka mauubusan! Madami pang isda sa karagatan bhe!"
Umiling-iling ako. Hindi talaga eh. Si Blake lang ang nakatatak sa isip at puso ko. Yun na ang nakasanayan ng sistema ko. Wala akong ma-imagine pa na ibang lalaki. Waaaah! Tsaka itinaga ko na yun sa bato simula 1st year na si Blake lang ang pwedeng maging endgame ko. Siya ang prince charming ko. At sabi nga ni Kim Chui, siya ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.
"Hay nako bhe! Smile ka na. Wag ka na malungkot."
"Sinong malungkot?" Napatingin naman kami dun sa nagsalita sa may likod namin ni Iya. Si Neko. Binati naman namin siya ni Iya. "So, sinong malungkot?" Tanong niya habang umuupo sa tapat namin.
"Itong bff ko girl, makikipag-date kasi sa iba yung crush niya."
Dire-diretsong paliwanag ni Iya kay Neko kaya naman tinampal ko yung balikat niya. Wala talagang preno bunganga neto, baka isipin ni Neko masyado akong patay na patay sa crush ko. Ngumiti naman ng nakakaloko sa'kin si Neko at saka ulit nagsalita.
"Blake and Joyce right?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Actually, kami ni Iya. Paano--- "It's quite obvious. You're cute when you blush whenever he's around Lauren."
Grabe! Ganon ba talaga kagagaling ang mga nasa Class A? Pati isip ng tao alam nila. Napaisip tuloy ako kung nahahalata na ba ako ni Blake. Hmp! Pero parang hindi naman. Tumigil naman siya sa pagkain at ngumiti ulit ng napaka liwanag. Ano naman kayang naiisip nito ni Neko?
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Teen Fiction[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...