- The Prince and Princess -
"Loka-loka ka, kanina ka pa namin hinihintay! Bakit ang tagal mo?" Panenermon sa'kin ni Iya nang lapitan ko sila sa table na naka-reserve para sa'min.
"Tinulungan ko pa saglit si Papa sa cafe eh." Umupo naman agad ako sa tabihan niya. "Okay lang ba sila?"
Bulong ko kay Iya patungkol dun sa dalawang kasama namin sa table. Psh. Si Blake at Joyce. Ni hindi nga ata napansin yung pagdating ko.
Oo nga pala, napapadalas ng magkasama yung dalawa. Psh. Ewan ko ba, unti-unti na talaga akong nawawalan ng pakialam. Hindi ako 'to eh. Huhu. Nagsisimula na rin akong masanay na makita silang magkasama. Kung dati, sobrang affected ko at panigurado iiyakan ko 'yun pero ngayon.. ewan. Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko.
"Dunno, kanina pa sila parang LQ." Pabulong na sagot sa'kin ni Iya.
"Eh ikaw? Okay ka lang ba? Bakit parang concerned ka pa sa dalawang chulande na yan? Diba dapat selos ka---"
"Gaga!" Pagputol ko sa sasabihin niya.
Mukhang naramdaman ni Blake yung presensya ko kaya naman binigyan niya ako ng ngiti kaya kinawayan ko na lang siya. Isang pilit na ngiti mula kay Blake. Hmm, mukha ngang hindi sila okay. Tsk tsk! Yang Joyce talaga na yan kahit kailan. Speaking of the bruha, inirapan naman niya ako at saka tumayo't umalis. Aba! Napaka maldita talaga.
"Sundan ko lang." Pagpapaalam ni Blake sa'min. Tinanguan naman namin siya ni Iya. Hays.
"Frenny, may sakit ka ba?" Pagtatanong ni Iya pagkaalis na pagkaalis ni Blake. Kinapa-kapa niya rin ang noo ko. "Bakit wala kang reaction? Ayaw mo ba non, nagfa-fall apart na sila insan at Joyce?"
"Che!" Pagtatabig ko sa kamay niya. Huminga naman ako ng malalim. "Bhe, feeling ko rin may diperensya na ako."
"Matagal na bhe, alam ko na-- Aray!"
Paluin ko nga sa balikat. Napaka talaga. Haaaays! Siguro dapat ko na rin 'tong ilabas kay Iya. Tutal, BFFs naman kami. Tsaka, baka matulungan pa niya ako. 'Di hamak na mas may alam sa mga ganitong bagay si Iya kesa sa'kin. Baka mabigyan pa niya ng solusyon yung problema ko. Yung problema ko kay baby heart. Huhu.
"Kasi naman noh, hindi ka nagkukwento sa'kin. Nakakatampo na! Simula nung iniwan kita sa mission natin nung isang linggo, mas lalo ka ng naging bangag. Ang mas nakakaloka pa dyan, parang wa-epek na sa'yo yung mga pinaggagagawa ng pinsan ko. Ano ba talagang nangyayari sa'yo?" Dire-diretso niyang sabi. Pwede na talagang maging rapper ang beshie kong 'to. Hehe.
"Bhe may itatanong ako sa'yo."
"Go! basta wag lang tungkol sa acads. Alam mo na, slow tayo dyan pareho." Pagbibiro niya.
"May kakilala kasi ako." Pagsisimula ko. Whew! Ito na Lauren. Si Iya lang 'yan, wag kang masyadong mag-alala. "Kasi bhe, may crush siya. Pero simula daw nung lagi niya ng nakakasama yung masungit niyang kababata, parang... parang..."
"Parang?"
"Parang nag-iiba na daw. Yun bang makita niya lang daw na ngumiti o tumawa, o kaya kapag malapit sa kanya si Mr. Sungit, parang kakawala daw sa dibdib niya yung puso niya. Ano daw ibig sabihin pag ganon?"
"Hmm. Ikaw 'yan bhe no?" Pang-aasar ni Iya sa'kin.
"Luh! Hindi noh!"
"Sus! Ako pa lolokohin mo. Lauren Flores, kilalang-kilala kita!"
"Hindi nga!"
"Depensib mu naman 'day!"
Tinaas-taasan pa niya ako ng kilay. Nakakainis! Huhu. Ang hirap makipag-talo dito kay Iya. Oo, parehas kaming mahina ang utak pero mabilis siyang makaramdam at makahalata ng mga bagay-bagay kaya medyo wrong move ako 'dun sa pagkukwento ko sa kanya. Waaaah! Huhu. Bestfriend ko nga talaga siya.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Jugendliteratur[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...