Lesson #6

4.8K 136 14
                                    

- 1st Tutor Session -


"Anong lesson niyo na?"


Binuklat ko agad yung Math book ko at inilipat doon sa page kung saang lesson na kami. Oh Math, mahal na mahal kita. Sukdulan at pang-habambuhay ang pagmamahal ko sa'yo Math. Sagad sa ugat-- pwe! Asa pa!


"Hmm, Logarithms. Notebook."


Tumango naman ako at ini-abot sa kanya ang isang notebook. Para nga akong tanga dito eh, hindi umiimik. Malay ko! Nakakahawa ang katahimikan nitong impaktong to. Ewan ko ba, siguro kasi kami lang dalawa ang nandito sa kwarto niya.


"Ballpen."


Inabutan ko naman siya ng ballpen. Hay leshe! Nakakabored naman dito. Save me. Grabe! Sa mga oras na to, dapat inii-stalk ko ngayon ang facebook ni Blake eh! Dapat nagsesave ako ng mga picture niya habang nakikinig sa isang nakakakilig na kanta! Hindi ganito. Nag-aaral.

Wala eh, ginusto ko to. Aish! Tiisin mo na Lauren, ngayong year lang na to. Nakikita mo naman sa school si Blake, oh yun maumay ka sa kagwapuhan niya.


"Basic lang yan, sagutan mo." Napatitig lang ako dun sa problem na ibinigay niya at napakamot sa ulo. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at tumingin sa kanya. At tinitigan niya rin ako.

"Aah.. ehh.." Tumawa ako ng pilit. "Paano?" At yung kaninang blanko niyang tingin ay naging matalim. Tulong!

"Tss. Ano bang ginagawa mo sa loob ng klase? Minsan, gusto kong malaman kung anong klaseng utak meron ka.

"Sama nito! Uy peace peace tayo. Kaya nga tutor diba? Edi tuturuan mo ako!"


Umiling-iling na lang siya at sinamaan ulit ako ng tingin. Tingnan niyo! Tingnan niyo! Napaka talaga. Tama naman ako diba? Kaya nga tutor diba? Para nga tuturuan ako diba? Yung totoo, sino ba samin ang bubu? Sino? Tsk. Matalino talaga tong isang to eh, yoyeng nga lang pag minsan. Tililing! Pahid! Hmp.

At ayun nga. Tinuruan niya ako kung paano makukuha yung sagot. Siguro mga ilang minuto akong nga-nga kasi hindi ko mahabol tapos mabilis pa siyang magsalita. Tss, sa huli na-gets ko naman. Konti lang! Medyo nakakatama ako sa mga binibigay niyang problem.


"Kukuha lang akong pagkain."

"Okie! Shoo!"

Lumabas na siya, kaya naman humiga na ako ng bonggang bongga sa kama.

Kanina ko pa talaga gustong humiga, ngawit na ngawit na kaya yung likod ko. Kaso sabi niya hindi ako pwedeng magpahinga hangga't hindi ako natututo. Sarap pektusan kaso no choice. Ginusto mo to Lauren? Tiisin mo. Para sa future niyo ni Blake. Haaay Blake, kailan mo ba ako mapapansin?




-

Paatras ako ng paatras habang si Blake naman ay papalapit ng papalapit sakin. Kalma Lauren! Kalma! Si Blake lang yan, hindi ka naman kakainin niyan. Gusto mo to dibaaa? Pinapangarap mo to diba?

"Ay palaka mo!" Nagulat ako nang bigla akong mapasandal sa pader at ngayon ay nakakulong na ako sa mga braso niya. Ang lapit-lapit na ng mukha niya sakin.

"Lauren." Bulong niya, oh my! Ang bango bango ng hininga niya.

"B-blake."



Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Lauren this is it, wag ka ng mag-inarte. This is your most awaited moment, ang mahalikan ka ng ultimate crush mong si Blake.

My Tutor Is A Kissing MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon