Lesson #10

4.8K 165 71
                                    

- Last Page -


Kanina ko pa pinipilit mag-concentrate sa pagiisip ng sagot sa mga tanong na ginawa ni Clarenz para sakin. Sure daw kasi siya na ang yun din mga tanong na lalabas sa quiz bukas. Ang problema nga lang, kahit anong pilit kong mag-focus ay talagang nililipad ang utak ko kung saan. Walang napasok sa isip ko. Kasalanan talaga to ng Clarenz na yan eh.

Nilingon ko siya at nakita ko na tahimik lang siyang nagbabasa ng libro na hindi naman related sa school. Seryoso? Wala ba siyang balak mag-aral para bukas? Ang alam ko kasi ay buong batch namin ay may quiz bukas. Pasarap-sarap lang siya at kampanteng-kampante sa ginagawa niya. Natigil naman siya sa pagbabasa at tumingin sa'kin kaya naman matic na nag-iwas ako at nagpanggap na nagsasagot.



"You're rude." Halos kumawala ang kaluluwa sa katawan ko nang marinig ko siyang magsalita. Ano ba Lauren? Naeewan ka na naman. "Staring is rude." Tiningnan ko naman siya. Nagbabasa pa rin siya nung libro.

"Staring mo mukha mo." Mataray kong sagot sa kanya. "Wala ka bang balak mag-aral?"

"I don't."



Sabi ko nga. Nakalimutan ko na ang kausap ko nga pala ngayon ay ang top 1 ng buong seniors. Sisiw na lang sa kanya yung quiz bukas at hindi na nga niya kailangan mag-aral. Sorry naman. Sobrang taas nga pala ng IQ niya. Haaay ang sarap siguro maging genius! Sana ganun rin ako pero siguro isang himala na lang kapag nangyari yun.



"Done?"



Isinara na niya yung libro niya at tumabi sakin para tingnan kung tapos na akong magsagot. Lub dub lub dub. Ayan na naman yung puso ko. Kailangan ko na sigurong magpatingin kaso ang alam ko naman ay walang history ng heart disease ang pamilya naming. Ano bang nangyayari sakin?! Normal pa ba ako?



"Tss."



Binigyan niya ako ng matalim na tingin nang makita niya yung notebook ko. Nakakatakot. Eh kasi naman, sobrang konti pa lang nung nasasagutan ko tapos di pa ako sigurado kung tama lahat kaya puro bura din yung papel.



"Ano bang utak ang meron ka? I'm curious."

"Grabe ka sakin ah! Nalimutan ko lang yung mga tinuro mo sakin. Makapang-lait ka ah!"

"Nakakapagtaka kung paano ka umabot ng high school sa utak mong pang elementary."

"Hoy ipapaala ko lang sayo na hindi tayo close para laitin mo ako ah! Pinipilit ko lang pakisamahan ka dahil... kasi ano.. KASI GUSTO KONG GUMRADUATE! Kaya pwede ba, maging mabait ka naman kahit konti."



Totoo naman kasi eh! Kung hindi lang dahil sa kagustuhan kong maka-graduate eh hindi ako didikit sa kanya. Kailangan ko lang pilitin na pakisamahan siya. Nag-smirk naman siya pagka-sabi ko nun. Ang gwapo-- Lub dub lub dub. Aaaah! Erase erase! Wala akong sinabi. Hindi. No no no. Joke lang yon.


"Graduate?" Tanong niya ng hindi pa rin nawawala yung nakakaloko niyang ngiti habang napapailing. Nakakainis ah! Anong pagmumukha yan? Bigla naman ulit siyang sumeryoso at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Then study harder and prove me wrong."

"NAG-AARAL NAMAN AKO AH!"

Pagdidipensa ko kahit medyo hindi naman totoo yun. Pero hindi na kagaya nung dati, simula nung naging tutor ko si Clarenz eh medyo natututo na rin akong mag self study kapag bored ako.

Tumayo na siya at bumalik na ulit sa pwesto niya kanina para magbasa.



"Tapusin mo na yan, it's 8:30 already."



My Tutor Is A Kissing MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon