- Math Equation -
After 2 weeks
Mga ilang minuto na rin siguro akong nakatulala sa ere habang nakapatong ang ulo ko sa braso ko. Napapadalas na ang pagiging tulala ko. Huhuhu. Okay pa naman siguro ako diba? Okay pa ako. Wala 'to.
"Huy, ayos ka lang ba talaga dyan?" Pangunguhit sa'kin ni Iya. "Nilalagnat ka ba?" Kinapa naman niya yung noo ko. "Hindi naman. Anong bang problema mo dyan?"
"Ano nga bang problema ko?" Pag-uulit ko ng sinabi niya pero sa paraang pagtatanong.
"Malay ko sa'yo! Simula nung iniwan kita sa mission natin, bangag ka na everyday." Sabi niya habang nananalamin. "Hindi ka naman nagkwento sa'kin."
Ipinikit ko ang mata ko at saka ibinaling ang ulo ko sa kabila para talikuran si Iya. Buti na lang talaga wala kaming teacher ngayon. Bukod sa wala na naman ako masyadong maiintindihan, wala na namang papasok sa isip ko.
Dalawang linggo na ang nakakalipas, pero lumilipad pa rin ang isip ko. Matapos nung nangyari noong araw na 'yon, bumalik na kami sa normal ni Clarenz. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang umarte na parang wala lang yung nangyari. Masungit na ulit siya sa'kin. Hindi na ulit siya basta-basta namamansin. Nakakainis! Ako lang ba ang apektado? Huhuhu. Nakakainis! Ayoko ng ganito!
Bakit ganon? Lagi na lang siyang gumagawa ng bagay na nakakagulat tapos aarte siya na parang wala lang. Wala man lang explanation. Syempre ayoko rin naman i-bring up 'yun kapag magkasama kami. Isipin pa niya affected ako masyado, baka isipin pa niya gusto ko siya. Lub dub lub dub. Waaaah! Hindi kaya!
"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Iya sa'kin nang makita niya akong tumayo.
"Kukuha lang akong tubig."
Hindi ko rin alam kung saan talaga ako pupunta. Kinuha ko na yung tumblr ko at saka lumabas ng classroom. Sobrang bangag ko ngayon, feeling ko lalo ng nagka-diperensya yung pag-iisip ko.
2 weeks na din akong ganito. Minsan nga hindi na ako pinapatulong ni Papa sa cafe kasi napapadalas ang kapalpakan ko. Huhuhu. Lauren, gising! Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganyan dati, ni pagde-daydream kay Blake hindi mo na magawa. Huhuhu. Ang dalas rin magpaka abnormal ng baby heart---
"Can you do me a favor?"
Paliko na sana ako pero napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong nagsasalita sa corridors. Sinilip ko naman kung sino 'yun. Si Clarenz at si Neko.
Agad naman akong umurong at nagtago sa gilid nung locker. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'to ginagawa. Bakit nga ba? Aish! Ewan ko ba!
"Umm.. it's my birthday party this weekend." Oo nga pala, malapit na ang birthday ni Neko. Sinabihan niya rin kami ni Iya na pumunta. Sobrang bait talaga ng babaeng 'yun.
"If it's not too much to ask, pwede ba kitang maging escort?"
Sa pagkakaalam ko, dapat matuwa ako kasi sa wakas nagkaroon na ng lakas ng loob si Neko na kausapin si Clarenz. Matagal na niyang gusto si Clarenz at umabot pa nga sa punto na nakisuyo pa siya sa'kin para ipaabot yung letter niya dito. Dapat maging proud ako kay Neko kasi kaibigan ko siya. Pero, bakit parang... parang ang bigat sa feeling? Huhuhu.
Sa mga oras na 'yun, naramdaman ko yung saglit na pagtigil ng paghinga ko. Parang ako yung kinakabahan. Bakit ba hintay na hintay ako sa magiging sagot ng Einstein na 'to? Kung tutuusin pwede na naman akong umalis ng tahimik. Bakit ba may pakialam ako?! Waaaah! Lauren, para kang tanga.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Teen Fiction[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...