Lesson #4

4.8K 137 18
                                    

- Blackmail -



Scroll, scroll, refresh. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa harapan ng laptop ko habang nagfe-facebook. Ang boring! Linggo kasi kaya nga-nga. Ano kayang pwede gawin? Pag binabalak ko namang mag-aral, tatamarin din ako. Hmm, isip isip.

Napatingin ako sa screen ng laptop ko nang biglang may nag-notif. Eh? 1 new friend request.



Neko Pyon


Okay Lauren, accept na lang natin. Baka isipin niya na snob ako. Hays! Naalala ko na naman tuloy yung sa letter niya. Teka, paano ko ba sasabihin na hindi ko naibigay? I-chat ko na lang kaya siya? Pero nahuli na ako, nauna na siyang mag-chat.



Hi Lauren! :)

Hello din! Hehehe.

Naibigay mo ba yung letter ko? ^_^


Inang ko po! Paano ko ba sasabihin? Baka kasi magtampo siya sakin. Ehhh, nag-effort naman ako no! Ginawa ko pa rin yung sinabi ko na ibibigay ko, ang kaso si Clarenz tong pakipot at ayaw tanggapin. Sarap talagang sabunutan nung lalaki na yun!

Magta-type pa lang sana ako kaso naunahan niya na naman ulit ako. Eh wala eh, dutdot system ako.


Ganito na lang, why don't we go to the mall today? Then tell me everything. Okay lang ba?



Napaisip naman din ako. Bored ako ngayon so pwede naman. Okaaay, ayos to. Para din naman mas maka-close ko si Neko.


Okay!

Hihihi, anong number mo? Text na lang kita. :)



Ibinigay ko naman ang number ko sa kanya. Maya-maya lang din ay nag-out na ako para makapaligo na. Naeexcite naman tuloy ako. First time to eh. Nasanay kasi ako na ang kaibigan ko lang na girl ay si Iya. Ngayon, mukhang madadagdagan na.

Lumabas ako ng banyo ko na naka-towel lang. Pero laking tanga ko nga rin talaga kasi bukas na bukas yung bintana ko. Nakita ako ni Clarenz! Shet! Tumakbo agad ako sa palapit sa bintana para isara at ibaba ang kurtina.

Ang katawan ko! Ang dangal ko! Ilang beses na ba talaga akong napapahiya dyan sa bwisit na yan? Hindi ko na mabilang. Ang malas malas ko talaga!






-

"Ganun ba?" Sumimangot naman si Neko. "Sorry Lauren ha? Dahil sakin kaya ka tuloy napahiya."

"Okay lang yun, hindi mo naman kasalanan."


Andito kami ngayon sa Starbucks ni Neko. Kinuwento ko na rin sa kanya yung mag nangyari. Sinisisi niya pa nga yung sarili niya eh. Pero sabi ko wala naman siyang kasalanan. Kasalanan to lahat ni Clarenz.

Nagtataka rin ako dito kay Neko eh. Paano ba naman kasi, sa dinami-rami ng lalaking gwapo sa school, bakit kay Clarenz pa? Tsk tsk. Kawawa naman tuloy siya.


"Eh Neko, may itatanong ako. Wag kang magagalit ha!"

"Ano ba yun?"

"Promise mo munang hindi ka magagalit."


Ngumiti naman siya sakin at nag-promise. Siguro kung lalaki lang talaga ako, niligawan ko na 'to. Gandang-gandang bata! Ang laking kawalan ni Clarenz. Pero mabuti na rin yun kasi sa huli si Neko lang din ang kawawa kapag dun siya napunta.


"Bakit kay Clarenz ka pa nagkagusto? Umm ano kasi eh, madami namang iba dyan. Bakit sa kanya pa?"


Pagkatanong ko nun, uminom na ulit ako. Di ko nga alam kung anong tawag dito! Actually, yung pronunciation pala yung hindi ko alam kaya sabi ko bahala na siyang umorder. Napansin ko namang kumunot yung noo niya.


My Tutor Is A Kissing MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon