Lesson #17

2K 62 4
                                    

- Follow Your Heart -


"Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya pero tiningnan niya lang ako at nilagpasan. Dumiretso sa may counter at tumingin-tingin doon sa menu.

"So, what's your bestseller?"

"Genius ka ba talaga ha? Closed na kami, hindi mo ba alam kung anong ibig sabihin ng closed?"


Hindi ko na naman maintindihan ang trip ng lalaking 'to. Bakit ba lagi na lang siyang sumusulpot? Ito ang unang beses niyang pumunta dito sa cafe namin kaya naman nagulat at naguluhan ako kung bakit bigla siyang pumunta dito. Tsaka, hindi ba dapat magkasama sila ni Neko? Tss. Nang maalala ko 'yun ay bumalik na naman ang nararamdaman kong lungkot at inis.


"Clarenz?" Napalingon ako kay papa na lumabas mula sa kitchen. Halata sa mukha niya ang pagka-gulat. Gaya nga ng sabi ko, isang himala ang pag-punta ni Clarenz dito.

"Napadaan ka. Kumain ka na ba?"

"Opo papa, kumain na daw siya kaya uuwi---"

"Hindi pa po."

"Maupo ka muna, titingnan ko kung anong pwede kong lutuin para sa'yo." Tumango naman sa kanya si Clarenz.

"Pero papa sarado..."


Pinagtaasan ako ni papa ng kilay at bahagyang tinampal ang balikat ko bago siya bumalik ng kitchen. Sabi ko nga hindi na lang ako magsasalita. Bakit ba kasi andito 'tong isang 'to? Napasimangot ako. Hindi naman sa ayokong andito siya, nag-iinarte lang talaga ako. Naiinis ako dahil pakiramdam ko nahahalata niyang may epekto sa'kin ang mga pinaggagagawa niya at pinaglalaruan niya yung feelings ko. Ewan ko ba!

Nakita kong humigit ng upuan si Clarenz at saka umupo na para bang wala siyang naaabalang tao sa mga oras na 'to.


"You have a nice cafe." Sabi niya habang inililibot ang tingin sa paligid.

"Bakit ka ba nandito?"

"Ganyan ka ba palagi ka-rude sa customers niyo?" Tinitigan niya ako na para bang gusto niyang basahin ang pagkatao ko. Napalunok naman ako. Juice colored, wag mo akong titigan ng ganyan utang na loob. Huhu.

"H-hindi. Sa'yo lang!" Nagpamewang ako. "Akala ko ba may gagawin kayo ni Neko?"


Bigla akong napaisip lumabas sa bunganga ko. Sana hindi yun nag-tunog bitter huhu. Pero, ano nga bang ginawa nila? Ang pinaalam lang niya may gagawin daw sila, hindi niya sinabi kung ano 'yon. Malamang Lauren, hindi niya 'yun sasabihin sa'yo. Sino ka ba ha? Sino ka ba? Tss. Sa hitsura nila kanina, parang nagkakamabutihan na nga sila. Date? Nag-date kaya sila? May something na ba sila?

Kung ganon nga, ang swerte ni Neko. Never naging interesado sa babae ang lalaking 'to. Oo, maraming may gusto at nagkakandarapa sa kanya pero walang epekto sa kanya ang mga 'yun. At kung iisipin, ang swerte rin naman niya kay Neko. Haaay. Baby heart, wag ka ngang maarte dyan.


"Selos ka?" Hoy pakshet, bakit ang gwapo niyang mag-smirk? Makalaglag panty. My gad, ayoko na!

"Mukha mo selos! Bahala ka na nga dyan!"


Tumawa siya sa naging reaction ko sa sinabi niya. Napapadalas na talaga ang pag-ngiti at pag-tawa ng lalaking 'to. Nagbago na nga talaga ang ihip ng hangin. Pero gad! Ako, selos? Ha-ha-ha. Bwisit, malay ko. Basta naiinis ako, 'yun yon. Tinalikuran ko na siya para sumunod kay papa sa kitchen nang bigla ulit siyang magsalita.


My Tutor Is A Kissing MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon