- Love Letter -
After 1 week
"Yie ikaw bhe, aral-aral din. Puro ka kaharutan sa pinsan ko dyan ha."
"Sa tingin mo ba, kaya kong mag-focus sa pag-aaral kapag lagi ko siyang nakikita na lumalagpas dyan sa labas ng room natin? Utak bhe. Nakaka-distract kaya."
"Maka-utak ka naman dyan Laurengreng, as if namang meron ka din nun."
"Che! Mas matalino naman ako sa'yo no. Tanda ko nga nung may quiz tayo sa History may naisagot ako, ikaw wala. Belat! Kawawa, walang sagot." Pag-ganti ko ng pang-aasar.
"Utut ka, essay nga lang yun eh. Mali pa grammar mo. Pramis bhe, na-gets ko yung sagot mo."
Andito kami sa classroom ngayon ni Iya, daldalan and harutan as usual. Hindi kasi dumating yung homeroom teacher namin kasi nagka-meeting lahat ng teachers. Kaya naman yung iba naming kaklase dito sa Class F at taga-ibang class eh todo gala at todo chika rin.
"Manahimik ka nga dyan! Sasakalin kita dyan eh!"
"Biro lang bhe. Peace peace tayo!"
"Che!"
Napalingon kami ni Iya sa may pintuan nang marinig namin ang ingay ng classmates namin. Nagkumpulan rin yung ibang boys doon. Ano naman kayang meron? Imposible namang si Blake yun at pinupuntahan kami. Okay, assumera lang. Masama ba? Libre lang mangarap noh.
"Uy bhe ano kayang meron dun?" Pangunguhit sakin ni Iya.
"Ewan lakompakers. So, back to the topic na nga. Sa tingin mo ba---"
"Oyy Lauren tawag ka! Miss pasok ka!" Naputol yung sasabihin ko kasi tinawag ako ng kaklase ko. Napatingin naman ako dun sa babaeng palapit sa amin.
Ay, ang ganda niya. Oh my! Nakakatibo. Ang puti niya tapos parang ang kinis pa ng balat niya. Yung mukha niya parang inosenteng-inosente talaga. Ang tangkad-tangkad pa niya. Mukha siyang Angel! Kung lalaki ako, siguro na-love at first sight na ako sa kanya. Kaya naman pala nagkakagulo ang mga kaklase namin. Haaay! Ang ganda niya!
"Sino siya bhe?" Pabulong na tanong ni Iya sa'kin.
"Uhh, di ko rin alam eh."
"Hello sa inyo! I'm Naomi Korine Pyon from Class A. Pero you can call me Neko."
Ang bongga ng name ha. Kaloka! Ano namang ginagawa ng isang taga-Class A dito? Pati bakit siya lumapit sa'min? Eh sa pagkakaalam ko mga ignorante ang mga tao sa Class A tsaka may mga sariling mundo. Mga suplado at suplada, except kay Blake syempre. Hihi. Kinikilig talaga ako pag naiisip ko si Blake.
"Lauren right? Nice to meet you." Nakipag-shake hands siya sakin. Tumingin naman siya kay Iya at tinanong ang pangalan nito. Ang weird, first time kasi to eh. First time pumasok ng isang taga Class A sa classroom namin.
"Umm.. Iya can I borrow Lauren muna for a moment? I promise, mabilis lang."
"Ako? B-bakit?"
"Sure sure teh! Magliliwaliw na lang rin muna ako."
"Thank you!"
Hindi na ako nakaimik at hinigit na ako palabas ni Neko. Saan niya ba ako dadalhin? Pati ano bang kailangan niya sakin? In fairness naman ha, hindi siya snob. Kakatuwa lang, pero at the same time nakakaloka siya. Yung feeling na.. pumasok na lang siya bigla sa room namin tapos hinigit ako. So weird!
BINABASA MO ANG
My Tutor Is A Kissing Monster
Teen Fiction[COMPLETED] "You are the last thing my heart expected." Lauren Flores, isang estudyante mula sa Class F. Engot kung tawagin ng iba, lapitin ng kamalasan, maingay at patay na patay sa crush niyang si Blake, mula sa Class A. Dahil last year na nila s...