Lesson #18

1.9K 58 7
                                    

- Safe Distance -


Paulit-ulit sa isip ko ang nangyari kanina. Kung hindi ba ako tumakbo, mababago ba ang lahat? Kung hindi ba ako pinangunahan ng emosyon ko, mabibigyan ba ng sagot ang tanong ko? Ewan. Basta ang alam ko lang, hindi ako okay. Ano ba kasing iniisip ko? Ang lakas ng loob kong umasa. Wala naman siguro talaga ang lahat kay Clarenz.


"Kanina ka pa tingin ng tingin kay kuya." Tiningnan ko si Bea. Hindi ako nakapag-salita sa sinabi niya.

"Ayaw niya sa mga engot, kaya wag ka ng umasa."


Wala lang ako sa kanya. Isang babae na ga-munggo ang utak at pabigat lang ako sa kanya. Hindi ako ang babae para sa kanya. Si Neko ang babagay sa kanya. Ganon naman talaga dapat noong una pa lang diba? Pero... bakit ang sakit? Bakit ba ganito ako ka-apektado? Oo gusto ko siya, pero hindi pa naman ganon kalalim diba?


"Nako bagay na bagay talaga kayo ni Clarenz namin. Hindi na ako makapaghintay na makatapos kayo ng pag-aaral! Naiimagine ko na pag naging isang pamilya tayo!" Gulat na gulat kaming lahat sa sinabi ni Tita Clara.

"Kung inaakala niyo na magpapakasal ako sa isang kagaya niya, wag na kayong umasa."



Tulala lang ako sa bintana ng bus. Pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa lalamunan ko, ang bigat-bigat. Gusto ko na lang ulit bumalik sa dati. Yung hindi kami nagpapansinan at tila ba walang pakialam sa isa't-isa. Yung wala lang siya sa'kin at noong puro pagsusuplado lang siya. Yung hindi kami magka-sundo, kagaya noong mga bata pa kami.


"Ano kako sabi mo?!"

"Engot. Ayokong maging ka-partner yung mga taong engot." Sabi niya habang inaayos yung mga gamit niya.


Medyo madilim ang mga ulap sa labas, parang uulan. Umayos ako ng upo at binuksan ang bag ko para tingnan kung nadala ko ba ang payong ko. Pagka nga naman minamalas ka, mukhang mananakbo ako ng dis oras. Haaay. Bakit ba parang may galit sa'kin ang universe? 'Wag naman sanang tumuloy ang ulan.

Napatingin ako sa kabilang dulo ng upuan. Ako lang ang naka-upo dito sa dulo ng bus, hindi kagaya dati na laging may supladong lalaki na naka-upo sa kabilang dulo.


Maya-maya lang rin ay dumating na yung bus kaya tumakbo na ako at agad na sumakay. As usual, sa pinaka-likod ako umupo. Favorite ko talagang pwesto 'to.

Pero pagka nga naman minamalas, dito rin umupo si Mr. Sungit sa likuran pero dun naman siya sa kabilang dulo. Psh. Lagi na lang kaming nasa magkabilang dulo.


Tuwing nagkakasabay kami ng pagpasok sa school noon, dito rin siya palaging naka-pwesto. Yun nga lang, sa kabilang dulo siya. Malayo sa'kin at mahirap abutin. Nakakatawa lang isipin ngayon. Kung alam ko lang na ganito, edi sana sinulit ko na yung mga pagkakataon na 'yun.


"Shoo! Wag kang feeling close sa'kin. Galit pa rin ako sa'yo noh. So kaderder! Eew!"

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Shet! Tama ba yung narinig ko? Si Clarenz Lucido, tumatawa? Oh my gee. Tumawa talaga siya sa harap ko? Sa harap ni Lauren Flores? Umisod ako papalapit sa kanya kasi na-amaze talaga ako sa tawa niya.

"Clarenz Lucido, tumawa ka talaga? Wow! Ikaw ba talaga yan?!"  Pang-aasar ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin dahilan para mailang ako, kaya medyo lumayo ako ng konti.

"Magpapa-misa na ako!" Pabiro ko ulit na sabi sabay ngiti ng nakakaloko sa kanya.

"Shut up."


My Tutor Is A Kissing MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon