Ps: Before reading this story, might as well read the Book 1 first para alam niyo po ang takbo ng istorya. Salamat :)
"Ang sama sama mo kuya!" Tumalikod siya matapos niyang isigaw sa akin iyon.
I don't really care if she's mad. Natutuwa pa nga ako dahil galit siya. Tinapon ko lang naman kasi ang laruang manika na binigay ni Daddy sa kanya sa swimming pool.
That's what you get when you pissed me of!
Eh bakit nga ba ako naiinis sa kapatid ko? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko tuwing nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko. Irritation maybe? Eh kasi ampon lang naman siya eh! She deserves it!
Nang kinagabihan ng umuwi si Daddy ay pinagalitan niya ako dahil sa pagpapaiyak ko kay Cady. Eh bakit ba kasi niya lagi na lang pinagtatanggol ang ampon na yun? I'm his real child. Dapat sa akin siya kumampe!
Halos araw araw sa bahay ay umiingay dahil sa maingay na halakhak ng kapatid ko. Ganoon siya palagi kapag masaya o di kaya kapag naglalaro. Madalas siyang isama nila Kuya Kieran at Kaezer sa mga laro nila kahit na babae pa si Cady. I don't know why they accepted her that fast. Sabik ba silang magkaroon ng kapatid na babae? Well not me!
Eh ang layo layo kaya ng mukha ng Cady na yan sa itsura namin? Para siyang foreigner na hilaw... with her dirty blonde hair and that tan skin. Physically, she really doesn't belong to us.
Mas lalong nadadagdagan ang inis ko kapag pumunpunta rito ang mga pinsan ko sa bahay. My cousins loves Cady. Lahat sila! Para maiba, i hate her! I really really hate her. I hate the sound of her voice, the sound of her laughter, the way she moves, i hate it! The way she calls me KUYA really irritates me the most.
Pero dahil lagi siyang pinagbibigyan ng mga kapatid kong lalaki ay mas lalo ko siyang iniinis at inaaway.
Maliligo siya sa pool today kasama ang kanyang instructor... I think i should do something to make her day bad.
I immediately loosen the tank of the pool to eliminate the water from it. The pool needs a change of water. I smirked as i thought.
Paubos na ang tubig sa pool ng dumating si Cady kasama ang instructor niya.
"What happened to the water?" Tanong niya sa walang kamalay malay niyang instructor. Natatawa naman ako habang nagtatago sa may gilid. Silly woman! Tanungin ba naman ang guro niya?
"Baka lilinisin ang pool kaya next time na lang siguro tayo mag session."
"Eh, sayang naman po ang araw ngayon. Wait po, itatanong ko kay Yaya." Mabilis na nagtungo doon si Yaya. Well, kahit si yaya ay wala namang kaalam alam dahil ng lahat ng ito ay pakana ko.
"Yaya, bakit po walang tubig ang pool? Are you going to clean the pool today?" I rolled my eyes. Bait baitan! Nakakainis!
"Hindi ko alam Cady... Sa isang buwan pa ang schedule ng pagpapalit ng water sa pool." Ani ni yaya.
Napag desisyonan kong lumabas na doon sa gilid at magpakita. Lahat sila ay napalingon sa akin habang nakapamewang na lumapit doon. Ang mukha ni Cady ay nakasimangot na at alam na niya kung sino ang may pakana. None other than... ME! Evil laugh!
"Ay, kawawa naman! Walang tubig ang pool? I have a swimming pool balloon in my room, do you wanna borrow it instead?" Tawa ako ng tawa matapos ko iyon sabihin. Kitang kita ko na ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Cady. Kumuyom na rin ang kamao niya at nag iwas ng tingin sa akin. Bahagya akong nainis. Look at me! I want you to look at me!
Nagbuntong hininga siya ng akmang aalis na ang instructor niya. Tumawa muli ako. Kawawang bata! Hahahaha!
"Sir Bryle, we can go to my cousin's house. They have a huge pool. Doon na lang po tayo." Aniya sa kanyang instructor na sinang ayunan nito.