Part 22: topic

2.3K 76 5
                                    

Halos hindi magmayaw ang kabog ng dibdib ko habang nasa byahe papunta ng Mansyon. Buo ang desisyon ni Vanity na pumunta dahil nakausap niya si Mommy.

"We should bring something for your Mom... Like, some cake? Hmm, or flowers?" Excited niyang tanong habang nasa front seat. Ako ang nagmamaneho at panay ang buntong hininga ko. "Babe, ano?!" Inalog niya ako kaya ay nabalik ako sa ulirat.

"Just do what you want." Tipid kong sagot habang nakatuon ang atensyon sa kalsada.

"Okay, cake it is. Dumaan muna tayo sa favorite bakeshop ko, their cakes are amazing!" I rolled my eyes of what she said.

Sana ay walang ibang tao sa bahay. I hope si Mommy lang ang naroon at wala ng iba pa. Pero, it's impossible that she invited me over and not inviting my two brothers. And fuck if she invite Cady too.

Matapos namin bumili ng cake doon sa bakeshop na tinutukoy ni Vanity ay dumiretso na muli kami papunta sa bahay. Kabado ako buong byahe. Hindi ko mawari kung saan nanggagaling ang kabog ng dibdib ko na para bang may mangyayaring hindi maganda. Nang makapasok sa subdivision ay dumoble pa ang kabog nito.

I parked my car inside when the security guard opened the gate for us.

I cursed hard when i saw my brother's and my cousin's cars inside our premises. Shit. Nandito sila?!

Sabay kaming lumabas ni Vanity ng sasakyan. She fixed her hair and then turned to me. Hawak niya ang cake na ibibigay niya kay Mommy. Matamis man ang cake na iyon ay kabaliktaran iyon ng nararamdaman ko ngayon, puros pait.

She held my arm as we entered our grand entrance.

Sinalubong kaagad kami ng katulong at akmang kukunin ang dala ni Vanity ng di siya pumayag.

"It's okay. I want to personally hand it to Kaden's mom." Ani ni Vanity sabay ngiti sa katulong.

I sighed. Rinig na rinig ko na ang mga boses ng aking pamilya sa may dining area kaya mas lalo pang dumoble ang kaba sa dibdib ko.

"You think she'll like me?" Nagulat ako sa tanong ni Vanity. Hindi ko alam ang isasagot dahil wala pa naman akong kasintahan o kaibigang babae na napakilala kay Mommy.

Tumango na lamang ako at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso.

Pumasok kami sa dining area at ang unang taong nakita ko ay walang iba kundi si Cady. She was all smiles while having conversation with Yuriko in front of her. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Oh, Kaden is here!" Ang boses ni Gia ang umalingasaw sa buong dining area.

"And Vanity..." dugtong naman ni Yuriko na ngayon ay nakaangat ang gilid ng labi tila tuwang tuwa sa tagpong ito.

Kitang kita ko kung paano nag iwas ng tingin si Cady sa akin. Nawala lamang ang mga mata ko sa kanya ng lumapit si Mommy sa amin at hindi ko namalayang nag besohan na pala sila ng babaeng kasama ko.

"For you, tita." Maagap na tinanggap ni Mommy ang cake na binigay ni Vanity. She hugged me right after.

"Finally, Kaden brought a girl in the house!" Maligayang anunsyo ni Mommy sa lahat.

Hindi ko sila makitaan ng tawanan kundi mas naging awkward pa nga ang paligid.

Lumapit na lamang ako sa mga kapatid at mga pinsan. Yuriko, Kaezer and Kuya Kieran and i fist bumped. Hinalikan naman ako sa pisngi nila Gia at Trish. Hindi na naman maalis ang mga mata ko kay Cady ng makalapit ako sa banda niya.

I saw Vanity having some chitchat with my Mom. Hindi ko na siya pinakilala dahil siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya. Kilala na rin naman siya ng mga pinsan ko.

My Sister and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon