After i said yes, all my family members went out from God know's where and congratulated the both of us.
Bumukas na ngayon ang kaonting ilaw sa bar. Now i realized they were just here maybe watching how Kaden will propose to me.
"Congratulations iha." Matagal ang naging yakapan namin ni Mommy. Masaya ako dahil natanggap niya ako. Hindi man niya ako natanggap bilang ampon nila noon ni Daddy ay ang mahalaga tinanggap niya pa rin ako. And now, she's here to support Kaden and I.
Sobrang saya ko.
Lahat ng pinsan ko ay binati at niyakap ako. Ang pamilyang ito ang kinagisnan ko at mali ako sa pag akalang hinding hindi nila kami maiintindihan. It's just take time to heal everything in the past and now the wound is dry, it's still there but it's already a scar.
Hindi naman ako nagsisi kung bakit ko nagawa ang umalis noon. Masakit, sobrang sakit pero alam ko magbubunga ang bawat hapdi.
Now Kaden's has his own company. He's successful and i know he's been through a lot, just like me.
I won't be able to find my self if i didn't leave too. I learned how to be independent and i became strong.
The past is part of us now. We just need to focus and build the future. This time, together.
Gia, Trish and Anci (Kuya Kieran's wife) looked at my engagement ring with awe. Panay ang puri nila rito.
"Those little diamonds on the band is gorgeous!" Ani ni Gia na kanina lang ay kasama ko buong araw.
"It's so beautiful!" Ani ni Anci.
"Of course, it should be as beautiful as my fiancé." Bigla na lang sumulpot si Kaden sa kung saan at pinulupot ang mga braso sa aking bewang. He hugged me from behind.
Nahihiya pa ako dahil hindi pa sanay ang mga tita at tito at ang iba naming kamag anak na makita kaming ganito. Holding hands pa lang ang nakikita nila sa amin and not hugging and kissing!
Ngumiwi si Gia at humagikgik naman si Trish at Anci.
"You look good together. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya ulit si Kaden." Ani ni Trish na parang malungkot ang pagkakasabi.
Bahagyang kumirot ang puso ko sa narinig. I was at fault on Kaden's loneliness. Alam kong minahal niya ako ng sobra pero ang nagawa ko lang ay iwan siya.
I don't want to be his burden for the rest of his life. Gusto niya lang ay magtrabaho sa palengke at buhayin ako. Ni hindi niya iniisip ang sarili niyang kalagayan. He will stop studying and i know he already put up too much for his studies. Sayang ang lahat maging ang pinag aralan niya abroad.
I want to be with him yes, but if being with him means he will lose everything he has, his family, his lifestyle, his future? I'd rather leave than to see him fall into pieces by pieces each time we are together.
Mahigpit akong niyakap ni Kaden mula sa likod. Ramdam kong naapektuhan rin siya sa sinabi ni Trish.
"You will see more of happy Kaden for the rest of your life Trish, so don't worry." Aniya at tumawa sa aking leeg. Kinalibutan ako agad.
Nagtawanan kami. Maging ang mga lalaking pinsan ay nakisali na rin at nagsasayaw na sa dance floor at umiinom ng alak.
Nagpaalam ang mga matatanda na uuwi na pagkatapos ng dinner. Ang magpipinsan maliban kay Ate Angel ay naritong lahat. Maybe she's busy with her family life, may anak na rin siya at baka hindi siya available ngayon.
We partied all night long.
Nang nagkayayaan ng umuwi ay sabay sabay kami na lumabas. Walang nagpa iwan at nauna maliban sa aming mga magulang.