Part 9: afraid

2.7K 88 3
                                    

"Sir, ayos na po ang lahat. Three days and two nights po tayo sa isla." Ani ni Shyshy sa akin ng pinapasok ko siya sa aking opisina.

"Bakit tatlong araw pa? Hindi ba kaya ng isang buong araw lamang ang shoot?" Tanong ko habang nag s-scroll ng bagong paintings sa aking computer.

"Kaya naman Sir. Kailangan lang natin
makuhaan ng magandang kuha ang sunset. Ang pangalawang araw po ay para sa spare day kung sakaling hindi ma perfect ang sunset shoot. Ang pangatlong araw naman po ay ang pag uwi. We can also leave the Island on the second day if we got the photos we've been aiming for." Paliwanag ni Shyshy.

She has a point. She really knows what she's doing.

"Ilang rooms ang nireserved niyo?"

"Actually sir... Lima po."

"And why is that?" Busy pa rin ako sa pag scroll ng mga paintings na bibilhin ko para sa aking mini office sa condo.

"Isa po sa inyo. Ako po ay kasama at makiki share na lang po ako ng room sa make up artist. Isang room din po sa  photographer, willing naman po siya makipag share sa mga staffs niya ng room. Tapos po, tig isang room si Mr. Edriaga at iyong girlfriend niya. Actually po, anim talaga. Pero sabi ni Mr. Edriaga po siya na ang bahala sa room ng body guards niya."

Napahinto ako sa pag scroll. Tama ba ang narinig ko?

Cady and Chaster will be staying in a different room?

May kung ano sa loob ko ang nagdiwang.  Napaupo ako ng maayos at napasandal sa aking swivel chair. I played with my lower lips.

Hindi ko alam na napatulala na pala ako ng ilang sandali kung hindi ko pa narinig na nagsalita muli si Shyshy.

"Sir?"

Bumalik ang mga mata ko sa aking computer. It's weird that i kept on smiling like a moron. It's stupid, i know, but i feel so happy.

Does is it mean, they didn't had sex yet? I mean, it's fine with me... She used to live in New York, she said. People there are so liberated, i can tell. But, still, i will accept her with all my heart.

"What is our estimated time of departure tomorrow?"

"We can leave at exactly eight AM Sir. Our estimated time of arrival in the island would be at lunch time. We will have our lunch in the resort and then we can now prepare for the shoot." Paliwanang muli ni Shyshy.

"Okay. See you tomorrow then."

"Yes Sir. Thank you for your time." Aniya at umalis na.

Kaya ang ginawa ko matapos ang office hours ay namili ako sa mall ng board shorts at bagong aviators. I also bought a rash-guard.

I'm so fucking ready for tomorrow.

Sa sobrang excited ko ay tinawagan ko pa nga si Yuriko para sa kaonting advice. Aniya sunggab lang daw ng sunggab. Lokong iyon. Imbes na bumalik sa akin si Cady ay baka lalo pang lumayo. Sunggaban ba naman eh!

Kaya ng magising ako sa alarm na sinet ko kagabi ay mabilis na akong nag ayos para sa sandaling trip. Matapos ko mag ayos ay marami akong business call na ginawa. Naging mahaba rin ang habilin ko kay Jules at kay Rea na aking sekretarya. Dahil tatlong araw akong mawawala sa opisina ay sila muna ang bahala sa lahat.

Ilang minuto rin akong nagtagal sa salamin at inayos ang buhok ko. I should look presentable and handsome enough for Cady.

I wore a fitted button-down shirt with a black and white leaves print, High knee shorts at dark blue sperry. Suot ko rin ang aviators ko at inilagay na sa aking balikat ang aking gym bag na pinaglagyan ko ng aking mga gamit.

My Sister and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon