"Chaster Edriaga Partying Nonstop" said on the cover of a showbiz magazine.
Hawak ko ang isang magazine na kinuha ko sa isang magazine rack dito sa may counter area kung saan nagbabayad si Gia ng mga pinamili niyang groceries. Sinamahan ko siya ngayong araw dahil ang sabi niya ay kailangan niya ng kasama.
Tatlong linggo pa lang ang nakakalipas simula ng matanggap kami ni Kaden ng aming pamilya. It's a huge relief and i feel so free. I can freely hold Kaden's hands in front of everyone. Alam kong hindi madali para sa kanila ang pagtanggap sa amin pero masaya ako dahil kahit papaano ay hindi na sila tutol sa aming relasyon.
I'm just concerned about Chaster who's now partying everyday and night, base on this magazine i'm holding. Alam kong nasaktan ko siya pero hindi ko akalaing babalik siya sa dati niyang kinaugalian dahil sa aming paghihiwalay.
He said he'll be more mature and won't do anything stupid to stain his father's name while on his last term for presidency. But i guess not since cover topic siya rito sa magazine. I just hope he can move on without doing these stuffs. I know he can do better than this.
"Gia, Kaden's not texting me or calling me the whole day. Ano kayang ginagawa niya ngayon. I want to see him." Ani ko sa pinsan ng huminto kami para kumain muna ng ice cream na paburito niya. I licked my ice cream while holding my phone waiting for Kaden's call.
Umismid ang pinsan ko at bahagyang natawa pagkatapos. "You're so clingy Cady. Sige ka, baka magsawa agad sayo yun." Pang aasar niya.
Halos mangitim ang mukha ko sa inis ng marinig iyon at ngumuso. "I'm not clingy. I'm just not used to him like this." Sabi ko at sabay kagat sa aking ice cream kaya ngumiwi ako sa pangingilo dahil sa lamig nito.
Kapag hindi kami magkasama ni Kaden ay kahit papaano ay pinapaalam niya sa akin na magiging busy siya o may ginagawa siya. Ngayon lang hindi, at halos matatapos na ang buong araw na wala siyang text man lang o tawag.
I'm getting worried.
Am i being nosy? Clingy, like Gia said? Nagkasawa na kaya si Kaden dahil ganun ako? Gusto ko lang naman siya makasama at malaman kung ano ang ginagawa niya. That's not even being clingy. I just love him and i want to be with him always.
"Ano ka ba, baka busy lang sa opisina yun." Ani ni Gia. "I want more icecream!" Sabay tayo niya at omorder pa.
Natawa ako at parang bata siyang nakaabang habang nilalagay ang ice cream sa malaking cone. Nang makaupo siya muli ay kinulit ko siyang puntahan namin si Kaden sa opisina.
"Akala ko ba, sasamahan mo ko buong araw? Ngayon lang kita na solo dahil si Kaden nakaaligid sayo parati." Gia made a puppy eyes and then licked her ice cream like a kid.
She's right. Nangako ako sa kanyang sasamahan ko siya buong araw kaya dapat tuparin ko yun. I missed seven years of their lives and they missed seven years of mine. So i think it's okay to just make up for those lost times.
I just wonder why she's with me now, when in fact i thought she's the busiest of them all. She has a lot of bars and clubs that needs her full attention, lalo na't ang iba doon ay bukas kahit umaga dahil restaurant din iyon.
Now i should be glad she has time for me. Kaya ay hindi ko na lang inisip ang hindi pagpaparamdam ni Kaden buong araw.
Nang matapos kami sa Mall ni Gia ay pumunta kami sa kanyang condo. Nag ayos kami at sabi niya ay samahan ko siyang maglibot sa mga bars at clubs niya. Tutal ay hindi naman sumasagot si Kaden sa aking text at tawag ay pumayag na ako. Wala naman akong ginagawa since sobrang open ng schedule ko sa modeling dahil wala pang projects.