Part 14: slave

3.1K 76 8
                                    

Warning: SPG SPG!

Nang makabalik ako sa kwarto ko ay para akong hibang na tumawa sa kawalan. Hindi ko mapigilang magmura sa kawalan. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa pagitan namin ni Cady at sa nangyari pagkatapos. Hindi ako makapaniwalang narinig mula sa kanya ang mga salitang iyon.

Sinapo ko ang noo ko. Gusto kong magwala at magpakalasing. All i want is to let out this horrible feeling i felt inside of me.

For me we made love tonight. But for her it's just casual sex. For her we just had sex and that's it.

Padabog akong napahiga sa kama. Para na akong mababaliw sa kakaisip. Kaya ay tumawag ako sa front desk at nag order ng maiinom. Mabilis itong dumating at saka ako nagpakalasing. After 8 bottles of beer, i dozed off.

Tanghali na ng magising ako. Naabutan ko ang mga staffs at si Chaster sa bukana ng resort. They started shooting without me knowing it. Mabuti nga iyon at hindi na nila kailangan ng go signal ko para mag umpisa.

Nag half jog si Shyshy palapit sa akin. Matindi ang sikat ng araw kaya nakatakip sa kanyang ulo ang dala niya laging folder.

"Sir... Nag umpisa na po kami dahil sabi ni Mr. Edriaga ay luluwas sila mamayang hapon pauwi." Bungad niya sa akin.

"It's okay. But can you please ask for aspirin? I have migraine. Ihatid mo na lang sa restaurant, kakain muna ako."

"Ay sige po sir. Dalhin ko na lang po doon."

Nagpasalamat na ako kay Shyshy at saka dumiretso sa restaurant. Hindi naman niya trabaho ang pinagawa ko pero wala na akong ibang mautusan. My head really hurts.

Nang dumating ako sa restaurant ay mabilis akong nag order ng pagkain. Wala na masyadong tao dahil ala una na rin at halos mag aalas dos na.

Dumating agad ang order ko kaya nilantakan ko kaagad iyon. Sakto ang pagdating ni Shyshy dala ang gamot.

"Sir, kayo po ba uuwi na rin today?" Tanong niya. Nilagok ko ang tubig kasabay ng gamot saka siya nilingon.

"No, i guess i'll stay tonight. Sa umaga na tayo umuwi. Pagkatapos ng shoot ay tanungin mo kung sino pa ang mag sstay at ang uuwi na."

"Okay po Sir." May kung ano sa aking likod na napatitig siya roon at kumaway. Nilingon ko iyon at nakita si Cady na may dalang buko juice. Literal na buko iyon na may straw.

She's wearing an oversized aviators and only wearing a two piece white bikini. Kumaway siya kay Shyshy at dire diretsong lumabas ng restaurant. Halos lahat ng tao at waiter sa loob ng restaurant ay napapasunod ng tingin sa kanya. She knew she's a head turner and she's loving the attention.

"Sige po sir. Balik na po ako sa shoot."

Tumango lamang ako habang sinunsundan ng mata ko si Cady. Sa glass door ay tanaw ko siya at nakahiga doon sa sun lounger sa harapan ng restaurant.

Nagbuntong hininga ako at inisip muna kung lalapitan ko ba siya o hindi. Kalaunan ay naudyok pa rin akong lapitan siya.

"Loving the view?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Mukhang alam niyang kanina ko pa pinagmamasdan ang hubog ng kanyang katawan. She even smirked. "Don't tell me you want another round?" Aniya at napaupo galing sa pagkakahiga. Hinawi niya ang buhok niya at pinagsalikop sa kabilang side ng kanyang balikat.

Nanlaki pa ang mata ko ng hilain niya ang strap ng kanyang bikini top. Shit. What is she doing?

"Do you mind?" Inilahad niya ang sunblock lotion tila sinasabing lagyan ko siya.

My Sister and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon