"I think we need to go. Maaga pa sa school si Vethany bukas. " Anunsyo ni Trish sa lahat.
Nilingon ko si Vethany na ngayon ay humihikab na at mukhang inaantok.
Nagpakawala ako ng buntong hininga at sumang ayon kay Trish. Inaantok na ang bata at walang ibang maghahatid sa kanila dahil pinauwi ko ang driver at ang body guard nila.
"Umm, my team will just keep in touch with you, then? We need to go. I'm their driver for today." Tipid kong tawa.
Nakipagkamay si Chaster at tumayo na kaya tumayo na rin ako upang tanggapin iyon.
Iniiwasan ko ang mapatingin kay Cady. I don't want to leave and leave her with this man. Alam ko wala akong karapatan at mas may karapatan ang lalaking ito sa kanya pero hindi ko mapigilang maramdaman ang mga sinaunang pakiramdam dahil una siyang naging akin.
"Okay. So i'll look forward for our shoot. I hope it's a nice resort so my girlfriend and i will enjoy the place. A little vacation will hurt nobody, right?"
Nag igting agad ang panga ko. Nilingon ko si Shyshy, sinenyasan ko siyang lumapit sa akin kaya iyon nga ang ginawa niya.
She awkwardly stand next to me as i reached for her ear. I just needed to whisper her the things i want to fucking shout right now. I'm angry! I'm jealous for pete's sake!
"Talk to him. I don't want to be rude so it's better if you talk to him. Konti na lang sasapakin ko na yan." Bulong ko.
Tumawa si Shyshy at nagkunwaring nakakatawa ang binulong ko sa kanya.
"Hahaha. Okay sir." Aniya.
Nahagip ng mata ko ang nakakunot na noo ni Cady. She was checking Shyshy from head to foot and even twitched her lips when she realized she's way better than her.
I know right, baby. You are not better, you are the best.
Hinubad ko ang blazer ko at ibinigay kay Trish. Mabilis ko ng kinarga ang inaantok kong pamangkin.
Nagpaalam si Trish kina Cady at Chaster. Naghihintay lamang ako roon sa gilid para makaalis na kami. Nagyakapan pa sina Trish at Cady kaya mas lalong nagtagal.
Isinandal ni Vethany ang ulo niya sa aking balikat at nakapulupot ang mga braso niya sa aking leeg. Nakagabay naman ang mga kamay ko sa kanyang ulo. Alam kong nakapikit na siya dahil sa pagod. I made sure Cady see me with Vethany. And when she did, i caressed Vethany's back as if making a baby sleep in a cradle.
I know there's amusement in her eyes when she saw me.
Yes baby... Loving the view? Just imagine, me, carrying our child.
I smirked when she took away her eyes from the view. The view of her life if she didn't leave me. The view of her husband and her child if she didn't gave up on me. This might be her view if she chose to stay.
"Let's go." Ani ni Trish at sumunod na ako sa kanya papuntang parking.
Hinatid ko si Trish sa kanyang bahay. Body guards are all over her place. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang siya kung makapag hire ng body guards. Minsan nga iniisip ko kung may kaaway ba itong pinsan ko na ito o sadyang over protective lang talaga siya sa kanyang anak.
"Thanks Kaden. I told you, you shouldn't made the driver leave. Edi sana hindi mo na kami hinatid pa." Ani ni Trish ng mailapag ko na si Vethany sa kanyang kama. Inayos ko ang kanyang kumot at nilagay iyong hanggang balikat niya.
Hinaplos ko ang buhok ng bata bago nilingon ang kanyang ina.
"It's okay. Na miss ko rin naman si Veth." Inabot ni Trish ang blazer ko sa akin at lumabas na kami ng kwarto ng kanyang anak.